KABANATA 5

2164 Words
Mapait ang ngiting gumuhit habang minamasdan ang eleganteng piraso ng papel sa kamay ko. Sample iyon ng invitation sa nalalapit na engagement party nifor Joseph at Chelsea. While the two are happy preparing for the event I'm here sulking. Nalulunod ang puso ko sa lungkot pero I have to face reality. It's been a few months, and yet the pain is still here in mythe heart. Hindi man lamang nabawasan,hindi man lamang mamanhid kahit na kaunti. So best thing to do iwasan muna sila kahit papaano. Madalang na akoang magpunta sa “The Sweet Side” ,ang shop ni Joseph. Itinataon ko na wala s'ya doon, either mommy n'ya o mga tauhan lang n'ya. Nagpalipat din ako ng call center building, making sure na by request para hindi magtaka si Chelsea. Pero kahit yata hindi ko muna iwasan si Chelsea ay hindi rin kami magkikita. Once lang s'ya nagpunta sa apartment ko matapos ang madramang tagpo sa amingmga tatlo which is confusing, dahil kahit busy ang isang iyon ay lagi iyong pupunta sa apartment ko kahit saglit lang. But since nalalapit na ang engagement nila it mustwas be a hectic schedule for her. “Well?” Tawag pansin sa akin ni Minda. Nalito pa ako ng bigla s'yang magsalita. “Ano nga ulit ang sinabi mo?” Taas ang kilay na pinagsalikop n'ya ang mga braso sa dibdib. “Sabi ko, hanggang kailan mo sila iiwasan. As if naman makakaiwas ka lagi sa kanila. Sooner or later a-attend ka sa engagement nila, and you can't say no darling. Napahilot ako sa sintido pero tama naman s'ya. Muli kong minasdan ang sample ng invitation card, halatang yayamanin. Card palang yata pwede ng isanla. “Nag-si-sisi ka ba?” Tanong n'ya. Kinapa ko ang sa sarili ko ang sagot. Nag-si-sisi ba ako? Kahit ipaghiyawan kong hindi, I know deep inside that I'll be fooling my self. I don't want them to hate me, and even if I love Joseph so much , Chelsea is still dear to me. “Well at least alam mo na nag-ma-mahalan sila kaya hindi mapupunta sa wasteland yang pag-sinta mo. If Chelsea is a b***h tutulungan pa kita, but your deary bestie is such a sweetheart. Nailing na sabi pa n'ya. Right, kung masama nga lang sana ang ugali ng kaibigan n'ya, kaso kase , she's the sweetest and kindest best friend I ever had. It's a shame na.. Napaayos ako ng upo ng mag-ingay ang cellphone ko. At gayon na lang ang pag-ta-taka ko ng makita ko kung sino ang caller. First time na tinawagan n'ya ako and I'm kinda surprised na naka-save ang number ko sa kanya. “Hindi mo ba sasagutin?” Turo ni Minda sa cellphone ko ng mag-ring ulit iyon ng sunod-sunod. Iniharap ko sa kanya ang screen niyon at ng makita n'ya kung sino ay tumaas lang ang kilay n'ya. “Sagutin mo na, baka importante. Remember ,okay na kayo diba?” Napangiwi ako sa sinabi n'ya kaya ng muling mag-ring iyon ay sinagot ko na. “Hey, yes? Nope hindi pa kami nagki-kita. Ahm, no..ah yes? Huh? Ngayon na ? Pero..what? Okay I'll see you later. I'll try ,sige no problem.” Napakamot ako sa ulo matapos ang tawag na iyon. What in the world is happening? “So , mukhang may emergency ? “Hinahanap sa akin ni Joseph si Chelsea. At parang sinabi yata ni Chelsea na ako ang kasama n'ya sa araw na ito. Pero matagal-tagal na kaming hindi nagki-kita eh. Gustong makipag-kita ni Joseph Ngayon.” Naguguluhan kong paliwanag sa kanya habang itinu-tuktok ang card sa baba ko. Hindi ko maiwasang hindi mag-isip. “Baka naman balak ka talagang puntahan ng kaibigan mo, nagkataon lang na andito ka at nagkasalisi kayo.” Napakibit balikat ako , puede pero may parte sa akin ang hindi mapakali. “Ang sabi ni Joseph ,mag-kasama daw kami ni Chelsea ,iyon daw ang sabi ng girlfriend n'ya. Anyway , I better go.” Paalam ko sa kanya na sinagot lang n'ya ng tango. Mukha ding nag-isip si Minda dahil bigla itong nanahimik. Nasa Monumento LRT station na ako at aakyat na sana para bumili ng card ng mapansin ko ang kotseng huminto. Hindi lang naman ako ang napalingon dahil agaw pansin ang mamahaling sasakyan. Hindi ko na sana papansinin dahil hindi naman na bago sa akin ang makakita ng luxurious cars dahil na rin kay Joseph , pero daig ko pa ang nag-mannequin challenge ng lumabas ang driver niyon at buksan ang passenger side. Bumulaga sa paningin ko si Chelsea na matamis pa sa arnibal ang pagka-ka-ngiti. Nagni-ning-ning ang mga mata habang nakatingala doon sa lalake, habang hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. What in the devil is happening? Nanlaki ang mata ko sa gulat at pagka-tuliro ng tumingkayad si Chelsea at gawaran ng halik sa labi yung lalake ,na kung tama ang hinala ko ay isa sa mga kaibigan ni Joseph. Si Gibson! It took me a lot of self control para huwag bumaba upang lapitan at komprontahin ang dalawa. Nanginginig ang katawan ko, kung sa galit o gulat ay hindi ako sigurado. Bago pa ako mapansin ni Chelsea ay mabilis na akong tumakbo paakyat at bumili ng card. Sakto namang parating na ang tren kaya mabilis din akong nakasakay. Tuliro pa din ako ng makarating ako sa apartment ko, hindi ako namalik-mata lang, si Chelsea iyon. Pero bakit? Halos sumakit ang dibdib ko sa lakas ng kabog niyon ng malakas na busina ang gumising sa nawiwindang kong utak. Hindi ko alam kung magta-tago ba ako, o magku-kunwaring hindi ko iyon narinig o napansin na mukhang imposible din naman dahil sa lakas ng busina n'ya. “Para kang nakakita ng multo.” Komento ni Joseph ng makababa s'ya ng sasakyan n'ya at makalapit sa akin. May bahid ng pag-a-alala ang mukha n'ya , pero ng maisip kong kanina pa n'ya hinahanap ang girlfriend n'ya ay nabura ang maliit na pag-asang baka para sa akin ang munting emosyon n'ya na iyon. But I should know better..it wasn't for me. It'll never be. “You scared me,” Tanging naiusal ko na lang. “You seemed out of your thoughts , hindi mo nga namalayang nakasunod ako sayo.” “May ini-isip lang ako.” “Okay, anyway let's go na habang maaga pa.” Sabi n'ya tsaka naglakad pabalik sa sasakyan n'ya. Sumunod na lang ako. Pinag-buksan n'ya ako ng pinto. Tahimik akong naupo at isinuot ang seatbelt , bahagya naman n'ya akong nilingon at ayun na naman ang kunot noo n'yang pagtingin sa akin. Bakit ba sa tuwing ako ang nakikita n'ya, kundi salubong ang kilay, nakasimangot ,o nakakunot noo ay hindi man lang n'ya magawang ngumiti o kahit neutral expression lang, kaso bihira lang iyon madalas sa all of the above eh poker face s'ya. "Nakainom ka ba?" Tanong n'ya na nakangiwi, disgusted? Napaingos ako, bago isinandal ang nananakit ko ng ulo sa headrest. "Medyo, tumawag ka lang kaya umuwi ako, wala talaga akong balak umuwi ngayon kundi ka lang parang hindi mapanganak na pusa dahil hindi mo ma-contact si Chelsea." Pagkabanggit ko sa pangalan ng kaibigan ko ay otomatikong nagsalubong ang kilay ko bago ako lumingon sa kasama ko. If Chelsea is cheating on him ....nagtagis ang bagang ko sa itinatakbo ng isip ko. Chelsea won't do that, but then again, do friends kiss on the lips? "Are you really that reckless, nag commute ka ng nakainom at nangangamoy alak ?" Naiiritang tanong n'ya sa akin. "Wow huh, " Puno ng sarkasmong tugon ko na sinagot n'ya lang ng palatak na para bang ako pa ang umabala sa kanya. Kung naiba iba lang ang pagkakataon, baka umabot na sa tenga ko ang nagiging ngiti ko. It's the first time that Joseph let me ride in his car. Nanahimik nalang ako at itinuon ang mata sa daan, this is the first time also that I'm not like a clingy lunatic ( according to him dahil madalas n'ya sabihin sa akin iyon.) Dahil akupado ang isip ko ng nasaksihan ko. I can even feel that Joseph was stealing glances at me with that narrowed eyes. "So where have you been?" Basag n'ya sa katahimikan. I don't want to distract my self so I didn't look at him when I answered. "Kila Minda." "Minda?" Ulit n'ya. "Oo, kaibigan ko. Doon dapat ako magpapalipas ng gabi, kung hindi ka lang tumawag." "I'm worried sick about Chelsea. I can't even contact her," "Hindi ko pa s'ya nakikita, maaga kase akong umalis sa apartment, baka nagkasalisi kami. Have you checked her place?" Lumingon ako sa kanya ,umiiling na hinigpitan n'ya ang pagkakahawak sa steering wheel. "Yes, and it's locked. " Sa itsura n'ya parang gustong umalpas ng boses na iyon na isip ko na sabihin dito ang nakita ko. But I don't want to stir a conflict so I keep my mouth shut. Not until I talk to Chelsea first. "The past few days .." Muling salita ni Joseph. There's uncertainty and confusion in his voice. I want to smoothen his creased forehead, I want to erased that worries etched on his face. "She looked dazed, her calls and messages are getting fewer. I don't know if what happens to you affected her. She seemed sad, don't get me wrong Bianca." Lumingon ito saglit sa akin. "I'm not saying that you have something to do with it, but Chelsea became different after that day." Tinutukoy nito ang araw na nag-drama ako, pero naka-ka-pagtaka, siguro nga naki-kisimpatya sa kanya ang kaibigan ,pero hindi man n'ya gustong maglakbay ang imahinasyon ay hindi n'ya mapigilan. She just hope that she's wrong. If not, she'll deal with her , even if she have to put their friendship on the line. Kung saan saan na sila nakaikot ni Joseph, napuntahan na din nila ang mga malls na madalas tambayan nilang dalawa ng kaibigan, ang restaurant na paborito ni Joseph at Chelsea, pero kahit anino nito ay hindi nila nakita. Gusto sana n’yang irekomenda ang ilang lugar sa Caloocan pero pinili na lang n'ya ulit manahimik. It's already 8 pm when Joseph decided to call it a night. Ilang oras din silang nag-ikot, and I'm somewhat dizzy and sleepy during the ride dahil na rin siguro sa nainom ko. I'm already half way to lala land when the car stop, only then I realise na nasa tapat na kami ng cakeshop ni Joseph. "Do you want to get inside,? I'll get you something for coming with me. Then I'll drive you back to your place." Baling n'ya sa akin matapos n’yang patayin ang engine ng kotse. Tumango ako, gusto ko rin kase uminom ng tubig, my throat suddenly felt raspy. When he exited , hindi ko na inasahan na ipagbubukas n'ya ako ng pintuan but I'm taken aback when he did. May mangilan-ngilan na costumer sa loob habang nagkakape at nagbabasa ng books. I smiled instantly when I saw tita Mercedes, Joseph's mom in the counter. Nang makita nito kami ay gumuhit ang pagka-bigla sa mukha nito, I can't blame her though. Me and Joseph being together without him erupting like a mad volcano is really shocking. Sanay na yata ito sa nakaraang mga taon na cariňo brutal ang minamahal n’yang anak sa akin. "Good evening tita." Bati ko ng makalapit ako sa kanya. Bahagya sya'ng dumukwang at humalik sa pisngi ko. "Bianca..What a pleasant surprise," "Bakit nandito ka pa Mom, told you not to wait for me." Umikot si Joseph sa counter upang yumakap at humalik sa pisngi ng mommy nito. She dismissed him by waving her hands, a silent way of her saying "it's nonsense". "So have you seen Chelsea?" Tanong nito sa anak na dumukwang sa ibaba ng glass shelf. Bahagya namang napatigil si Joseph bago nito inilabas ang isang roll ng Braso de Mercedes. "No, we couldn't find her." "Baka naman nagkasalisi lang kayo.." Pampalubag loob ng mommy n'ya. "Tama si tita baka nakauwi na si Chelsea habang hinahanap natin s'ya. ." Sabat ko naman. Lumingon sa akin si Joseph tsaka ngumiti ng payak. There goes my heart again ,beating like mad inside my chest. How can I unlove this guy? Nag-stay lang ako saglit sa shop upang makipag-kamustahan kay tita Mercedes, matapos niyon ay nag-pahatid na rin ako pauwi. "Salamat dito." Sabi ko nang mai-hatid na n'ya ako pauwi. Itinaas ko ng bahagya ang box ng cake na ibinigay n'ya. "Hn." Tumango s'ya ,isinuklay ang mga daliri sa magulo na nitong buhok. Humigpit ang hawak ko sa box ng cake , I don't want to see him like that. "Pasensya na sa abala, and thank you for accompanying me. Please inform me if Chelsea contacted you. I will really appreciate it." Tumango nalang ako. He stared at me for a minute or so bago s'ya tuluyang nagpaalam na uuwi. Nanatili akong nakatingin sa kalsada kahit matagal ng naka-alis si Joseph. I hope I'm wrong about Chelsea. I really hope so.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD