KABANATA 21

1662 Words
**Joseph's POV** "Joseph," Dinig kong tawag sa akin ni Chelsea. Mariin kong pinunasan ng aking mga palad ang mga pisngi kong basa ng aking luha. Mapait akong nangiti. *Why am I even shedding tears? * *It f*****g hurts* Ako din ang sumagot sa sarili kong tanong. Nagawa kong humarap muli sa kanila. Si Gibson na hindi inaalis ang nang-uusig na tingin kay Chelsea, at si Chelsea na mukhang apektado doon dahil naka-sentro ang atensyon niya sa akin. "Kaya pala hindi ako mapakali." Pagak akong natawa. "May dahilan pala, bukod sa talagang pakay ko dito ay may extra pa pala akong dapat na malaman. I shouldn't be surprised when it comes to you Gibson, but Chelsea seriously?" "It's not like that." Sagot ni Gibson. "Not like what? Don't tell me nag-ja-jack 'en poy lang kayong dalawa bago ako mam-bulabog dito?" Sarkastiko kong sabi. "Wala kaming ginagawa Joseph." "Tell that to the marines." Ingos ko sa sinabi niya. Muling bumaling ang tingin ko kay Chelsea na nuon ay palapit kay Gibson. Parang dinakot ang puso ko sa loob ng aking dibdib nang tangkain niyang hawakan ang mukha nitong nababahiran ng dugo. Nag-iwas ako ng mata sa tanawing iyon. " Get your hands off me." Angil ni Gibson na ikina-kunot ko ng noo. "Your face is bleeding." "I know! And I can feel it. Hindi ako manhid. Pwedeng lumayo-layo ka?" "If you both are done, just tell me." Humalukipkip ako habang tini-tingnan sila. Nanlaki ang mga mata ni Chelsea na para bang nalimutan nitong naroroon ako. "I'm sorry Joseph. Kase.." Hindi mag-kandatutong paliwanag niya. "Go on, take your time. Huwag niyo akong intindihin. Actually this is interesting. I wonder how long you two are together. Ngayon lang ba? O nuon pa?" Nag-tagis ang bagang ko sa isiping matagal na nila akong gina-gago sa likuran ko. "N-no.." Iling niya. Should I believe her? But then I remember, we're done. The thought of that makes me realized why am I here. It's because of Bianca. Mataman kong minasdan ang babaing naging sentro ng buhay ko sa loob din ng dalawang taon, at hanggang ngayon ay siyang naroroon sa puso ko bago ko binigyang pansin si Gibson na seryosong nakatingin sa akin. I snorted when I saw the regrets, and pain as he stared at me too. Pero mayroon akong hindi mai-paliwanag doon. Sure he look sorry, maybe he didn't fight back because he's guilty? That I'm sure, but what's beneath the hard and determinated gazes mixed with those other emotions? Hindi ito ang unang beses na nadawit siya sa isang secret affair. Most of his flings actually are committed, to make it short he's like a relationship wrecker. He's like the sweet, red and glossy apple. Tempting and pleasant to the eyes, but inside of that almost perfect fruit lies his rotten side. "I'm not done with you Gibson." Turo ko sa kanya. Hindi siya umimik kahit na nang tumalikod na ako at iwanan sila. Sa bawat hakbang ng mga paa ko ay tila may naka-kabit na bolang bakal. Mabigat, sobrang bigat sa pakiramdam. Sa pagtalikod ko ay doon ko tuluyang naramdaman at na-proseso ng isip ko ang nangyari. Hindi lamang iyon sampal sa aking pagka-lalake, hindi lamang pride, at hindi lang ego. Malaking bahagi ng pagkatao ko ang binuhay ni Chelsea. I love her morethan words itself, to the point that everything that she said back then, I believe them all. Wala akong hindi pinaniwalaan, wala akong hindi sinuportahan. Kahit na nang tapusin ko ang namamagitan sa aming dalawa ay siniguro ko sa kanyang siya ang mahal ko, na maaaring dumating ang pagka-kataon na sa huli ay posibleng kami pa rin. That's why I keep holding onto her words. All this time I thought she's also holding unto mine as well. "No Joseph! No!" Gulat akong napalingon nang bumangga sa likod ko si Chelsea at ipulupot ang kanyang mga braso sa katawan ko. "I can explain. Please hear me out." For a brief moment natuwa ako na hinabol niya ako. It took me a lot of self confrontation, when I unclasp her arms around me, but she didn't let me. Instead she embraced me tighter. "Ang akala mo ba ay masaya ako? Akala mo ba ay ganoon kita kadaling papalitan? No! Yes, Gibson and I hooked up." Nag-ngalit ang ngipin ko sa sinabi niya. I f*****g knew it, I'm not an i***t but hearing it from her? I still can't shake off the anger bubbling up inside of me. " Pero iyon lang 'yon. Just like what you have with Bianca. " Uminit lalo ang ulo ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga braso niya tsaka iyon inalis sa akin. "What happened to Bianca and I are different. Ilang beses ko iyong ipinaliwanag sa iyo. If you didn't stood me up that night walang kami ngayon. You knew damn well that I'll chose you anytime of the day. You mattered to me, you're the one I love, but I have to settle things with her. I have to choose her. " " Sinusumbatan mo ba ako? Sinasabi mo bang kaya ka nasa ganyang sitwasyon ay dahil sa akin? " Hindi makapaniwalang tanong niya. " Yes! Take it whatever you want. We've talk about that before Chelsea. If you still insist that I shouldn't blame you because you're f*****g my so called friend over there! " Turo ko kay Gibson na pina-panuod lang ang sagutan namin at mukhang malalim ang iniisip. " Then that's beyond me. " Muli ko siyang tinalikuran. Mabibilis ang hakbang na lumayo ako sa kanya, pero patakbong humarang si Chelsea sa daraanan ko. " Bumalik na lang tayo sa dati. Ikaw, ako..yung tayo lang dalawa. Mag-simula tayo ulit." Umiiyak niyang pakiusap. " It's not that simple." Ang tanging naisagot ko tsaka ko siya nilagpasan, pero muli siyang humarang sa harapan ko. "It is that simple. Leave her and come with me! Be with me again. Or you're starting to have feelings with that bitch." Mataman ko siyang minasdan. The hate that she have for Bianca are all over her face. Tigmak man ng luha ang kanyang mga pisngi ay naroroon ang galit sa mga mata niya. " I'm done talking and hearing you out. Think whatever you like. " I blandly said and headed towards the door. Kanina lamang ay atat na atat akong makarating dito. Ngayon naman ay wala akong ibang gusto kundi ang makaalis. Nakaka-sakal ang hanging na-lalanghap ko sa loob ng pamamahay na iyon. " Joseph wait, I'm sorry..please." Muli siyang kumapit sa akin pero mabilis din iyong nawala nang hatakin siya ni Gibson palayo sa akin. "Not so fast darling." Nakangisi nitong sabi. "Get your hands off me." Pinipilit ni Chelsea na maalis ang kamay ni Gibson na mahigpit ang kapit sa siko niya. "You're not going anywhere." May ibinulong ito kay Chelsea kaya ito nanahimik. Para namang nag-ma-makaawang tumingin sa akin siya sa akin, nag-pa-pa-saklolo. Wala na akong hinintay pa sa anumang ida-dagdag niya o nila. Even hearing Chelsea's plea for me to stay or take her with me didn't stop me to leave that place. Nang makarating ako sa sasakyan ko ay napa-dukdok na lang ako sa manibela. Hindi ko pinigilan ang pag-iyak. I'm not ashamed to cry and let my heart feel the excruciating pain caused by loving her. Perhaps both of us are responsible for the things that caused us to be this miserable. But why it's should have to be this way? Bakit sa lahat ng tao ay si Chelsea pa, at bakit kay Gibson pa? Nakatingin lang ako sa sahig habang nilalakad ang pasilyo ng hospital kung saan naroroon si Bianca at mommy. Kaya nagulat pa ako nang bahagya akong bumangga sa hindi ko napansing kasalubong ko. Maluwag naman ang pasilyo para iwasan niya ako at hindi kami magka-banggaan. Nang hanggang sa pag-angat ko ng ulo ay ang nag-aalalang mukha ni Bianca ang sumalubong sa akin. "Anong nangyari sa iyo?" Tanong niya. Napa-suklay ako sa buhok ko, at makaraa'y napa-hilamos sa aking mukha. "I just had a long night. Bakit nagpa-pagala-gala ka? You should be resting. Where's mom?" "Tulog. Nagugutom ako." Wala namang naka-katawa sa sinabi niya pero napangiti ako. Past midnight na at ilang oras na lang ay puputok na ang araw. Malamang gutom nga siya dahil wala naman siyang kinakain buhat ng mangyari ang aksidente. "Balik ka na sa kwarto, I'll get you something to eat." Sabi ko sa kanya pero nanatili siya sa harapan ko. Nang bumaba ang tingin niya sa kamay ko ay mabilis ko iyong ipina-mulsa. Kumunot ang noo niya pero pag-katapos ay ngumiti din. "Punta nalang tayo sa canteen?" "Patients are not allowed to go there, lalo na at naka-hospital gown ka." Turo ko sa suot niya. "Eh di balik nalang tayo kay mommy Mercedes." Sabi niya na hinila ang kaliwang kamay ko. Nang tingnan ko ang magka-hugpong naming mga daliri at ituon ang tingin sa kanya ay kay Chelsea ang mukhang naro-roon kaya humigpit ang pagka-kahawak ko kasabay ng muling pag-pitik ng sakit na iyon sa loob ng dibdib ko. " Joseph?" Bumitaw ako sa kanya tsaka naunang maglakad. Naiwan ko siyang nakatayo doon. Hindi ko rin alam kung bakit maging pati sa kanya ay pait ang naroroon. Hindi ko siya hinintay, ni hindi ko siya nilingon. Tulog na tulog pa rin si mommy. Hinalikan ko siya sa noo tsaka ako na-upo sa espasyo sa tabi niya. Nang magbukas ang pintuan ay hindi ako nag-aksayang lingunin iyon. Ramdam ko ang titig sa akin ni Bianca pero hindi siya nag-salita. Naupo siya sa hospital bed niya. Napa-buntong hininga nalang ako. "Saan ka pupunta? Ka-karating mo lang diba? " Tanong niya sabay tayo nang akma kong buksan ang pintuan. "Uuwi. I'll send the driver later this morning." Sagot ko. I felt like an asshole for giving her a cold shoulder. But I can't stand being in the place or seeing something that reminds me of Chelsea, reminding me what kind of a fool I am.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD