**Bianca's POV**
Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero bumalik na naman sa dati si Joseph matapos ang kakaiba niyang kilos sa hospital. Hindi niya ako kini-kibo kung hindi rin lang kailangan. Hindi rin siya halos umuuwi sa pad. Nakabalik ako sa shop niya at normal na akong nakakapag-trabaho. Nang tanungin ko siya sa imbestigasyon sa aksidente ay reserve ang sagot niya at tanging isa lang daw ulit drunk driving insident ang nangyari ng gabing iyon. Gusto ko sanang usisain pa siya pero ilang araw na siyang bad mood at ayaw ko nang dagdagan pa iyon.
"Miss Lastimosa,"
Mula sa pagbu-buhat ng mga libro na isa-salansan ko sana sa mga designated shelf ay napalingon ako. Si Hubert ang manager, may hawak itong record book kung saan nakapatong ang calculator. Actually mas mapag-kakamalan na professor si Hubert kaysa manager dahil na rin sa eyeglasses niya at well gelled na buhok.
Nagta-taka ako minsan dahil diba dapat Mrs. Caballero na ang tawag sa akin dahil kasal na kami ni Joseph? Pero naisip ko din na biglaan naman yung kasal namin kaya wala siguro silang alam. Ang alam lang nila talaga ay mag-kaibigan kami ng amo nila at patay na patay ako sa kanya. Hindi naman big deal sa akin iyon kaya okay lang naman. Baka masabihan pa ako na assuming kaya hihintayin ko nalang na si Joseph ang mag-announce.
"May nag-hahanap sa iyo. Nasa reading section."
Pagka-sabi niyon ay tinalikuran na niya ako. Hinanap ng mga mata ko ang sinasabi niyang naghi-hintay sa akin. Wala namang pamilyar o kakilala ko. Pero nang lumingon ang isa sa naka-talikod sa akin na costumer ay para akong papanawan ng ulirat.
" Ate! "
Tawag sa akin ni Ellie na may kasama pang pag-kaway kaya halos karamihan ay sa kanya tumingin habang ang iba naman ay palihim na bumu-bungisngis.
"Ellie?"
Nagmadali akong makalapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung nasaan ako?"
Tanong ko nang maka-upo ako kaharap niya.
"Kay ate Sarah. Galing ako sa Metropolitan Museum, eh hindi ka naman ganoon kalayo kaya pumunta na ako, tsaka makiki-tulog na rin ako ng kahit dalawang araw lang."
"Ano!."
Nagulantang ako.
"Oh, eh bakit parang gulat na gulat ka?"
Natawa ako ng alanganin kaya lalong nagtaka ang kapatid ko. Hindi naman niya first time na lumuwas ng Manila pero first time niya na puntahan ako at makitulog pa.
"Nagulat lang ako. Dati naman hindi mo ako binibisita dito."
"Hindi ko kase alam magpa-sikot-sikot dito. Ngayon kase madali nalang."
Itinaas niya sa mukha ko ang cellphone.
Oo nga naman.
"Wala ka bang pasok at dalawang araw ka magla-lakwatsa dito sa Manila?"
"Correction ate, representative lang naman itong kapatid mo ng buong Mindoro para sa gaganaping art fair. At yung painting ko ay napili para isama sa public viewing sa Metropolitan Museum."
Nakangisi niyang sabi. Literal na napanganga ako sa sinabi na iyon ni Ellie. Passion ni Ellie ang pagpi-pinta pero with nature's touch talaga ang mga ginagawa niya. Yung mga pangkulay niya kinakatas niya mismo sa bulaklak, dahon o hindi kaya ay mula sa putik. Bihira siyang gumagamit ng pangkulay na karaniwang ginagamit ng mga pintor.
Sa tuwa ko ay dinukwang ko si Ellie at mahigpit na niyakap, ulo nga lang niya ang naabot ko kaya halos hindi siya makahinga mula sa pagkakasubasob sa aking dibdib.
"A-ate, stop. You're embarassing me."
Sa hirap niyang boses ay pilit siyang kuma-kawala sa akin. Ginulo ko ng paulit-ulit ang buhok niya kaya lalo siyang nagkumawala sa akin.
"Proud na proud lang ako sa iyo. Nana-nalaytay talaga sa dugo natin ang dugo ng isang artist."
Napalis ang malawak na ngiti sa labi ko nang buhat sa harapan ko, ilang hakbang mula sa table namin ay nakatayo si Joseph. Masama ang tingin niya sa akin at nang magpa-lipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Ellie ay noon ko lang napansin na mahigpit ang kapit ni ellie sa bewang ko habang pilit na inaalis ang pagkaka-ipit ng ulo niya sa braso at dibdib ko. Inalis ko ang mga braso ko sa ulo ng kapatid ko kaya pasinghap na napaupo siya ng tuwid.
"Papatayin mo ba ako? You almost suffocate me."
Iritadong reklamo n'ya.
"H-hi.."
Bati ko kay Joseph sabay kaway. Nagtataka namang lumingon si Ellie sa likuran niya kung saan naroroon si Joseph. Nakatingin an silang dalawa. Si Joseph na halos mag-isang guhit ang kilay sa sobrang pagkakasalubong niyon, at ang kapatid ko na nanlaki ang mga mata sabay turo sa kanya.
"Teka parang siya yung.."
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya tsaka ko siya pinandilatan.
Nagliwanag ang mukha ni Ellie ng makumpirma niya na tama siya.
"Shut up Ellie, babalatan talaga kita ng buhay."
Natatawang inalis niya ang palad ko.
"It's fine you're safe."
"Care to tell me what going on?"
Tanong ni Joseph na hindi inaalis ang mga mata sa kapatid ko. Mukha ng napipikon na siya.
"Uh, Joseph..si Ellie pala.
Pakilala ko sa kapatid ko. Mabilis na tumayo si Ellie at inilahad ang kamay bago pinasadahan ng naa-aliw na tingin ang kabuuan ni Joseph.
" Hi, ang akala ko talaga ay artista ka. "
" Artista? "
" Well kase sa bahay namin, puro-aray !"
Daing niya nang sipain ko ang lulod ng binti niya. Lumipat sa akin ang pansin ni Joseph at natitiyak kong lalong uminit ang ulo niya sa ginawa ko. Gusto ko tuloy isipin na nagse-selos siya. Pero dahil ilang araw nang wala siya sa mood ay malamang malabo iyon.
"I'm Ellie James Lastimosa. Kapatid ako ng masokista na ito."
Turo niya sa akin. Napatingin sa akin si Joseph kaya ngumiti ako ng walang lasing tamis. Unti-unting nabura ang mga linya sa noo niya.
"Ah, Ellie..siya si Joseph ang totoo niyan asa ..."
"I'm her boss."
Putol sa akin ni Joseph. Nagtataka akong napatitig sa mga mata niya. Hindi ba't pagka-kataon na ito para kahit isa man lang sa pamilya ko ay makilala siya. Alam ko na mabibigla si Ellie pero mata-tanggap naman niya.
"Boss? Wala ka na sa call center ate?"
"W-wala, wala na."
Nanamlay ako sa katotohanang ayaw ipa-alam ni Joseph ang relasyon namin. *Ipinakita na niya ang kawalan niya ng interest dati pa. Ang sabi mo'y maghihintay ka na hanggang sa kanya manggaling iyon? *
Kastigo sa akin ng isip ko, pero hindi ko maiwasang hindi umasa lalo na at kaharap na lang niya si Ellie.
"Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang susi ng apartment ko. Tawagan mo na lang si Sarah para masamahan ka niya doon."
Sabi ko sa kapatid ko tsaka ako tumalikod.
"Nice meeting you Ellie."
Dinig kong sabi ni Joseph bago ako tuluyang makalayo. Nara-ramdaman ko ang pag-sunod niya sa akin hanggang sa makarating ako sa stuff room. Dumiretso ako sa locker na ginagamit ko at kinuha ang susi sa aking bag. Alam kong narito siya kasama ko pero hindi ko akalaing sa pagharap ko ay nakatayo lang pala siya sa likod ko. Humakbang ako pakaliwa pero sa halip na paraanin ako ay humarang pa siya. Napa-buntong hininga ako, tsaka ako humakbang pakanan.
"Baka naman pwede akong maka-daan *Sir*."
Binigyang diin ko ang sir. Boss nga eh.
"Are you mad?"
"Ako? Tsk, hindi ah"
Sabi ko tsaka ko ulit sinubukang lampasan siya.
"You are mad."
He said with conviction.
"Why would I be mad?"
Naiinis kong tanong. Hindi ko na iyon maikakaila. Nakaka-frustrate naman kase.
Sinusubukan kong intindihin ang sitwasyon na meron kami sa about ng makakaya ko. Hanggat kaya ko. Pero dumadating ako sa punto na kinu-kwestyon ko na din ang sarili ko. Gaano ba kahirap na ipaalam na may relasyon kami? Na kasal at mag-asawa kami. Gusto kong maiyak sa sama ng loob, pero may karapatan ba akong umamot ng higit pa?
"I'm sorry."
Halos sabay naming nabigkas at pareho pa kaming gulat na nagkatinginan.
"I-I don't know how to say this.."
Panimula niya, at doon pa lang alam ko na ang dapat kong asahan. Hindi na dapat ako makaramdam ng sakit dahil sinabi ko na tatanggapin ko nalang. So I took a deep breath and try to understand the words he's about to say.
" I don't know if I'm ready to introduce my self as your husband, not yet at least. I guess nabigla din ako na kapatid mo pala iyon. I didn't expect meeting him."
Awkward na sabi niya. Tumango nalang ako.
"Bianca.."
He tried to reach my face, pero may pumasok na employee na natigilan ng makita kami. Hinintay ko ang reaksyon ni Joseph, pero kasabay ng pagbagsak ng kamay niya sa kanyang tagliran ay ang pagbagsak ng puso kong pakiramdam ko ay nagkabasag-basag na. Lalo siyang nagmukhang tensyonado.
"Pasensya na sir, hindi na mau-ulit ."
Sabi ko nalang para iligtas siya sa tsismis ng mga empleyado niya.
"Bianca, anong nangyari?"
Kaagad na tanong ni Lorraine nang mapatapat ako sa kanya.
"Napagalitan ako, akala ko kase porque *friends* kami ay okay lang na magpa-petiks sa trabaho at tumambay sa kapatid ko."
Pag-sisinungaling ko.
"Hala, ganun?"
"Oo eh, puntahan ko lang kapatid ko ah."
"Sige.."
Nang lumingon ako kay Joseph ay nakatingin siya sa akin. Awang ang bibig niya na tila ba may nais sabihin pero hindi nagawa.
Iniabot ko kay Ellie ang susi, natawagan na daw niya si Sarah. Mabuti na lamang at may maiwan akong gamit doon. Iniwasan kong magtagpo ang landas namin ni Joseph. Kahit na ang tumingin sa kanya ay pinilit kong huwag mangyari.