"Hindi ko na yata nakikita si Chelsea na lagi mong kasama?"
Pag-o-open ng topic ni tita Mercedes habang nasa daan kami pauwi matapos ang dinner. Dinner na Sobrang awkward dahil sa mommy ni Joseph na sa tuwina ay tinutukso ang anak sa akin. Ina-amin kong may parte sa akin ang nagdiriwang pero hindi ko magawang magsaya.
"Magka-iba na sila ng shift Mom."
Na-i-iling na sagot ni Joseph sa mommy n'ya samantalang ako ang tinatanong.
"Eyes on the road Joseph,"
Pagdi-dismiss naman ni tita Mercedes sa kanya.
"Natutuwa ako na hindi ko na kayo nakikitang nag aaway ,naka-ka-panibago but I can't ignore the fact that you two look good together actually."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tita Mercedes. It's the first time in two years na nagkomento s'ya ng ganoon, even Joseph looked surprised na binuntutan lang nito ng tawa pagkatapos.
"Anyway , since aalis pansamantala si Joseph, pwede bang humingi ng pabor sa'yo huh Bianca?"
"Aalis po si Joseph?"
"I just have to attend a charity gala in Cebu, I have to stay for at least three days for some business matters."
"Kailan ka aalis?"
Tanong ko ulit.
"Tomorrow,"
May agam-agam naman n’yang sagot. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako pero iba ang pag-tingin ng mommy n'ya sa kanya. Para bang may gusto itong sabihin na hindi ko mawari.
"Kaya nga hihilingin ko sana na tulungan mo ako sa shop n'ya. I was thinking this for quite a while now , bakit hindi ka nalang magtrabaho sa shop. You like sweets more than anything else, you appreciate Joseph's cakes and you really have a great taste when it comes to cakes."
"Mom, she can't."
"Why not? See when she helped you out ? What can you say Bianca?"
Baling sa akin ni tita Mercedes.
"Pag-iisipan ko po tita, pero kung kailangan n’yo po ng tulong ko habang wala si Joseph, I'm willing to help naman po."
"You don't have to Bianca, I can hire some stuffs habang wala ako. Don't get me wrong, I mean.. baka mahirapan ka since sa schedule ng pasok mo sa trabaho. "
"Okay lang naman. Pwede naman ako magpa-shift sa gabe. "
Sagot ko nalang. Alam ko naman na wala s'yang ibang nais ipakahulugan doon.
Nang tumapat na sa apartment ko ang sasakyan at makahinto iyon ay nagpaalam na ako kay tita Mercedes , bago ko pa mabuksan ang pintuan sa gilid ko ay bumukas na iyon. Pinag-kaabalahan pa talaga ako ni Joseph na ipag-bukas, at sa simpleng gesture lang na iyon kumabog na ang puso ko.
"Thank you for the day Bianca."
Bahagya akong napahinto mula sana sa paghakbang ,napatitig ako sa mukha ni Joseph.Mukhang kailanman ay hinding hindi ko pinagsawaang pagmasdan kahit na sa malayo. At ngayon, kahit na sa malapitan , kahit na ilang pulgada na lamang ang layo ko sa kanya ,hindi ko magawang maging masaya. Hindi maramdaman ng puso ang kasiyahan na kay lapit na lamang n'ya.
"Youre welcome. Una na ako.."
Halos mapabuntong hininga ako sa sagot ko. Nang mapansin ko si tita Mercedes na nakasilip pala sa amin mula na nakababang salamin ng bintana ng sasakyan. She smiled at me, a smile with a hint of conviction? Kakaiba ang ngiti n’yang iyon, o baka naman masyado lang akupado ang isip ko kaya kung anu-ano na ang ipina-ka-kahulugan ko sa bawat makita ko.
Natulog ako ng gabing iyon na puno ng pagiisip, hindi lang para sa kaibigan kong si Chelsea ,dumagdag pa si tita Mercedes.
Kinaumagahan, matapos kong maglinis ,at mag-almusal ay nag-check ako ng inbox ko. Walang text si Chelsea kahit sa social media, gayung dati ay ito ang kauna-unahang bumabati sa akin. Bukod sa ilang katrabaho at kaibigan ay mas tumawag ng pansin ko ang unregistered number sa inbox ko. Si tita Mercedes na gusto akong makita at maka-usap.
"Thank you Bianca.."
Bungad kaagad n'ya sa akin ng buksan ko ang pinto ng passenger seat. Mabuti na lamang at pang-gabi ang schedule ko sa call center.
"Tita , "
"I really wanted to talk to you, perfect timing ang pag alis ni Joseph. "
Umpisa n'ya habang nagda-drive patungo sa cakeshop. Seryoso ang mukha n'ya. In fact , parang galit s'ya kaya kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan, or perhaps in the back of my mind alam ko na ang dahilan.
Nang makarating kami sa The Sweet Side ay dumiretso kami sa office ni Joseph. First time ko nakapasok doon pero hindi ko ma-appreciate ang ganda ng interior design dahil sa unti unting kinakain ng kaba ang dibdib ko. Tita Mercedes ushered me to take a sit. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa harap ng office table. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko ng iharap n'ya ang cellphone n'ya sa akin. Para akong nakakita ng multo, gumapang ang kilabot sa balat ko patungo sa batok ko.
"Tell me, may alam ka ba dito?"
May diing at wala ng paliguy-ligoy na tanong n'ya sa akin. Ramdam ko ang pigil na pigil n’yang galit ng mga oras na iyon.
"Tita.."
Iyon lang ang tanging nasambit ko habang hindi maalis ang paningin ko sa nag-pe-play na video na iyon sa cellphone ni tita Mercedes. Paano ako maka-ka-pagsalita kung pati ako ay nabigla.
Si Chelsea at Gibson ang nasa video clip ..kissing like there's no tomorrow. Like as if she's not committed to Joseph. Like as if it's Gibson who's her fiancee.
"May alam ka ba?" Ulit n'ya.
"I, tita ..hindi ko alam.."
Hindi ko alam kung napansin n'ya ang alinlangan ko, hindi ko rin naman kase masabi kung sapat bang sabihin na may alam ako kung hindi naman ako sigurado. Pero sa ipinakita ni tita Mercedes hindi ba't patunay lamang iyon na tama ang hinala ko sa kaibigan ko?
Ibinaba n'ya ang cellphone sa table at mataman akong tiningnan. Humalukipkip s'ya na para bang hinahamon akong magsinungaling o pagtakpan si Chelsea sa kung anuman ang alam ko.
Napayuko na lang ako, sa sobrang kaba ay nanginginig ang kamay ko kung kaya pinipisil pisil ko ang mga daliri ko. Kagat labing muli akong nag-angat ng tingin habang hinihintay naman n'ya akong magsalita.
"Wala po akong alam, pero..nakita ko minsan ang kaibigan ko na kasama si Gibson.."
"They have an affair."
Napanganga nalang ako na mismong s'ya ang nagbitiw ng salitang iyon. I should have known, but I guess I'm still rooting to my beliefs that Chelsea won't and will never cheat Joseph.
But the video tells otherwise.
"Oh Bianca, tagal kitang hindi nakita ah."
Bati sa akin ng isa sa mga katrabaho namin sa call center.
"Hi,"
Nakangiti kong bati habang ini-libot ang mata ko sa paligid sa pag-asang mahagip ng paningin ko si Chelsea.
"Si Chelsea?"
Tanong ko ng hindi ko s'ya nakita sa cubicle n'ya.
"Huh? Hindi ba s'ya nag-sabi sa iyo?"
"Nag-sabi na ano?"
Takang tanong ko.
"Nag-file ng indefinite leave ang kaibigan mo eh, nuong isang araw pa."
Inporma n'ya sa akin na ikinabigla ko. May kabang lumukob sa dibdib ko dahil baka kung ano na ang nangyayari kay Chelsea lalo na at hindi s'ya kumo-contact sa akin.
"Ganoon ba..sige salamat ah. "
Sabi ko na lamang at nagpaalam na. Hindi na ako dumiretso sa apartment ko, bagkus ay sa apartment ako ni Chelsea pumunta. Maaga pa ng silipin ko ang oras sa suot kong relo,9:25am pa lamang.
Huminga muna ako ng malalim at pumikit ng mariin. Ano ba ang sasabihin ko sa kanya?
Kamusta ka na?
Long time no see.
Humihinga ka pa ba?
O didiretsahin ko ba s'ya? Kokomprontahin?
Kakatok palang sana ako ng bumukas naman ang pintuan. Nanlaki ang mata ko nang ang tumambad sa harap ko ay si Gibson mismo na halatang nagulat din sa akin. Mag-sa-salita na sana s'ya ng mula sa likuran nito ay mag-salita naman si Chelsea.
"You just can't turn your back on me!"
Dinig ko ang pagsigaw n'ya, pero para akong itinulos na kandila sa kinatatayuan ko. Bumuka at sumara ang labi ko habang hindi maalis ang mga mata ko kay Gibson na noon ay nasa akin din ang paningin.
"Good, now you're listening."
Muling sabi ni Chelsea sabay hablot sa braso ni Gibson. Nang pumaling ang katawan nito mula sa pag-hila ni Chelsea ay tsaka pa lamang ako napansin ng kaibigan kong parang nakainom ng suka sa biglaang pamumutla. Mapapansin mo pala talaga ang isang tao kapag nahuli mo sa akto. Their reaction will reveal their selves to you.
"Bianca.."
Sa wakas ay sambit n'ya sa pangalan ko.
"Mag-usap tayo."
Mariing sabi ko tsaka ko binigyan ng masamang tingin si Gibson na itinaas ang dalawang kamay tsaka lumabas ng walang paalam. Bastos din pala. Hahabulin pa sana ito ni Chelsea pero mabilis kong hinawakan ang braso n'ya.
"Marami kang kailangang ipaliwanag sa akin Chelsea, at hindi ako maghihintay ng susunod na araw pa."
"Bianca.."
Halos maluha-luha s'yang muling humarap sa akin.
"May relasyon ba kayo?"
Hindi na ako nagpaliguy ligoy pa at kahit hindi ko tukuyin nasi-siguro kong alam n'ya ang ibig kong sabihin at kung sakali man na tumanggi s'ya ,hindi ko mai-pa-pangakong hindi ko mai-sa-sampal sa kanya ang cellphone ko na naglalaman ng kopya ng video nila.
"Pinag-ta-taksilan mo ba si Joseph?"
Dagdag ko pang tanong ng hindi n'ya ako magawang sagutin. Hinintay ko s'ya na umamin at kusang magsalita ,pero nanatiling tikom ang bibig n'ya. Nagsimulang gumapang ang inis at galit sa dibdib ko.
"Gusto mo bang tawagan ko pa s'ya. Anyway mas okay nga iyon. The sooner the better.."
Inilabas ko ang phone ko sa bag ko, pero dalawang kamay na pinigilan ako ni Chelsea. Her hands are shaking uncontrollably and her tears started to fall while she shakes her head vigorously.
"No .. Please Bianca no. Don't do this to me."
"Do what? Karapatan ni Joseph malaman kung ano ginagawa mo behind his back! And of all people Chelsea! Bakit kaibigan pa ni Joseph!!"
Sigaw ko sa kanya. Malakas ang kabog ng puso ko , kung sa galit o sa emosyong gustong kumawala ..marahil ay pareho. I feel betrayed. Kung ako na kaibigan lang n'ya ang naka-karamdam ng ganito, paano pa kaya ang fiancee to be n'ya?
"He's so damn worried about you. Kung bakit madalang ka magtxt, kung bakit hindi na kayo halos nag-ki-kita! He even take the chances of asking me and my help even though he hates me ,just to know where the he'll you are!"
The words that I said are like acid in my throat. Masakit aminin na napilitan lang naman talaga si Joseph na lapitan ako for my friends sake pagkatapos..nakikipaglampungan pala s'ya sa iba?
"He loves you so damn much Chelsea ...but , why?"
Nanatiling walang kibo si Chelsea sa harap ko. Tanging mga hikbi lang n'ya ang naging sagot. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa kanya. Nang ako ang umiiyak, she comforts me, but I can't do it with her. Lamang ang disappointment, ang galit at ang hinagpis na iyon sa puso ko.
Pinanood ko s'yang umiyak ng umiyak, hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakatayo, I just find my self starting to walk away from her.
"Bianca.."
Mula sa likuran ko ay niyakap at pinigilan ako ni Chelsea sa pag-labas ko sa pinto na para bang naka-depende doon ang buhay niya.
"Bianca, please huwag mong sasabihin kay Joseph..please."
Nag-tagis ang bagang ko sa sinabi n'ya. Umaasa ako na kahit papaano ay pag-takpan niya ang sarili o marahil ay i-deny n'ya ang relasyon n'ya kay Gibson. But here she is, asking me not to spill her s**t. Kinalas ko ang braso n’yang mahigpit na nakapulupot sa akin.
"Tell him Chelsea , tell him or I will."
Sabi ko bago ko s'ya tuluyang iniwan. Nag-la-lakad ako sa gilid ng kalsada ng may humintong sasakyan sa tabi ko at bumaba ang bintana.
"Get in hija. "
Hindi na ako nagsalita pa, bagkus ay walang pag-a-atubiling sumakay ako doon. Hindi ko na binigyang pansin ang pagtataka kung bakit naroroon si tita Mercedes. Nagulat pa ako ng iaabot sa akin ni tita Mercedes ang box ng tissue paper. She even took a few sheets and gently wipe my cheeks.
Hindi ko man lang namalayan na may luha sa pisngi ko. And as if on cue , parang noon palang nag-sink in ang nangyari. Napahagulgol ako ng iyak.
"Tama ka po tita..she's cheating Joseph..I'm so sorry."
"Never apologize for someone else's wrong doings Bianca. Let's get you some cake.."
Nakangiti n’yang sabi pero hindi maikakaila ang pagkabahala at lungkot sa maganda nitong mukha.