**Bianca's POV ** Sa nan-lalabo kong mga mata na tigmak ng luha ay pinanood kong tumalikod sa akin si Joseph. Habang palayo siya ng palayo ay parang tuluyan siyang nawawala sa akin. Hindi ko intensyon na isipin niyang gusto kong balikan niya si Chelsea, at lalong hindi ko naisip na mauuwi kami sa lalong hindi pagka-ka-unawaan. Habol-habol ko ang pag-hinga sa labis na pag-iyak. Pakiramdam ko kapag hinayaan ko siyang makalabas ng kwarto ay hindi na siya babalik pa. Tumakbo ako patungo sa kanya at oras na ma-abot ko siya ay agad akong yumakap ng mahigpit mula sa likod niya. Hindi niya na-ituloy ang akmang pag-bukas ng pintuan. Nanatili siyang nakatayo. Malalim ang bawat hiningang pina-pawalan niya na para bang naroroon ang lahat ng tinitimpi niyang galit at naipong sama ng loob. "A-ayoko

