Bianca's POV
Pahinamad akong naupo sa higaan ko bago muling binasa ang text na na iyon ni Chelsea. Joseph proposed to her she said, and he's planning an engagement party for them. Ibinaba ko ang cellphone sa gilid ko at itinakip ang mga palad sa mukha kong nag-si-simula ng mamanhid. Gusto kong maging masaya para sa kanya pero bakit para kong namatayan? Ang sakit sa puso , parang may kung anong dumadakot-dakot sa puso ko. Masakit sa akin nuon ng malaman kong mag-on na sila ,pero ngayon hindi ko alam kung anong level ng sakit ang nararamdaman ko.
“Bianca,lumabas ka na ng kwarto mo at kakain na. Aba'y bata ka, magkukulong ka nalang ba d’yan? Uuwi ka lang dito para unatin ang likod mo sa higaan?”
Dinig kong tungayaw ni nanay sa labas ng pintuan ko.
“Broken hearted kase nanay hayaan mo na at nagluluksa si ate.”
Dagdag naman ng kapatid kong si Ellie habang tumatawa. Siraulo talaga kahit kailan.
Susukot-sukot akong lumakad patungo sa pintuan at buksan ang lock niyon. Natigilan pa ako ng tumambad sa harapan ko si nanay at Ellie .
“Ano? Tapos na ba ang pagbuburo mo? “
Nakapamewang na tanong ni nanay.
“Ikakasal na s'ya ..”
Iyon ang tanging lumabas sa bibig ko habang nag-unahan naman sa pagpatak ang luha ko. Nakakahiya ang ganito ,sa harap pa mismo ng pamilya ko. Pero kase ang bigat na. Napabuntong hininga si nanay habang nawala naman ang ngisi ni Ellie. Si tatay naman na nakatingin sa amin ay ibinaba ang hawak na baso ng tubig at kunot noo akong tiningnan.
Hindi lingid sa kaalaman ng pamilya ko ang pagkakagusto ko kay Joseph. Ikaw ba naman ang magpalibot ng pictures ng lalake sa kwarto mo aside sa family mo.
“Sa una lang yan masakit, makaka-move on ka rin.”
Alanganin ang ngiting sabi ni Ellie tsaka akbay sa akin at igiya ako pababa ng hagdan.
“Ikain mo nalang yan , gutom lang yan.”
Sabi ni tatay at naglagay ng plato sa mesa. Napangiti ako kahit papaano, bahagyang naibsan yung sakit, dahil kahit parang abnormal ang tingin nila sa akin dahil sa sabi nga nila ay pagka-obsessed ko sa isang lalake ay hindi nila ako sinumbatan. Sa kabila ng lahat , okay parin pala na sa tahanan at pamilya mo ka uuwi para humugot ng suporta at maglabas ng sarili mong problema love life man o hindi.
"Chelsea , maupo ka nga."
Inis na sabi ko ng mapuno ako sa kakasunod n'ya sa akin. Simula ng makabalik ako ng apartment ko, at makarating iyon kay Chelsea dinaig pa n'ya imbestigador sa kakatanong sa akin kung ano ang nangyari at bigla na lang akong nawala. Sinabi ko nalang na nagkasakit ako kaya ako nawala , pero hindi n'ya sinasakyan ang alibi ko. Almost 1week na rin yun ng magbalik ako sa trabaho. At sa loob ng panahong iyon , trabaho ,tulog ,at kain lang ginagawa ko. Iniwasan kong maglandas ang daan namin ni Chelsea. Nagpa-graveyard shift ako , dahil pang-umaga na ang schedule n'ya sa call center. Kapag pumupunta sya sa bahay siniguro kong tulog na ako , o di kaya magtutulug-tulugan na lang.
At ngayong weekend , kay Minda ko balak pumunta , pero laking gulat ko ng biglang lumitaw si Chelsea at Panay ang buntot at tanong sa akin.
"Bianca , ano bang nagyayari sayo? Iniiwasan mo ako , hindi ako tanga. Dapat magka-shift tayo pero nagpabago ka ng sched. Simula ng dumating ka ni hindi mo ako hinarap."
Frustrated na sabi n'ya na parang nanlalambot na naupo sa monoblock sa maliit na sala ng apartment ko. OK guilty ako doon, but can she blame me?
"Walang nangyari OK? "
Napapalunok kong sabi ng mahagip ng paningin ko ang singsing sa kaliwang daliri n'ya, bago ako dumiretso sa kusina at kumuha ng tubig. Para akong maiiyak.
"Bianca, we're friends. "
Inagaw n'ya ang baso ng tubig sa kamay ko at inilagay sa lababo tsaka ako niyakap. Nakakainis dahil lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko. Kung sana masama ang ugali ni Chelsea hindi ako makakaramdam ng ganito.
"You can tell me everything."
Napangiti ako ng mapakla bago ako humiwalay sa yakap n'ya.
"Gusto ko lang mapag isa. Umuwi ako sa bahay para mag isip."
"Tungkol naman saan?"
Napakamot ako sa ulo. Laylay ang balikat na naglakad ako patungong sala tsaka ako naupo . Naupo din s'ya sa katapat kong upuan ,nagtataka s'yang tinititigan ako.
"Sa inyo ni Joseph, "
Paismid kong sagot sa kanya.
"Bianca.."
"I give up."
Putol ko sa sasabihin n'ya pa sana. Gusto kong matawa sa itsura n'ya. Gulat na gulat s'ya at bahagyang awang ang bibig. God it was an epic reaction.
"I don't want to, but I have to. "
Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha bago nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Ayokong mag- ala-kontrabida, habang si Chelsea ang hindi makabasag pinggan na bida. God , I'm so pathetic , but I can't help it.
"You mean? Ayaw mo ng i-pursue ang feelings mo para kay Joseph? But why?"
Nagtataka pa n’yang tanong. Hello? Isn't she happy that I'm already willing to set Joseph free? I mean , yeah something like that. Set my feelings for Joseph free.
"What do you mean why? Hindi ba obvious? Kahit yata gumapang ako mula Apari hanggang Jolo , kumain ng bubog, magbuga ng apoy, tumawid sa alambre , sayo pa din ang tingin nya. Its been two years , ako na nga nanliligaw , wala pa din , he's so in love with you. And I'm nothing ..even the friendship was gone. So what else is in there for me to fight for it?"
Nag-unahan na namang kumawala ang luha sa mga mata ko , why am I being such a cry baby when it comes to him? Ang nakakainis pa , Chelsea won't mind kahit gumamit pa ako ng megaphone mahuli lang ang atensyon ng jowa nya. Lalo tuloy akong naaawa sa sarili ko.
"It hurts so much. "
Para akong tanga na napahagulgol , tuptop ang labi upang huwag kumawala ang labis na hinagpis na nararamdaman ko.
"Hindi ko alam kung paano na ako pag katapos nito , but I don't want him to loath me even more , kaya kahit masakit , sumusuko na ako. I just love him....a lot."
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na umiiyak , ni hindi ko magawang buksan ang mga palad kong nakatakip sa mukha ko, halo na yata ang luha at uhog ko pero hindi ko alintana. What I felt is the pain in my heart. Sobrang bigat sa dibdib na isuko ang pag-ibig na kahit sa simula pa lang talo na.
Bwisit na luha walang patid sa pagbalong. Buti sana kung four seasons ang lasa baka sinahod ko pa kamay ko,kaso ang alat ...
Naramdaman ko ang marahan n’yang pagkabig sa balikat ko hanggang mapadaiti ako sa katawan n'ya, hindi ko alam kung dahil ba sa gesture na iyon kaya lalo ako napaiyak , inalis ko ang mga kamay ko sa mukha ko at iniyakap iyon sa beywang ni Chelsea para lang matigilan at mapamulat. Kailan pa lumapad ang katawan ni Chelsea , at hindi sya amoy babae. The scent is so familiar, how can I ever forget his fragrant smell.
Nanlalake ang matang napatingala ako. Why of all the time ? Why now?
I'm such a loser.
"Here."
Nilapag n'ya ang aking
my favorite Braso de Mercedes, pero hindi ako makaramdam ng gutom, o pananabik na sunggaban ang cake na inihanda ni Joseph para sa akin. Paano nga ba n'ya ako nakaladkad sa condo n'ya? Pag katapos kong mag-nga-ngawa sa apartment at inakalang si Chelsea pa ang kasama ko at yumakap sa akin ,heto ako at sa condo n'ya nauwi. Ang naalala ko lang hinila nya ako patayo at sinabing “let's talk , come with me.”
"Not hungry? I thought you wouldn't mind na cake ang ibigay ko sa iyo even though it's too early for it. You even eat cakes as lunch or dinner."
Nakakapanibago, ang lumanay n'yang magsalita. He even have this small smile on his lips. Gone is the grumpy Joseph whenever I'm around him. Should I be happy?
"Wala akong gana."
Sa mahinang boses ay sagot ko. Namamaos na din ako sa kakaiyak.
"Thats something new. "
"Joseph.."
Putol ko sa sasabihin n'ya, nakapangalumbaba s'yang minamasdan ako . Hindi ko alam kung ano ang totoong nararamdaman n'ya. Bukod sa kunot noo s'yang nakatingin sa akin , he's lacking of expressions. Naaawa ba s'ya? Mas gusto kong nakasimangot na lang s'ya, at least in that way , I know what he feels.
"I heared everything. Nandoon ako sa apartment mo , kasama talaga ako ni Chelsea , lumabas lang ako saglit ,but when I came back ,I over heared everything. I ask her to leave me and you, "
Hindi ako nakakibo, or tamang sabihing wala naman akong masasabi. So he's there. He knew , what else should I say?
"Bianca.., we can be good friends. Infact I like you."
Napaangat ako ng tingin , may kung anong sumibol sa puso ko , para lang muling madis-appoint ng pumalatak s'ya at mapailing.
"Dont get me wrong. Like and love are two different words. I like you as a person , I see you as a friend. Pero nang malaman mo ang relasyon namin ng kaibigan mo , you started to be different. Its like ,you unwrapped your self and show me the real you. You became too clingy, too showy , too verbal. You wouldn't listen. You act with no consideration, say what you want , do want it takes to get my attention. You never consider if you hurt your best friend in the process. "
Napayuko ako, sa bawat salitang lumalabas sa kanya ,pakiramdam ko bato iyon na pabigat ng pabigat sa dibdib ko. Alam ko , alam ko lahat iyon. But hearing the awful things that I did , and coming from him , nakakapanlamig , nakakapanlambot.
"I just love you "
Halos pabulong na sabi ko.
"But your love for me is getting toxic."
Nanlaki ang mata ko , nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay seryoso s'yang nakatingin din sa akin.
"At first naiintindihan pa kita. I can't return your feelings cause I'm in love with somebody else. And if that woman happens to reject me , I'll do the same . I won't back off without a fight. So I don't mind if you keep on insisting and showing your affections for me, but the longer it takes ,the more you became persistent, the more you became blunt, wild and uncaring. Its no longer the definition of love Bianca. Its selfishness."
Nanginig ang labi ko, I just want to fight for it then. Nagulat ako ng lumapat ang kamay ni Joseph sa pisngi ko. He lightly brushed his hand in my cheek , naglandas na naman ang luha ko ng hindi ko alam.
"I'm really surprised though. You're finally willing to give it up and move on. Kaya ka ba nawala na lang bigla? "
Napatango ako, hindi ko maiiwas ang tingin ko sa mukha n'ya. It's rare to see him with amusement written all over his face. That genuine smile. It's been so long since he last smiled for me.
"I'm sorry Bianca. Alam ko , most of the time I hurt you. Inaamin ko din , sinasadya ko na saktan ang damdamin mo. So that you'll really get my point , "
"Don't worry, I get it now. I won't bother you anymore. I'll try my best , and move on."
Basag ang boses na sabi ko. Nangunot ang noo n'ya at halos mag isang guhit ang kilay habang pinapahid ng kamay n'ya ang bawat luhang nalalaglag sa mga pisngi ko. I want to savor this moment , the moment when Joseph look so unhappy to seeing me cry.
"I'm sorry Joseph...I'm really sorry.."
“Damn it”
Dinig kong bigkas n'ya bago s'ya mabilis na tumayo . Buong akala ko tatalikuran na n'ya ako pero laking gulat ko ng sumulpot s'ya sa harapan ko ,and before I knew it, naitayo na n'ya ako habang yakap-yakap. Its so tight , I can't hardly breath ,but at the same time, it feels good and comforting.
"It so nice makita kayong ganyan."
Nanigas ang katawan ko habang si Joseph naman ay mabilis akong pinakawalan. For a few seconds ,i feel awkward, until I heared Chelsea's giggles. Pareho pa kaming napalingon ni Joseph kay Chelsea na nakatayo sa b****a ng kusina kung saan kami naroroon ni Joseph.
"OK na kayong dalawa?
Tanong n'ya sa amin. Nakangiting lumapit si Joseph sa kanya at binigyan s'ya ng halik sa noo, napababa naman ang tingin ko sa sahig. Tanggap ko man na wala na talaga akong pag asa hindi ko pa rin yata kaya na makita ang paglalambingan nila.
"Yeah. We're good."
Sagot ni Joseph matapos akong lingunin. I forced a smile and nod at him.
Yeah....we are good.
Malungkot na hayag ng puso kong unti unting nagkakapira-piraso sa harap nilang dalawa.
No matter how hard it takes , no matter how much pain I have to endure just by seing them this close , happily loving each other , I have to swallow every heartaches because I chose this right? I don't have a choice but to be that one soul silently loving and breaking for letting the man she loves ,loved someone else.
Mapait ang ngiting gumuhit sa labi ko ng ibaling ni Joseph ang tingin sa akin habang yakap si Chelsea, sinubukan kong huwag na muling malaglag ang luha sa mga mata ko , pero sa mga oras na iyon , iyakin talaga ako.