Para akong nagising sa isang panibagong bangungot nang sa pagmulat ko ng aking mga mata ay ang ingay sa labas ng kwarto ang nagpa-gising sa akin. Nalito pa ako kung nasaan ako, at gayon nalang ang kaba ko ng maisip ang nangyari kagabi. Kasabay ng marahas na pagbukas ng pintuan ay ang boses na iyon na parang malamig na tubig na tuluyang nag-palinaw sa diwa ko..
“No! Malinaw ang nakita ko! She's naked and so are you! So tell me? Tell me Joseph! Did you two spent the night with each other? Did you do it with her? ”
Tiim ang labi at kunot-noong tinitigan ako ni Joseph ng mapaling sa kanya ang paningin ko. Marahas n’yang inihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha. Pagkalito, galit, at hindi pagkapaniwala ang luma-larawan doon. Ilang beses akong napalunok puro hindi ko magawang magsalita. Kinakain ng kaba ang dibdib ko.
“I want to say that I don't know what happened. But it's not the case Chelsea. I can't completely remember what really happened last night, but I know I f****d up. "
Halos pakiusap ni Joseph kay Chelsea.
Lumampas ang tingin ko sa kanya at natuon kay Chelsea na nasa bungad ng pintuan. Mataman n'ya akong tinitingnan ,nanliliit ang mata n'ya sa galit. Nilabanan ko ang tingin niyang iyon ng ganoon din o mas higit pa.
“Hindi mo ba naalala?”
Panimula ko. Kumuyom ang mga kamay ko at ng tingnan ko si Joseph ay mukhang inaalala n'ya kung ano ba talaga ang nangyari kagabi gayung obvious naman.
“Ikaw ang tumawag sa akin Joseph ,magkasama tayo dahil hiniling mo na puntahan kita. Hiniling mo na samahan kita dahil wala na naman si Chelsea para samahan ka sa oras na nais mo. Bakit hindi mo s'ya tanungin kung nasaan s'ya?”
Muli ay ibinaling ko kay Chelsea ang atensyon ko. Nanlaki ang mata n'ya, at bago pa ako muling makapag-salita ay mabilis na nakalampas si Chelsea kay Joseph. Dumapo ang kamay n'ya sa pisngi ko na halos makapag pamanhid sa akin.
“Ang kapal ng mukha mo! Sasamantalahin mo ang pagkakataon para ako ang magmukhang may kasalanan? Para ako ang magmukhang masama?”
Duro n'ya sa akin. Halos umawang ang bibig ko sa hindi pagkapaniwala. Sasampalin pa sana n'ya akong muli ng pigilan ito ni Joseph at hilahin sa tabi nito.
“Stop it!”
“Hindi mo ba nakikita? Naghahanap lang ng tamang pagka-kataon ang babaeng yan para masolo ka n'ya. May motibo s'ya para gawin iyon! She likes you since God knows when! At ngayong may pagkakataon s'ya..bakit nga hindi ...at agawin ka n'ya sa akin!”
“Anong sinabi mo?”
Pakiramdam ko kahit halos hubad ako ay nag-init ang buong katawan ko. Pakiramdam ko nangapal ang mukha ko. Natutok ang mata ko kay Chelsea. Daring her to speak further, dahil nasisiguro ko anumang salita ang lumabas ngayon sa bibig n'ya ay pagsisihan n'ya.
Kitang-kita ko ang bahid ng takot at alinlangan sa mga mata n'ya, pero pilit n’yang pinagmukha na s'ya nga talaga ang api ng mga oras na iyon. Oo, marahil nga mali ako sa pagkakataong ito. I change my mind, mali na kung mali pero hindi ko hahayaang patuloy n’yang lokohin si Joseph. Ako na ang gagawa ng paraan ..maghiwalay lang sila.
“Bianca.”
Nag-ba-bantang pigil sa akin ni Joseph ng marahil ay mapansin niya na susgurin ko ang girlfriend niya. Naglapat ang labi ko sa inis.
“Lasing na lasing ka kagabi. Tinawagan mo ako, sabi mo kailangan mo lang ng makaka-usap. Sabi mo, Chelsea made you wait but she never show up. Kayo dapat ang mag-kasama kagabi ,but since she decided to ditch you again ..”
Pinahid ko ang luhang nalaglag sa aking pisngi. Tanging kay Chelsea ako nakatingin habang sinasabi ko iyon. Awang ang labing nakatitig lang din s'ya sa akin. Alam kong hindi n'ya sisiputin si Joseph dahil si Gibson ang kasama n'ya ng mga oras na iyon, sa isiping itutuloy pa rin n'ya ang engagement habang nakikipag-kita sa ibang lalake ang nagtulak sa akin na gawin ito ngayon. Ang ipamukha sa kaibigan ko bakit ito nangyayari ngayon. God forgive me for what I did, and I hope Joseph will forgive me too for what I'm going to do after.
“Lasing ka na nung abutan kita. Inaya na kitang umuwi pero ayaw mo, sabi mo maghi-hintay ka pa kahit ilang sandali pa. Sinamahan kitang uminom. You said I can be a very loving girlfriend..You said I'm beautiful. You said if I was only her..”
“You're lying..”
Hindi makapaniwalang sabi ni Chelsea ,na-na-natili namang tahimik si Joseph but I can feel his eyes boring holes into me. Ayokong tumingin sa mga mata n'ya. Ayokong makita ang parang patalim na titig n'ya.
“Hindi ko kayang magmaneho kaya nagpatawag nalang ako ng taxi. Hinatid kita dito sa condo mo. I made you coffee para mahimasmasan ka. But you accidentally spill it on me ng sundan mo ako sa kitchen. Kailangan ko bang tanggalin ang kumot na ito na para makita mong namumula pa ang balat kong napaso ng mainit na kape? Can't you remember, putting ointment onto it? "
Naglakas-loob akong tumingin kay joseph. Salubong na salubong ang kilay niya sa akin na halos mag-isang linya na.
" Can't you remember that you kissed me too?"
Dagdag ko pa.
“You take advantage of the situation. Is that what you are trying to say? Oh no. That's really what you did."
Gigil na sabi ni Chelsea. Sinalubong ko ang nag-aakusa n’yang mga mata.
“It was my first time to be kissed. And I love him, I love him to the point of giving my self to him..hindi ko sinamantala ang pagka-kataon. Because just like you ,it was that moment that my heart overruled my head..”
Hindi nakasagot si Chelsea. Paulit-ulit lang s'yang umiling hanggang sa unti-unting umalpas ang luha sa mga mata n'ya. Somehow I feel that she's right..yeah she's right. Sinamantala ko ang pagka-kataon, and I feel the guilt build up as I look at them. Chelsea with her pained expression, at si Joseph na parang nakarinig ng deaththreat.
“We had s*x Chelsea if that will make it more easier for you to understand. “
I almost choked a sob.
I'm sorry, I'm so sorry.
" Iyon ang paulit-ulit na binibigkas ng utak ko.
“You..”
Sinubukang magsalita ni Chelsea pero napahagulgol nalang ito ng iyak tsaka dire-diretsong lumabas ng kwarto pero hindi pa man s'ya tuluyang nakakalabas mula sa pinto ng bumangga s'ya kay tita Mercedes. Walang emosyong tiningnan lang s'ya nito bago inilipat sa amin ni Joseph ang pansin. Gaano na kaya s'ya katagal doon. Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi namin napansin?
“Both of you. Fixed your selves. Maghihintay ako sa sala.”
Tanging sabi ni tita Mercedes matapos makaalis ni Chelsea. Nang tumingin s'ya sa akin ay mabilis akong nagbaba ng tingin.
“Goddamnit!”
Galit na bulaslas ni Joseph na nakapag-papitlag sa akin. Sunud-sunod ang buntung-hininga n'ya na para bang kinakalma ang sarili. Gusto kong manliit at lumubog sa kinauupuan ko ng mapansin kong doon s'ya nakatingin sa mantsa ng dugo sa bedsheet. Ngayon ko lang din iyon napagtuunan ng pansin.
Para akong sinuntok sa dibdib ng walang kibong talikuran ako ni Joseph at iwanan mag-isa sa kwarto n'ya. Ano pa nga ba ang ine-expect ko? Na lalapitan n'ya ako at aaluin? Tatanungin kung okay lang ba ako? Dahil bukod sa pisikal na sakit ng katawan, hindi ko alam kung okay ba talaga ako. Ginusto ko ito, wala akong karapatang mag-inarte na para bang ituturing n'ya akong prinsesa dahil lang may namagitan sa amin.
Iginala ko ang mata ko sa paligid ng kwarto sa pag-asang naroroon ang damit ko. Pero gumapang ang hiya sa katawan ko ng maalala kong marahil ay naroroon iyon sa sala o sa kusina at marahil ay nakita na iyon ng mommy ni Joseph. Perhaps mine and Joseph's clothes are everywhere. Paano ako haharap kay tita Mercedes? Nakatapi pa din ng kumot? Tumayo ako para lang muling mapaupo ng maramdaman ko ang sakit na gumuhit sa pagitan ng mga hita ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam at sensasyon doon. Ngayon ko mas nararamdaman ang sakit ng katawan lalo na sa bahaging iyon ng pagka-babae ko.
“Wear that.”
Halos mapatalon ako sa gulat ng ihagis at malaglag sa kandungan ko ang damit.
“Take a warm bath. It will do good for you. Nasa baba lang kami ni mommy.”
Hindi ko nagawang makasagot, dahil hindi rin naman n'ya ako binigyan ng pagkakataon para makasagot. Kung gaano s'ya kabilis na sumulpot ay ganoon din s'ya kabilis na nawala.
Ang plano kong kalimutan ang lahat pagkatapos ng isang gabi sa piling ng taong minamahal ko ay na-uwi sa mas komplikadong sitwasyon.
Sinubukan kong pakalmahin ang nanginginig kong katawan. Ang takot, hiya, galit at emosyong pilit na nais kumawala sa dibdib ko ay nag-halo-halo na, sa puntong hindi ko alam kung ano ang mas dapat manaig.
Anong mukha pa ba ang maiha-harap ko kay tita Mercedes?
Ano na ang iisipin niya.. Sa akin at kay Chelsea?
At higit sa lahat si Joseph.