KABANATA 23

1596 Words
**Joseph's POV** "Hop in." Tawag pansin ko kay Bianca. Naghi-hintay siya ng taxi ilang metro ang layo mula sa shop. Hindi niya ako pinansin at nagkunwaring walang narinig. I can't blame her tho. "Come on Bianca." Sumulyap siya sandali sa akin pero ilang segundo lang iyon. Humigpit ang hawak ko sa steering wheel. I don't like the thought of her being aloof and uncaring or snob, much more to the emotions that she's starting to awaken within me. I'm so used of her being patient and understanding. Iyong isa-santabi ang nara-ramdaman niya huwag ko lang maramdaman o makita na nahi-hirapan din siya. But no matter how much I deny and make a blind eye, I saw it all. The silent tears, the hurted look that she's trying so hard to hide, those broken smiles, I saw them all. I'm just a complete utter bullshit that instead of letting her go, I kept her with me, even though that most of the time it's just tears that she shed, more than laughter and smiles. I'm not her source of happiness..and yet I'm keeping her. "I'm about to go home kaya sumabay ka na sa akin." "Sa apartment ako uuwi. Naroon si Ellie." Sagot niya pero nana-natili sa kalsada ang kanyang mata. Napabuntong-hininga ako. I almost forgot her brother, whom I thought is her other man. I guess I already have trust issues. I must admit, I felt the surge of jealousy when I saw her squishing the life out of that boy while her laughter was full of life. Her eyes gleam with so much happiness that even everyone around them can't help but smile at that sight. She's not aware, and I'm not aware of that too. I just actually realized that earlier. That makes the warning bell ring inside my of my head. "Let me drive you then," Umiling siya. Well s**t, I felt my heart sink . Am I disappointed? "Baka may maka-kita sa atin." "I insists Bianca. Now please, hop in. I don't want to leave knowing that you're still here on your own." The last thing that I wanna see is her head with stitches again. Mataman niya akong tiningnan, tini-timbang kung sasakay ba siya o hindi. Naroroon ang pagda-dalawang isip, and for the countless of times today I cursed my self for being an insensitive jerk. Binuksan ko ang passenger side and give my most apologetic face. I hope it works. I almost hold my breath for waiting her answer and when she did, I actually smile that goes into a full grin when she reciprocated it. Nang makasakay na siya ay hindi ko agad iyon pina-andar . Okay, hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Nang-yayari sa akin ang ganito kapag alam kong may malaki ng kasalanan talaga ako, at alam kong nasa-saktan ko siya. Most of those times I just ignored it, but sometimes I just can't stand the fact that I caused her pain resulting of me taking my words back, or offer her a cake that I know she can't resists. *speaking of cake. * Mula sa drivers seat ay dumukwang ako sa back seat at inabot ang kahon ng cake doon. Her favorite Braso de Mercedes. Inabot ko iyon sa kanya. Ang pagka-gulat niya nang abutin sa akin ang cake ay isa sa mga bagay na gustong-gusto kong nakikita. I'm always surprised, the way she reacted with innocence and pure disbelief. When she's happy, she really is happy. When she's sad or angry it's visible. She can't fake her emotions especially her eyes. She can say no but her body language says otherwise. "I made it personally." Imporma ko sa kanya. Mula sa cake na hawak niya ay awang ang labing napalingon siya sa akin. "Peace offering. I really am sorry. I get where you're coming from, it's just that.." Hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. Paano ko sasabihin sa kanya na, I wanted to make sure of my self, and the situation that I'm stucked in before I introduce my self to her family as her husband? How can I tell her that I have to settle this feelings first? " Give me some more time Bianca. " Hindi ko inaasahan ang bahagya niyang pagtayo. Iniyakap niya ang isa niyang braso sa aking leeg at isiniksik doon ang kanyang mukha. Nang kumalas siya mula sa pagka-ka-yakap sa akin ay nakangiti siyang tumango ng paulit-ulit. Parang piniga ng mariin ang puso ko doon. Napuno ako ng agam-agam at pagka-kunsensya. Magawa pa niya kaya akong mahalin,ngitian at patawarin kapag nalaman niya ang totoo? "I love you Joseph. I'll always wait for you." Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan, gayung dapat ay matuwa ako. Hinalikan ko ang noo niya, tsaka ko siya ikinulong sa aking mga bisig. "I'm really sorry for everything.." **Bianca's POV ** "Pwede mo ng bitiwan ang kamay ko.." Pabiro kong sabi kay Joseph. Nakahinto kami ilang bloke ang layo sa *dati* kong apartment. Sa halip na bitiwan ay lalo namang humigpit ang hawak niya doon. Nakaka-pagtaka pero natutuwa ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya, maybkutob akong hindi lamang iyon tungkol doon sa kapatid ko at sa kasal namin. Ang totoo ay masakit pa rin sa loob ko na manatili kaming lihim sa ibang mga tao sa paligid namin, pero gaya ng sabi ko sa kanya at sa sarili ko, maghihintay ako. Hindi ko inasahan ni sa isip na iginawa niya ako ng cake biglang peace offering niya. Mababaw na nga siguro ang kaligayahan ko dahil sa ganoong bagay lang ay hindi ko napanindigan na dumistansiya sa kanya. At isa pa, I ang paghingi niya ng kapatawaran sa akin ay malaki ng bagay dahil. Ibig sabihin lang noon, hindi siya manhid sa nara-ramdaman ko. At hindi niya rin ako kayang tiisin. "I'll see you in two days then.. " Sabi niya. Tumango ako. "Subukan mo rin akong ma-miss. Baka sakaling ma-realise ng puso mo na ako na ang dahilan ng pagtibok niya." Nakangisi kong sabi sabay dutdot sa dibdib niya. Natatawang hinuli niya ang kamay ko. He finally, and genuinely laugh kaya nakahinga ako ng maluwag. " I will miss you true and I do hope too that, that two days are enough for this heart of mine to realized that it belongs to you." Nare-realize din kaya ni Joseph na ang ko-corny ng mga binibitiwan naming salita? Pero kase mukhang tagos sa puso yung sinabi niya kaya kinikilig ako. Kung ang old self lang na Joseph ang nakikinig ngayon baka para siyang nakainom ng suka sa asim ng itsura niya. "Bilisan mo kase i-reset iyan. Alis na ako, I love you ulet para makulitan ka at mag-I love you back na kahit konting feelings palang ang meron." Mabilis akong nag-nakaw ng halik sa labi niya, yung may diin, tsaka mala-palos akong lumabas ng sasakyan niya. Ngingiti-ngiti akong kumaway, habang iiling-iling naman siya. Nang makalayo at hindi na tanaw ng aking mga mata ang sasakyan ni Joseph ay nabura ang ngiting iyon sa labi ko. Napalitan iyon ng lungkot. Ang kaba, alinlangan, at takot ang humalili doon. Naba-balisa ako sa hindi ko malamang dahilan. Pag-dating ko sa apartment ay naabutan ko si Sarah at ang kapatid kong si Ellie na parehong tutok sa mga cellphone nila. Kaagad tumayo ang kapatid ko habang tinaasan naman ako ng kilay ng magaling kong pinsan. "Ate, kailangan ko ng formal suit." "Formal suit? Para saan?" "Para sa Art conference na dadaluhan ko." Halatang kabado si Ellie na muling napa-upo. "Bakit? May speech ka ba? Sabi mo representative ka lang?" "Mukhang hindi basta-basta na conference lang ang pupuntahan ni Ellie. Look oh, mate-televise pa." Iniabot sa akin ni Sarah ang invitation ni Ellie para sa conference, nakalagay din doon ang itenerary ni Ellie sa loob ng dalawang araw. Kabilang doon ang tours sa iba't ibang art gallery sa Metro Manila. " Wow Ellie, may chance kang makarating sa France.." Parang lumalaki ulo ko sa nababasa ko sa invitation ng kapatid ko. Ayon doon ay maaaring isa si Ellie sa masu-swerteng mabigyan ng pagka-kataon na dumalo sa isang art class sa loob ng tatlong linggo. "Talaga?" Nakisilip siya sa binabasa ko kaya naipukpok ko iyon sa nuo niya. "Hindi mo ba muna binasa ang laman nitong envelope?" "Ang haba kase eh..tinamad ako." Nagka-kamot sa ulong sagot niya. "Abnormal ka ba? Paanong ang isang kagaya mo na inaabot ng isang buong araw sa kwarto kaka-pinta ay tamad magbasa ng isang invitation booklet?" "Relaxing kase ang painting ate." Katwiran pa niya. Kinabukasan pagka- galing sa trabaho ay inaya ko kaagad si Ellie at Sarah sa mall para maghanap ng suit. Napalunok ako sa halaga ng mga suits and tie. Hindi biro ang halaga niyon, kung umarkila na lang kaya kami? Pero kase minsan lang ang ganitong pagka-kataon sa kapatid ko. Pikit mata kong ipinasok ang atm ko sa slot card tsaka ko pinindot ang savings, baka mamaya ay wala pala akong pambili. Pero halos malaglag ang eyeballs ko nang makita ko ang halaga doon. Kinusot-kusot ko pang mabuti ang mga mata ko pero triple nang katumbas ng sahod ko sa call center ang naroroon sa savings ko. "Ellie, mag-fitting ka na ng damit." Sabi ko matapos makapag-withdraw. Bumili na rin ako ng sa akin at kay Sarah dahil sabi ni Ellie ay pwede siyang magsama ng pamilya. Casual suit ang pinili ni Ellie na bumagay naman sa kanya dahil teen pa rin naman siya. Body con dress naman ang pinili ni Sarah, habang empire waisted flared dress naman ang sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD