BOX 02

1200 Words
“TEN million pesos!” “Going once… twice…” sandaling tumigil si Miss Black sa pagsasalita upang bigyan ng pagkakataon ang ibang bidder na taasan pa ang nasabing halaga. At nang masigurp niya na wala nang mangangahas na magsalita para talunin ang ten million pesos ay sinambit na niya ang katangang: “SOLD!” Pagkasabi niya no’n ay namatay na ang ilaw. Naglakad na siya palabas ng bulwagang iyon. Kabisado na niya ang naturang bulwagan kaya kahit madilim o nakapikit pa siya ay makakalabas siya doon. Halos tatlong taon na rin kasi siya na auction master sa “Human Auction” simula ng palitan niya si Mr. Black. Pumasok na siya sa kanyang silid upang magkaroon ng tahimik na kapaligiran. Tinanggal niya ang suot niyang maskara at naglakad papunta sa side table ng kama. Doon ay may nakapatong na mamahaling alak at wine glass. Sinalinan niya ng alak ang baso at pumunta sa malaking glass wall. Tanaw niya ang kadiliman ng gabi sa labas. Sinimsim niya ang alak at uminom. Gumuhit sa kanyang nauuhaw na lalamunan ang alak. Tatlong taon na rin pala ang nakakalipas. Tama nga si Mr. Black, nakakabulag ang pera. Ngayong wala na siyang mahal sa buhay ay pera na lang ang importante sa kanya. Pera na lang ang nagpapaikot sa kanyang mundo. Wala na ang dating si Ruth na mahirap. Marami na siyang pera. Lahat ng luho sa buhay ay nalasap na niya. Ang problema lang niya ngayon ay kung papaano niya gagastusin ang kanyang salapi. Tila wala na siyang kasiyahan. At dahil sa “problema” niya na iyon ay isang kakaibang bagay ang kanyang naisip. Gusto niyang maaliw! Gusto niya ng kakaibang “entertainment”! Inubos niya ang laman ng wine glass. Saktong tumunog ang kanyang telepono. Agad niyang sinagot ang tawag na iyon. “Hello, Miss Black? Dalawang tao na lang po ang kulang!” ani ng nasa kabilang linya. “Very good! Bilisan niyo na. Naiinip na ako…” At sumilay ang isang mala-demonyong ngiti sa labi niya. “MAG-ISIP ka nga! Kung papatayin mo ang dalawang iyon, makukulong ka! Mapapatay mo nga sila pero ikaw naman ang magdurusa!” Patuloy si Bea sa pagpigil kay Alona. Tumigil siya sandali at hinarap ang kaibigan. “Wala akong pakialam! Tumabi ka at baka pati ikaw ay madamay dito, Bea!” angil niya. Rumehistro ang takot sa mukha ni Bea. Mukhang natakot ito sa sinabi niya kaya naman nang lampasan niya ito ay hindi na siya nito pinigilan. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa silid ni Mario. Saktong nagbibihis na ang dalawa at mga underwear pa lang ang suot. “At saan kayo pupunta? Aalis na? May surprise pa ako sa inyo, `di ba?” aniya sabay umang ng kutsilyo. Takot na takot na nagtago si Lindsay sa likod ni Mario. “A-alona, kung anuman ang binabalak mo, `wag mo nang ituloy, please… S-sorry na… Don’t kill us!” mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Lindsay. “Don’t kill us mo mukha mo! Papatayin kitang higad ka!” galit na sigaw niya. Itinaas naman ni Mario ang kamay nito na parang pinapakalma siya. “Alona, `wag mong gagawin iyan. M-mahal kita, Alona… `Yong sinabi ko kanina na mahal ko si Lindsay, joke lang iyon. Okay?” Napansin niya na nagkatinginan sina Lindsay at Mario. Unti-unting lumapit sa kanya si Mario. Umiyak lang siya nang umiyak. Bigla siyang niyakap ni Mario at gumanti naman siya ng yakap dito. “Tahan na, baby… Ikaw ang mahal ko, Alona…” pag-aalo pa ni Mario sa kanya. “Akala ko kasi hindi na ako ang mahal mo, e…” aniya. “Sorry talaga, baby… Init lang ng katawan—“ Hindi na naituloy pa ni Mario ang sasabihin nito dahil bigla niyang dinakma ang p*********i nito. Malaks itong napasigaw dahil halos pigain niya iyon. Bahagya siyang lumayo dito para magkaroon ng espasyo sa pagitan nila. Sandali niyang ibinaba ang suot nitong brief at agad niyang hinila ang p*********i nito sabay tutok ng talim ng kutsilyo doon. “Alona! Alona! `W-wag!” palahaw ni Mario. Takot na takot ito. Nakakaloko niya itong tiningnan. “Akala mo ba ay mauuto mo akong hayop ka! Puputulin ko na ang kaligayahan mo!” sabay dura niya sa mukha nito. “Alona, don’t do that… Please…” umiiyak na sabi ni Lindsay sa kanya. “`Wag mo akong utusan babae ka! Tumigil ka diyan!” aniya sabay tingin ulit kay Mario. “Ngayon, say goodbye to your patutoy!” Nakangisi niyang sabi. Kitang-kita niya ang takot sa mukha ng lalaki. Pero hindi pa man niya naidadaiti sa p*********i ni Mario ang kutsilyo nang mabilis na tumakbo si Lindsay papunta sa kanya at itinulak siya. Bumalandra siya malapit sa kama at nabitawan niya ang kutsilyo. Umiiyak na niyakap ni Lindsay si Mario. Siyang pagpasok naman ni Bea at pinuntahan siya para yakapin. “Tama na, Alona…” Hinimas-himas pa siya nito sa likod. “Ilabas mo na `yang kaibigan mo dito, Bea! Umalis na kayo!” sigaw sa kanila ni Mario. Tila naman natauhan na si Alona. Bigla siyang natahimik at natulala. INIHATID muna ni Alona si Bea bago siya nag-drive papunta sa bahay niya. Mag-isa lang siyang naninirahan doon. Isang taon pa lang ang nakakaraan nang magdesisyon siya na bumukod na sa pamilya niya. Hindi na rin naman siya bata at isa pa ay kaya na rin naman niya. Ganunpaman ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtulong sa pamilya niya. Papasok na siya sa subdivision kung saan naroon ang bahay niya nang magpahinto-hinto ang takbo ng kanyang sasakyan. Hanggang sa tuluyan na iyong huminto. Mabuti na lang at nasa tabi na iyon at wala na sa gitna ng daan. Bumaba siya ng kotse at nagpalinga-linga. Wala pa naman siyang alam sa pag-aayos ng sira ng sasakyan. Kapag minamalas nga naman!. Niloko na siya ng boyfriend niya tapos nasiraan pa siya ng kotse sa dis-oras ng gabi! “Ma’am, may problema ba?” Napapitlag si Alona sa gulat nang may biglang magsalita sa likuran niya. “Kayo lang po pala, kuya! Ginulat niyo naman ako, e.” Nakahinga siya nang maluwag nang malaman na ang guard ng subdivision pala iyon. “Pasensiya na po. Nasiraan yata kayo.” “Oo nga po, e. Pwede po kayang dito muna itong kotse ko? Pakitingin na lang po. Bukas ko na lang ito ipapahila papuntang talyer.” Pumayag naman ang guard dahil medyo ka-close naman niya iyon. Naglakad na si Alona papunta ng bahay niya. Ilang block na lang naman ang lalakarin niya. Iyon nga lang, medyo nakakatakot dahil wala nang katao-tao sa dinaraanan niya. Habang naglalakad ay bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Parang may sumusunod sa kanya. Tumigil siya sandali at lumingon sa kanyang likuran. At ganoon na lang ang gulat niya nang isang hindi kilalang lalaki ang nakita niyang nasa likuran niya. Hindi na niya nagawa pang sumigaw dahil mabilis itong nakalapit sa kanya at tinakpan ng panyo ang kanyang ilong at bibig. May kung anong kemikal siyang naamoy mula sa panyo na naging dahilan para mawalan siya ng malay…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD