KABANATA 2

1129 Words
"Hi Joseph.." Bungad ko sa aking pinakamamahal na soon to be boyfriend. Oo soon to be , dahil kahit in a relationship na sila ni Chelsea hindi ko s'ya susukuan. Kapal na ng mukha ,oo makapal pa sa aspaltadong simento. Ganyan ako pagdating kay Joseph. Naiiwan sa banyo lahat ng hiya sa katawan kasama ng mga libag kong nahilod. Kung gaano kaganda ang ngiti ko ay s'ya namang simangot ni Joseph ng mabungaran ang mukha ko. Hindi naman s'ya ganon sa akin dati. Pero nung ipakita ko at paulit ulit kong sabihin sa kanya ang aking pagsinta lalo na sa harapan ng best friend ko ay nag bago si Joseph. Bastos daw ako. Nasaktan ako pero kiber lang, kaysa naman makipagplastikan ako ,at least alam ni Chelsea at lalong lalo na s'ya na mahal ko s'ya. "What do you want ?" Bored na tanong nya sa akin. Kinurap kurap ko lang mga mata ko ,nagpapacute kahit na mahapdi sa magdamag na trabaho sa call center. "You." Kompiyansang turo ko pa mismo sa kanya. Napabuntong hininga naman si Joseph , humuhugot siguro ng pasensya sa akin. "Well sorry to say , I'm not available , and even if I'm ,you can't have me." Parang tinusok ng aspile puso ko ,pero hindi ako nagpahalata na sa mga ganong sagot n'ya ay nasasaktan din naman ako. Akala n'ya yata niloloko ko lang s'ya. Akala n'ya yata , nakikipagkompitensya lang ako kay Chelsea. "Ikaw talaga ang sweet mo sakin , kaya in love na in love ako sa iyo eh." Napapanganga namang tiningnan n'ya ako. "You're impossible." Sabi n'ya sabay talikod sa akin. Pero bago pa s'ya makahakbang patungong sa baking area nila ay nahatak ko na ang likurang damit n'ya. Hindi maipinta ang mukha n'ya ng balingan ulit ako. "What now?" "Order ako ng cake." Nakangusong sabi ko. "Madaming mag-a-assist sa'yo." Mariing sabi n'ya. Napahigop ako ng hangin , wala naman akong ketong para iwasan n'ya. Pakiramdam ko nanubig ang mata ko , inaantok na kase ako sa puyat, jowks, syempre nagdadamdam ako. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa sapatos ko. Baka sabihan na naman n'ya akong nag-i-inarte. "Ano bang o-orderin mo?" Natitigilang napatingala ako sa kanya , malumanay na ang boses n'ya. He even look sorry for the way he acted. Napangiti tuloy ako ng bongga. "Ano bang latest creation mo?" Excited kong tanong. Mahilig ako sa sweets unlike Chelsea dahil conscious sa figure n'ya. "Nutty mocha and caramel cake." Itinuro n'ya yung cakes na nakadisplay sa glass stand. Sa itsura pa lang pak na pak na. "Caramel glazed iyan ,mocha naman yung cake ,and it has almond nuts and cashews on top." Paliwanag n'ya dahil hindi naalis ang tingin ko doon. "Mukhang....masarap." Alanganin kong sabi na ikinataas ng kilay nya. Allergic ako sa nuts at hindi n'ya iyon alam. "My Mom's recipe actually. Ako lang ang sumubok ilabas. Sit there." Turo nito sa isa sa mga tables na bakante that time. "I'll give you a taste test." Napamulagat ako. Kinabahan na , pero pinilit ko pa ring ngumiti. "Ano, pwedeng take out na lang?" Nanantya ang tinging ipinukol sa akin ni Joseph , kahit gustong gusto kong sabakan ang bago nyang cake hindi ko magawa. "Ano, hehehe ..inaantok na kase ako. Bibili na lang ako ,I'm sure naman na masarap yan. Lahat naman ng cake mo masarap eh. " "Are you sure?" Tanong pa n'ya matapos akong suriin ng tingin. "Oo , he he." Nagtataka man sa ikinikilos ko ay inutusan na rin n'ya ang isa sa mga staff n'ya at ipinakahon ang cake na iyon. Lumapit na ako sa cashier at binayaran iyon , nilingon ko ulit si Joseph na naka sunod pala ang tingin sa akin kaya parang palakang patalon talon sa tuwa ang puso ko. Magiliw ko s'yang kinawayan bago nag I love you at nag flying kiss pa ,bagay na ikinasimangot na naman n'ya, samantalang naghahagikgikan lang ang mga tauhan n'ya na sanay na sa akin. Para akong nabunutan ng tinik ng makalabas ng cakeshop/bookshop n'ya. Ibinaba ko pa ang tingin ko sa dala dala kong box ng cake. Sayang namang kulang isang libo din iyon pero hindi ko makakain. Di bale, na kasama ko naman kahit sandali ang Joseph my loves ko. Joseph's POV "Hi baby, " Hindi pa man tuluyang nakakalapit si Chelsea sa akin ay tumawag na n'ya ang pansin ko. Her hips are swaying seductively while she's gracefully walking. I can't help but to compare her to her best friend Bianca. They're like poles apart kaya minsan naiiisip ko, how on earth they became best of friend when they're totally opposite in every aspects? "Hey," I gave her a smack kiss ng makalapit s'ya sakin. She instantly smile and put her arms around my neck, and gave me little kisses on my face. Natatawang inihiwalay ko ang sarili ko sa kanya. This is what I like about her. She's comfortable with me, and she's not shy enough to show how much she love me. "How's work?" Tanong ko marapos ko s'yang igiya sa kalapit na mesita. "Gaya pa rin ng dati. Boring." Nakasimangot na sagot n'ya. Inabot ko naman ang kamay n'ya at nilaro ang singsing doon. Nakapangalumbaba nya naman akong minasdan. "I'm hungry baby." Nakangising sabi n'ya. I can't help but to pinch her cheeks , she's too cute whenever she do that. "Want some cake?" Sabi ko kahit alam kong hindi n'ya naman gusto. Sa isang taong pagiging magkarelasyon namin , mabibilangvko lang sa daliri ang oras na napkain ko sya ng cake. Unlike Bianca na masiba sa kahit na anong pagkain. "Of course you don't.." Natatawa kong bawi ng paningkitan nya ako ng mata. Sa huli pina-order-an ko na lang s'ya ng pagkain na ayon sa gusto n'ya. "Bianca came here ,kanina." Balewalang nagkibit balikat lang s'ya habang tumitipa sa cp nya. "Aren't you threatened?" Inilapit ko ang mukha ko , mukhang nagulat s'ya dahil agad n'yang itinaob ang cp n'ya. "Why would I?" Tanong n'ya ng makabawi. "Because she's persistent ? She can't move on , minsan iniisip ko pinagtitripan na lang ako kaibigan mo. " "Bianca likes you more than you'll ever know, oh wait , the proper term is love. She loves you that's why she can't give up easily." "And thats okay with you?" "Well I respect her feelings , kaibigan ko s'ya and I'm also a woman so I know how it feels. If she's persistent , well I'm consistent about us. "You love me , and I love you. That's more than enough for me not to be threatened." I leaned in closer to her not minding the table that separates us. She instantly move closer at sinalubong ang halik ko. Now , how can I not be lucky with her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD