"Saan ka galing kahapon?"
Bungad ko kay Chelsea ng pagbuksan n'ya ako ng pinto ng kanyang apartment. Kakauwi ko lang galing sa trabaho habang s'ya naman ay mukhang nag-hahanda na para sa shift n'ya.
Bahagyang natigilan si Chelsea ng mabungaran ako, o kung hindi man ay sa itinanong ko. Bihira ko s'yang tanungin sa mga lakad n'ya na wala ako. Kadalasan s'ya ang gumagawa noon sa akin. Pero sa ika-papanatag ng isip ko nandito ako ngayon sa harap n'ya imbis na umuwi at matulog.
"Bianca..pauwi ka na ba n’yan?"
Sa halip ay tanong n'ya. Joseph texted me last night that Chelsea called him and that I shouldn't have to worry anymore.
"Yes, dumaan lang ako para makita ka."
Ngumiti s'ya sa akin ng matamis na gusto kong ikaumay.
"Thats so sweet of you."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Saan ka galing kahapon? "
Hindi nakalampas sa paningin ko ang bahagyang pagguhit ng pag-a-alala at alinlangan sa mukha n'ya. Malinaw na hindi s'ya komportable sa harap ko.
"Lumabas lang ako with some friends. Wala ka kase sa apartment mo, and I don't know where to find you. I, I told Joseph na pupunta ako sa iyo. Sinabi na din n'ya sa akin yung nangyari kahapon , I'm sorry kung napag-alala ko kayo. Hindi, hindi ko sinasadya ,tsaka nadrained yung battery ko kaya hindi ko nacontact si Joseph."
Eksplenasyon n'ya. Tinitigan ko sya'ng mabuti. Ngumiti s'ya ng alanganin bago tila napapasong lumayo sa akin at pumasok sa loob. Nagtagis ang bagang ko sa iginawi n'ya. She's clearly lying. I can feel her nervousness , and as if her eyes is screaming with the truth.
Humugot ako ng malalim na hangin at marahas na ibinuga. There's something twisted in my guts when I saw her retreating back. Gustong gusto ko s'yang komprontahin pero nagpigil ako. I need to find out what's wrong with her. She's acting strange and different.
"Sige, basta huwag mo ng uulitin iyon. Kung nakita mo lang . , he's so worried about you. You know that I don't care if it's me right? But when it comes to Joseph , hindi ko kayang makitang masaktan s'ya. So don't hurt him Chelsea. "
Gulat na napalingon sa akin si Chelsea. Bumuka at sumara ang bibig n'ya pero walang salitang lumabas doon. Ngumiti ako ng malapad.
"Syempre hindi mo s'ya sasaktan. Mahal mo s'ya eh. At mahal na mahal ka n'ya. Diba? "
Hinintay kong magsalita s'ya, pero nanatiling tikom ang labi n'ya. My smile faltered.
"Uwi na ako. "
Paalam ko ,itinuro ko pa ang gawing kalsada. She remain speechless but she nods at me.
"So tingin mo may ibang boyfriend ang best friend mo?"
Tanong sa akin ni Sarah. Nakiki-free board and lodging na naman.
"Hindi pa naman ako sigurado."
"Well , sabi mo nakita mong nag-tukaan, ibig sabihin may something iyon. Chance mo na ito cousin."
Seryosong sabi ni Sarah sa akin na ikinakunot ng noo ko. Mahal ko si Joseph pero hindi ko naman magagawang manamantala ng pagkakataon.
"Wala ka na bang iba pang maiisip dyan?"
"Ano ba ang gusto mo? "
"Gusto kong makumpirma kung tama nga ako. At kapag totoo ang hinala ko , tsaka ako mag-iisip."
Sabi ko nalang. Baka malason pa ni Sarah ang isip ko at lumipad ako agad kay Joseph para ichuchu ang kataksilan ng best friend ko.
Napamulagat ako ng biglang sumulpot ang mukha ni Sarah sa harap ko ,mataman s'yang nakatitig sa akin.
"Biruin mong may sense of logic ka pala. Ang inaasahan ko susunggaban mo ang pagkakataong defenseless si Joseph kapag sinasabi mo na sa kanya na ina-anay na ang relasyon nilang dalawa."
Inis na ilayo ko ang pagmumukha n'ya sa akin at baka masapak ko pa.
"Hindi naman ako ganoon. Totoo sa loob kong maging masaya na lang sa kanilang dalawa. Totoo din na kung may pagkakataong mabigyan ako ng tsansa na mahalin ni Joseph ,susunggaban ko talaga. Pero hindi ko kayang masaktan s'ya o si Chelsea. "
"Well it's up to you. Masasaktan pa rin naman si Joseph oras na malaman n'ya ang totoo. I just hope na magising ng maaga ang kaibigan mo bago pa magulo ang lahat."
Nawalan ako ng kibo sa sinabing iyon ni Sarah.
Ilang araw na ang lumipas , ayoko mang mag-isip ng hindi maganda ay hindi ko maiwasan . Halos hindi na nagagawi si Chelsea sa apartment ko , at tulad kay Joseph dumalang na rin ang tawag at text n'ya. Kapag nagkakataon na nagtatagpo ang landas naming dalawa ay tipid na tipid ang bawat salitang lumalabas sa labi n'ya. I'm not dumb , she's avoiding me.
Weekend ng maisipan kong lumabas, it's past 10 am ,at ang unang pumasok sa isip ko ay ang cake shop ni Joseph. Pumara ako ng taxi at nagpahatid doon, medyo malayu-layo din kase ang building na nalipatan ko. Mukhang busy sila dahil marami ang costumers. Napangiti ako dahil on sale ang mga libro up to 50%. Nang makapasok ako sa loob ay dumiretso ako sa glass stand at tumingin kung may bago . Na-excite ako ng makita ko ang iba ibang kulay ng mirror glazed cake nila.
"Hi,"
Nabibiglang napataas ako ng mukha. Hindi ko napansing nasa gilid ko na s'ya. Tumahip ang dibdib ko ng ngumiti s'ya sa akin.
"Joseph.."
Halos magkandautal kong sabi.
"Ilang araw ka rin na hindi lumitaw. I thought nanawa ka na sa sweets."
"I-"
Naputol ang sasabihin ko ng makarinig kami ng kalabog. Mukhang nahihirapan ang cashier n'ya sa books section aisle dahil wala itong katulong na bagger , pila ang mga nagbabayad ng oras na iyon.
"Excuse me."
Paalam ni Joseph ,at nilapitan ang natatarantang cashier. Pinanood ko kung paano makipag-communicate si Joseph sa costumers n'ya. Mesmerized namang pinapanood din ito ng mga nakapila habang inaayos nito ang mga gumuhong libro. He's good at what he is doing ,plus the fact na gwapo at malakas ang dating. Who wouldn't be mesmerized at him?
Hindi pa nagtatagal doon si Joseph ay nilapitan naman ito ng isa sa mga patisserie n'ya at binulungan. I can tell na nagkaproblema dahil sumeryoso ang mukha nito. Mukhang nagdadalawang isip ito na umalis sa tabi ng cashier, kung kaya't lumapit na ako sa kanila.
"Thanks for helping us Bianca , you've been a great help."
Nag-init ang buong mukha ko sa sinabing iyon ni Joseph. Nag-volunteer kase ako na tutulong sa kanila na hindi nito natanggihan. Masaya ako na nagbago na ang pakikitungo n'ya sa akin. I think I'm really a big nuisance to him nuong pinepeste ko pa ang buhay n'ya (according to him).
Nang hindi na ganoon karami ang namimili at sa tingin ng cashier ay kaya na nito ay pinagpahinga na ako ni Joseph. Halos 5 hours din akong tumayo as bagger and cashier, but I felt happy about it, especially kung ganitong panatag na ang loob sa akin ni Joseph.
"Bianca, do you have somewhere else to go after here?"
Kaswal n’yang tanong sa akin. Nahinto ako sa pagsubo ng lemon pie bago ngumiti ng malamya at sinipat ang suot kong wrist watch. Alas singko pa lang ng hapon.
"Wala pang plano, gusto mo na ba akong umuwi ?"
"No, silly. May early dinner kami ni mommy tonight, I was thinking to invite you with us?"
Maang akong napatitig sa kanya. Is he for real?
"How about Chelsea?"
Tanong ko ng makabawi. Hindi nakalampas sa mata ko ang bahagyang pagkunot ng noo n'ya at ang disappointment na dumaan sa mga mata n'ya.
"I don't know, hindi ko macontact ang cp n'ya. You can't possibly knew where she is dahil maghapon ka na dito sa shop."
Hindi ako nakakibo, pero ang isip ko ay nagbalik sa lugar kung saan ko nakita si Chelsea at Gibson. Nag-unahan sa pagtibok ang puso ko ng maisip ko na sabihin kay Joseph ang nakita ko , pero sa kabilang banda, hindi naman ako nakakasigurado sa magiging reaksyon n'ya. Malaki ang posibilidad na hindi n'ya ako paniwalaan.
"Anyway, "
Umayos ng upo si Joseph sa harap ko at halos masamid ako sa sarili kong laway ng ngumiti s'ya sa akin.
"Tell me something ,what makes you change your mind?"
"Huh?"
Maang ko . Hindi ko kase masyadong na-gets ang ibig n’yang sabihin.
"You ..nasabi mo na dati na, you're setting me free, na you accepted the fact na Chelsea and I belong to each other. Does that mean ,you've move on ? That you don't like me anymore?"
Nanlaki ang mata ko sa tinuran n’yang iyon. Pakiramdam ko gumapang lahat ng init sa katawan ko papunta sa mukha ko. Hindi naman presko ang dating ng tanong n'ya. It seems like he's curious . Pero halos magrigudon ang puso ko ng mapansin ko pamumula ng tenga ni Joseph at ang bahagyang panlalaki din ng mata n'ya. Tumikhim s'ya and unknowingly ay inabot ang milk tea ko at humigop doon bago tumingin sa malayo.
"I'm sorry, that was so insensitive of me."
Hindi ko alam kung bakit ,pero napangiti ako sa ginawi n’yang iyon. Ang cute lang kase. Rare moments ang ganoong pagkakataon.
"Diba.."
Umpisa ko ,kaya napabaling ang atensyon n'ya sa akin. Nang mga oras na iyon tanging s'ya lang ang nakikita ng mga mata ko. He's waiting for me to continue, and I can see that he is interested for what I'm going to say.
"Diba kapag mahal mo, dapat masaya ka sa kung saan o ano ang makakapag-pasaya sa kanya? Nalulungkot lang ako na, kahit nauna naman kitang nakita at minahal nahuli pa din ako."
"Thank you for loving me, for that feelings. I really hope that you'll find the right guy for you. He'll be lucky whoever he will be."
Nakangiting tinapik tapik n'ya ang ulo ko na para akong bata. Gusto ko sanang sabihin na, wala akong ibang nakikita na posibleng kong mahalin ,kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Joseph is my one great love. Isipin ko palang na may ibang lalake na makakasama ko sa habang buhay parang nawawalan na ako ng ganang mabuhay.
Pasado alas sais ng hapon ng umalis kami ni Joseph sa shop n'ya. Nagpapahatid sana ako sa apartment ko para makapagbihis man lang, amoy confectioner na kase ako, but he said that I'm fine and that I still look good and ending it up by saying that his favorite scent was the scent of sugar and cake icing,kinilig tuloy ako.
Lalo lang akong na conscious ng huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Alangan ang suot kong jeans at blouse para sa isang sosyalin na lugar. Hindi ko napansin ang pagbaba ni Joseph, nakita ko nalang ng iabot n'ya ang susi ng sasakyan n'ya sa valet at pagbuksan ako ng pinto.
"Joseph, ayoko nalang. Panturo
-turo lang ang itsura ko oh. Tingnan mo nga yung mga pumapasok sa loob, parang sa beauty contest lahat pupunta."
Tinawanan n'ya ako kaya lalo akong nakaramdam ng hiya.
"You are fine Bianca ,believe me. Wala namang dress code sa mga kainan o restaurants. It's just , they put it to themselves as a standard. Look at me."
Ibinuka n'ya ang mga braso. Naka simpleng white t-shirt lang s'ya at jeans kagaya ko, pero iba naman kase sa kanya. Kahit yata basahan isuot n'ya mukha padin syang alta.
"Come on now."
Laking gulat ko ng dumukwang s'ya at kalasin ang seatbelt ko bago ako hinila pababa. I swear buong araw na parang aatakihin ako sa puso dahil kay Joseph. Mariin n’yang hawak ang kamay ko na para bang tatakbo ako palayo. Lalo akong ginapangan ng hiya ng makita kong nakangiting pinapanood kami ni manong valet.
Nagtaasan yata lahat ng balahibo ko ng sumalubong sa mukha ko ang lamig na ibinubuga ng airconditoner. Napakilos lang ako ng matangay ako ni Joseph nang tuluyan syang pumasok sa loob, tsaka ko lang narealize na magkahugpong pa rin ang mga kamay namin.
"Good evening ma'am ,sir. How can I help you?"
Nakangiting salubong sa amin ng marahil ay receptionist o head waitress ng restaurant.
"Uh, yeah. I have a reservation for three, under Mercedes Zalameda name."
"Ah, this way sir."
Turo ng receptionist sa amin. Iginaya n'ya kami sa dulong bahagi ng resto kung saan medyo dim lighted ang mga ilaw. Agad kong nakita ang mommy ni Joseph na kasalukuyang nagkakape o nagtsa-tsaa?
"Mom.."
Tawag pansin ni Joseph sa mommy n'ya na nakatutok ang mukha sa cellphone.
Gusto kong matawa ng kumawala ang cellphone sa kamay nito at mahulog sa lapag dala ng gulat.
Lalo na ng marinig ko ang sinabi n'ya na..
“Pisteng yawa ka” doon na ako hindi nakapag pigil sa pag bungisngis.