KABANATA 3

2188 Words
Bianca's POV "Chelsea.." Tawag pansin ko sa kaibigan ko habang nagluluto ng banana que. "Yes?" Nagtaas naman s'ya ng tingin mula sa pagbabalot ng wrapper sa saging. "Hindi pa rin ba nagbabago isip mo?" "About what?" Nagtataka n'yang tanong. Lumapit naman ako sa kanya tsaka kinuha ang isa n'yang kamay at ikinulong iyon sa akin na parang nakikiusap. Nagugulat naman s'yang napatitig sa akin. "About Joseph. " Sukat sa sinabi ko ay napabunghalit s'ya ng tawa. Yung tawa n'ya nakakairita, gandang babae pero kung tumawa kita ngala-ngala, hindi kaya nate-turn off si Joseph sa kanya? "Hanggang ngayon pa rin ba iyan?" Tanong n'ya habang nagpapahid ng luha sa gilid ng mata n'ya. Napasimangot ako ,sinabi ko din na nuon na ako ang gusto ni Joseph naguguluhan lang iyon dahil umeksena s'ya bago pa may mabuong spark of love sa aming dalawa. Ang kaso lagi akong tinatawanan ng bruha. "Mahal ko talaga s'ya." Nagpapaawa kong sabi. Desperada na kung desperada. "I know. At mahal ko din s'ya. Mahal n'ya din ako , at sa kasamaang palad we have a mutual feelings na hindi n'ya nararamdaman sa iyo. " Hindi naman s'ya nagpaparinig o kung ano pa man , actually may simpatya pa nga sa pagsasalita n'ya. She didn't want to say those things harshly , pero ganun yata talaga , truth hurts at para iyong pana na sinibat ang puso ko. Ang sakit tagos hanggang buto. Pero dahil matigas ang bungo ko at never say no lang peg ko , marahas kong binitawan ang kamay n'ya tsaka ko s'ya tiningnan ng seryoso. All is fair in love and war. Iyon ang pampalubag loob ko sa sarili ko. I know I'm acting too much , I know that sometimes I went over board , minsan nga ipinapahiya ko na ang kaibigan ko at kulang nalang mag-ala-tuko ako kapag nasa tabi tabi si Joseph. But Chelsea is too kind that she takes everything lightly. Kasing haba yata ng Great Wall of China ang pasensya n'ya hindi kagaya ni Joseph na mas maiksi pa sa pilikmata ko ang haba ng pasensya. And that's why I hate it , nainis ako na kahit anong gawin ko , Chelsea won't take me seriously. And she remain in my side as a friend. As my best friend. "Ituloy mo na pagbabalot n'yan." Walang gana kong sabi ,tsaka s'ya tinalikuran. "Saan ka pupunta? We're not done yet." "Ayoko na ng banana que , nawalan na ako ng gana. " Sabi ko tsaka ko s'ya iniwan sa apartment ko. Bahala na s'ya. Basta ayoko na. Ako pa man din nakaisip nun , ibibigay ko talaga iyon kay Joseph dahil off namin pareho. Kung bakit kase kahit anong gawin ko , imbis na itakwil na ng trydor kong puso si Joseph eh kinakalinga pa din. Ang hirap magmahal ng taong may mahal ng iba , at ang hirap pagmasdan kapag nakikita kong masaya sila. "Move on ka na kase girl , libre naman iyon ,walang bayad." Sa pag-sisintimyento ko nakarating ako sa bahay ng dating katrabaho kong si Minda. At dahil feeling down ako , ano pa ba karamay ng kagaya kong pino-problema ang pag-ibig , eh di alak. Nasa isang local bar kami sa Bulacan dahil nasa Valenzuela si Minda. Hindi ko alam kung ilang Mucho na naiinom naming dalawa ,pero bloated na pakiramdam ko at nangangapal na rin ang mukha ko. Samantalang ang kasama ko alive na alive pa. "Libre din naman ang magmahal ah. Masakit nga lang." Naluluha ko ng sabi. Pinipilit kong pigilin ang luhang nagbabadya ng sumungaw sa mga mata ko. Kung bakit kase naisipan pa naming uminom ,eh isa din ang alak , hindi naman pampalimot ,pampa-alala pa sa mga bagay na gusto mo munang kalimutan. "Kaya ayoko ng love life eh problema lang iyan. Okay na akong pinapanood ko na lang kayong ngumawa dahil sa mga bigong pag-ibig nyo." Natatawang sabi ni Minda. Single mother kase si Minda. Yung tatay ng anak n'ya kasamahan namin sa trabaho na binata kuno pero pangatlo na pala si Minda sa naanakan. Napatingin ako kay Minda habang tinutungga ang alak sa baso ko. Mapait na masarap. Parang yung nararamdaman ko lang ngayon. Mapait, dahil aware ako na daig ko pa pulubi at aso na nakatanghod kay Joseph. Naghihintay na pansinin ako at tapunan ng kahit konting pagtingin lang, at the same time masarap yung feeling na at last nagmahal na ako , hindi na ako ignorante dahil kaya ko nang sagutin ang quote na "define love." Bakit di magawang limutin ka.. Bawat sandali , ika'y naaalala, Nag salubong ang kilay ko ng marinig ko ang kumakanta , dinungaw ko ng bahagya ang ulo sa railing ng barko , oo barko. Barko kase yung design ng bar na pinuntahan namin. At nasa itaas kami, deck yata ang tawag dun, yun bang kung saan nakadipa si Rose at Jack. Kita ko mula dito sa taas yung kumakanta, at ang sarap lang pukulin ng bakanteng bote ng mucho dahil lalong naninikip lalamunan ko sa pagpipigil gumawa ng eksena dito. Ang tanging kong dasal sa may Kapal Makapiling kang muli, Bakit di ka maalis sa isip ko Ikaw ang tanging laman nitong puso ko Kahit pilitin kong damdami'y magbago ikaw pa rin ang hinahanap ko.... Napahawak ako ng mahigpit sa railing tsaka napapikit ng mariin. Hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Para iyong gripo na nabuksan at gustuhin ko mang pigilin parang may sariling utak ang mata ko dahil ayaw n’yang makinig sa akin. Lintik na alak yan, imbis na pamanhidin ang damdamin ko ngayon para s'yang asin na pumahid sa sugatan kong puso. Hanggang ngayon, hanggang ngayon, Ikaw pa rin ang iniibig ko , Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko.. Ikaw lamang hanggang ngayon. "Anong gagawin ko...ipagpipilitan ko pa din ba ? Kahit sobrang sakit na?" Nakadukdok kong tanong, kung sa sarili ko o kay Minda , hindi ako sigurado marahil pareho. "Ikaw, kung sadyang makapal talaga yang mukha este puso mo eh di ipagpilitan mo. Pero ikaw na may sabi mahal nila isat isa, wala kang laban kapag dalawang puso ang nagmamahalan." Laylay ang balikat na umayos ako ng upo , ilang ulit na ba ako napahiya ,ilang ulit ng nabasted , ilang ulit ng nasabihan ng masasakit na salita , hindi ako immune , aware na aware ako pero makapal talaga mukha ko, basta pagdating sa lalaking mahal ko lulunukin ko ang kahihiyan. Kagaya ng beer na iniinom ko kahit mapait kiber lang. Napatingin ako sa kumikinang na signboard kung saan naka lagay ang "The BarKo" ang pangalan ng club bago napalingon kay Minda na may mapait na ngiti sa labi. Hindi s'ya kagaya ng pinsan kong si Sarah na mabunganga at walang preno kung magsalita . "Mag lay-low ka muna. Savor the heartaches ,at kapag nasa kondisyon na ulit yang puso mo , eh di habul habulin mo ulit. Give some space but don't give up." Nakangiting sabi n'ya pa bago muling sinalinan ng alak ang pitchel namin. Napailing ako pero napangiti na din. May point s'ya, siguro nga ganon nalang muna. Siguro kailangan ko munang pakapalin ang tissues ng puso ko, para naman kahit paano may panlaban ulit sa sakit sakaling sumabak ulit ako sa laban na alam kong ako ang dehado o mas tamang sabihin na talo. Tatlong araw, tatlong araw ko ng hindi nakikita ang makulit na kaibigan ni Chelsea. Nakakapagtaka dahil walang araw na hindi hindi iyon pumapalya sa paninira ng araw ko, hindi ko din s'ya nakikita sa madalas na pwesto n'ya sa harapan ng call center building nila na katapat lang halos ng shop kung saan s'ya matyagang naghihintay makita lang ako at makapagpapansin. Pero sa mga nakaraang araw , ni anino n'ya hindi ko nakikita. Maging ang mga empleyado ko na tuwang tuwa sa kanya nagtataka din dahil wala ang presensya nya. In the first day. I'm so relieved that she didn't grace me her presence, nakapagtrabaho ako sa maghapon ng walang umiistorbo , walang makulit na laging tumatawag sa phone ko , sa landline sa shop o kahit sa bahay. She's that kind of girl that will annoy the hell out of me. But in the second day , I find my self looking at the entrance of the shop ,or glancing at my phone whenever it beeps. Hindi ko man aminin sa sarili ko, I'm beginning to ask my self where is she? Siguro natauhan na, nanawa na sa walang tigil n’yang pangungulit. When I ask Chelsea about her friend ,she's also confused ,wala rin daw itong nabanggit sa kanya at nabalitaan na lang na nagfile ng leave. That's new , dahil lahat ng balak ni Bianca especially when it involves me ay pinagmamalaki nitong sinasabi sa kaibigan. "Wala naman s'yang nababanggit na problema , well kung problema man yung pagkakagusto n'ya sayo ,iyon lang naman ang madalas nyang ireklamo." Chelsea smile faltered. Hindi rin kase ito kino-contact ni Bianca. "So it's my fault now?" Kunot noong tanong ko. Bahagyang nanlaki ang mata n'ya bago pinisil ng mariin ang ilong ko, kaya napadaing ako. "Wala akong sinasabi ah. " "Tss , if I know ..nagpapansin na naman yang kaibigan mo. She's using a new way this time, she really sucks." I mumbled while sipping my coffee. Although in the fits of my conscience , its the other way around. And the irritating part is, I'm getting affected. Napabuntong hininga ako ng makitang masama ang tingin sa akin ni Chelsea. "Fine , I'm sorry." Sabi ko bago hinalikan ang noo n'ya. "Lilitaw din yang kaybigan mo. She can't resist ....you ,you know." Muntik ko nang masabing me. "Tigilan mo na kase ang pagsusuplado kay Bianca. You're words are hurting her , lalo na at alam mong gusto ka n'ya. You used to be nice at sweet to her before." "Yeah..until she freaks me out. If she really loves me she'll respect us." Sumandal ako sa silya tsaka ko pinagsalikop ang braso sa dibdib ko, magsasalita pa sana ako ng biglang magring ang cellphone nya na naka patong lang sa mesita. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang si Gibson ang caller. Gibson is one of my friends , but we're not that really close , and if my memory is right tatlong beses palang sila nagkakilala ni Chelsea. Noong ipakilala ko s'ya sa mga kaibigan ko, noong birthday ng mommy ko ,at noong birthday party ko. Lalong nagsalubong ang kilay ko ng i-decline ni Chelsea ang tawag. "Si Gibson ba yan na kaibigan ko?" Tanong ko na. Why is he calling her in the first place , I'm not doing that in my friends girlfriends. "Yeah ," Alanganing sagot ni Chelsea, bago ngumiti. "I..I was asking him the last time kung, ..kung OK ba kayo ?" "Why?" Nagtataka kong tanong ulit. Were not best buddies , and we're not that close, but we are civil to each other. "Para kasing cold kayo sa isat isa. " Naiilang na sabi n'ya. Napailing iling na lang ako. I tilted her chin and smack a kiss on her lips. "We're not really close unlike my other friends , but we're good tho." Bianca's POV Mariin kong tinakpan ng unan ang mukha ko tsaka ako impit na sumigaw ,bago nagpapadyak sa Inis. Gustong gusto ko ng tawagan si Joseph kaso pigil na pigil lang ako. Nagkakasya na lang ako sa mga stolen pictures n'ya sa nasa kwarto ko. Gusto ko ng bumalik ng Manila pero pinapangatawanan ko ang desisyon ko na dumistansya na lang muna at magburo dito sa Mindoro. Tama si Minda, I need some space. At ngayung malayo ako kay Joseph at Chelsea tsaka ko unti hunting nare-rialize kung gaano ako kalaking tanga. Lahat naman natatanga sa pag-ibig I'm aware of that. People do whatever they want ,even if it's beyond imaginable and out of reasons. At ngayon, naiisip ko na ..I'm putting Joseph in shame most of the time. I'm being selfish , arrogant and self centered. He clearly love Chelsea , kahit masakit iyon ang totoo. He never look at me the way he looked at her. I pushed him to the limits na umaabot sa puntong nasasaktan n'ya na ang damdamin ko, naka-ka-pagbitaw s'ya ng salita out of frustration and annoyance. I love him, I really ,really ,honestly do. I want to fight for it harder , but the harder I tried the more he slipped away. My love was suffocating him, I can tell. Kapag binabalikan ko sa ala-alam ko ang mga pinaggagagawa ko , kung dati proud ako sa sarili ko, ngayon gusto kong pukpukin ng maso ulo ko. I'm such an i***t. No wonder he don't spare me even an ounce of affection. I'm a terrible person. But I love him first... Katwiran ko sa sarili. Before Chelsea there was me. Was. There was. Napabalikwas ako ng bangon , how did I end up like this? Napatitig ako sa litrato n’yang na nakadikit sa dingding ng kwarto ko. Tama bang pakawalan ka na? But I'm Bianca ...I never say no. Tell me Joseph , how? How can I let this feelings go?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD