KABANATA 11

2395 Words
“Care to tell me what happened?” Basag ni tita Mercedes sa katahimikan. Nakatayo si Joseph sa gilid ng divider sa sala habang hawak ang isang shot ng scotch. Ang aga pa masyado pero alak agad ang hawak n'ya. Wala ni isa man sa.aming dalawa ang nakapag-salita. “Bakit ko pa nga ba itatanong eh sapat na ang narinig at nakita ko para malaman kung ano ang nangyari. So let me change the question instead. Ano na ang binabalak mong gawin Joseph?” Kunot-noong napataas ng mukha si Joseph mula sa pagkakayuko n'ya, habang nag-iwas naman ako ng tingin ng dumako ang mga mata n'ya sa akin. Para akong mawawalan ng ulirat, kahit nakaupo ako ay nanlalambot ang pakiramdam ko. Hindi ko magawang pag-normalin ang malakas na kabog ng dibdib ko kahit ilang beses na akong humuhugot ng malalim na hininga. “Mom, Chelsea is my girlfriend..And soon my fiancé.” Para akong binagsakan ng bomba sa walang tahasang sagot na iyon ni Joseph. Pakiramdam ko kumawala na ang puso ko sa dibdib ko. “At ano mo si Bianca? Chelsea is your girlfriend? Then who is Bianca to you?” May diing tanong ni tita. “Mom, let me and Bianca talk first please?” “No Joseph. Sa paraan ng mga naging pagtrato mo kay Bianca do you really think you can convince me that you can have a descent talk with her? I know how rude you can be.” “Then what do you want to hear from me? My thoughts and memories from last night are still blurred and jumbled up in my head. I can't even think straight right now.” “Then fixed your damned thoughts Joseph! Hindi ikaw ang agrabyado dito kundi s'ya!” Turo sa akin ni tita. “Ikaw pa itong feeling na na-corner? Have you even think of what she is feeling right now?” “Mommy it's just s*x!” Naiiritang tugon ni Joseph na parang isang timba ng nag-yeyelong tubig na bumuhos sa akin. Nanlaki ang ulo ko sa sinabi n'ya kasabay ng pagka-pahiya. Sana'y bumuka ang lupa at kainin nalang ako sa kina-uupuan ko. Kinagat ko ng mariin ang labi ko sa pathologic ng luha. Ang sakit..masakit palang marinig sa kanya. “Tita!” Napatayo ako ng damputin ni tita Mercedes ang box ng tissue paper sa harapan n'ya at ipukol iyon kay Joseph. Tumama iyon sa dibdib nito ,pero mukhang hindi pa kuntento ang mommy n'ya dahil aabutin pa sana nito ang mga magazine na maayos na nakasalansan sa ibabaw ng mesita. Mabilis kong pinigilan ang mga kamay ni tita Mercedes na nanginginig sa galit. “I didn't raised you to be a piece of crap ! Hindi ka namin pinalaking bastos ng daddy mo! You will never say that again to my face or I swear from your father's grave Joseph! “ “Tita tama na po..” Tuluyan na akong naiyak habang yakap-yakap ko s'ya. Hindi ko akalaing mauuwi sa ganito ang pag-uusap na ito. “You can have s*x to anyone and anywhere you like. You are old enough to know what you're doing, pero ang idahilan mo na s*x lang iyon habang kaharap mo ang babaing magdamag mong kainig ! Habang kinuha mo sa kanya ang isang bagay na bukod tanging ma-i-aalay nya sa taong mamahalin at makakasama n'ya habang buhay ay isang malaking insulto Joseph! Hindi mo binayaran ang puri n'ya! Nakuha mo iyon ng libre at walang hirap! Kusang isinuko sayo! If you wanted to get away from the mess you created then act like man.” Lalo akong napahagulgol sa mga sinabi ni tita Mercedes. Wala akong maisatinig dahil nagbabara na ang lalamunan ko. Tahimik naman ang anak n'ya. Para ngang nakikipag usap lang si tita sa pader. “I'm so disappointed of you. I hope Miguel will rise from his resting place and teach you a lesson. Don't you dare talk to me again if what's coming from your mouth are all nothing but, from that air head of yours. " Sambit ni tita matapos ang ilang minutong katahimikan. Naramdaman ko nalang ang paghila n'ya sa akin paalis. “Come with me, bago pati ang natitirang dignidad na mayroon ka ay mawala pa sa iyo.” Sabi n'ya habang hila-hila ako. Naglakas loob akong lingunin si Joseph pero nanatili lang s'ya sa pwesto n'ya. Hindi ko mabasa kung ano ang emosyon n'ya dahil kung mayroon man s'yang nararamdaman ay nasisiguro kong pagkasuklam iyon..para sa akin. “Inumin mo ito hija.” Iniabot sa akin ni tita Mercedes ang isang tasa ng tsaa. Nanginginig ang katawan ko sa halo-halong emosyon. Gusto kong magsisi sa nagawa ko, kasalanan ko kung bakit ako nasa sitwasyong ganito, pero bakit nasasaktan pa rin ako sa naging resulta? “Huwag mong alalahanin si Joseph, akong bahala sa kanya. Hindi ako papayag na hindi ka n'ya papanagutan.” “Tita..” Gulat akong napa tingala sa kanya. Paano mangyayari iyon eh sa naging reaksyon palang ni Joseph kanina malinaw kung hanggang saan lang talaga ako. “Gusto ko lang malaman Bianca. Ginawa mo ba ito para mailayo si Joseph kay Chelsea? O naobliga ka nang sabihin ko sa iyong tulungan mo ako na malaman ni Joseph ang tungkol sa kataksilan ng kaibigan mo?” Natameme ako sa sinabi n'ya. Inaamin ko na plano ko talagang magkalabuan si Chelsea at Joseph pero wala sa hinagap na gamitin ko ang sariling katawan ko para akitin si Joseph. Ang nangyari kagabi ay isang bagay na hindi ko pinagisipan. Puso ko ang nasunod ,sinunod ko ang kagustuhan kong makasama s'ya kahit sa gabi lang na iyon. “Hindi po tita. Totoo’ng ayaw kong matuloy ang engagement nila, pero nagkataon lang po talaga na nangyari ang nangyari kagabi at pumunta si Chelsea sa pad ni Joseph. Hindi ko po gustong sa ganitong paraan..” Naputol ang pagsasalita ko ng gagapanin n'ya ang kamay ko at bahagyang pisilin. Nagulat pa ako ng may ngiti pa s'ya sa labi. “Mahal mo lang talaga ang anak ko kaya nakalimot ka. Kung sana'y nakikita n'ya kung gaano mo s'ya kamahal.” “Hindi ka po galit tita?” “Nabigla ako pero, bakit naman ako magagalit sa iyo? Ang naka-ka-pagtaka lang, bakit parang apektadong-apektado pa ang kaibigan mo eh s'ya nga itong may milagrong ginagawa behind my son's back? “ “Hindi ko naman po s'ya masisisi.” Malungkot kong tugon. Sa tuwing sasagi sa balintataw ko ang imahe ni Chelsea habang buong pait at nakalarawan ang sakit habang nakatingin sa akin ay nakokonsensya ako. May parte sa akin ang nagsasabing hindi ako dapat malungkot, pero may parteng nasasaktan din dahil hindi pa rin tama ang nangyari. “Well, she certainly got the dose of her own medicine. Hindi ko din talaga alam kung matutuwa ba ako o makikisimpatya sa kanya. But to be honest with you, I'd rather chose you instead of her.” Nang araw na iyon hindi ako pinayagang umuwi ni tita Mercedes, instead pinagamit n'ya sa akin ang guest room. Natapos ang pag-uusap namin sa sinabi n’yang hindi s'ya papayag na hindi ako papanagutan ni Joseph na sa totoo lang ay ikina-kaba ko ng husto. Lalo lamang s'yang magagalit sa akin. Lalo lamang n'ya akong kasusuklaman, pero bakit may malaking bahagi ng puso ko ang umaasa na sana, sana sa pagkakataong ito ay maging akin s'ya… “Wake up.” Nagising ako sa boses na iyon, pero lumipad yata ang diwa ko kasabay ng biglaang pagkahilo ng pwersahang ibangon ako ni Joseph buhat sa pagkakahiga ko. Isang linggo s'yang hindi nagpakita at heto s'ya ngayon sa loob ng kwarto ko sa apartment. Hindi ko alam kung paano s'ya nakapasok, pero hindi iyon ang labis na bumahala sa akin, bagkus ay ang galit na nakabadha sa mukha n'ya. Sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taong pangungulit at pagiging sakit ng ulo sa kanya ay ngayon lamang ako nakaramdam ng takot. “J..Joseph.” Mabilis kong inabot ang tuwalya sa silya malapit sa kama ko at ibinalot iyon sa aking bewang, hindi nakalampas sa akin ang paghagod n'ya ng tingin dahil naka-panty lang ako sa ibaba bagaman nakasando naman ako. Kumunot ang noo n'ya pagkatapos ay napailing. “Why are you doing this Bianca?” Frustrated na tanong n'ya sa akin. “Anong ibig mong sabihin?” “This!” Galit n’yang iniharap sa akin ang folder na hindi ko namalayang hawak n'ya. He shove it to my chest and I quickly grab it bago pa iyon malaglag. Kulang ang salitang gulat dahil halos malaglag ang panga ko ng makita at mabasa ko ang nilalaman ng folder. “Nagpa-plano akong kausapin ka, to settle things about us..pero ano yan? Are you really trying that hard? Even to the extent of using what happened between me and you just to get what you want ? Is that it?” Hindi ako makasagot, dahil hindi ko din alam kung ano ang sasabihin. Muli kong pinahapyawan ng basa ang nasa unang pahina ng folder. Swore statement iyon na nagsasaad ng nangyari ng gabing magkasama kami ni Joseph. May pirma ko at pirma ng isang abogado. Kung paanong may pirma ako doon ay hindi ko alam. Pero ang higit na nakapag-pagimbal sa akin ang ang medico legal bilang ebidensya sa “rape” na ikakaso ko umano kay Joseph sa oras na hindi s'ya makipag-usap sa akin sa nakatakdang petsa doon, which is ang araw ngayon. “Rape? Seriously?” Natatawa, naiinis, nagagalit, nauubusan ng pasensyang halos sabunutan ni Joseph ang sarili n'ya. Halos mapatalon pa ako sa gulat ng sunggaban n'ya ako sa balikat, mahigpit ang mga kamay na naka-kapit doon. Bahagya n'ya akong niyuko upang magpantay ang aming mukha. “What do you want? Why are you doing this to me Bianca? Why can't we just settle things on our own? What are you trying to prove of? Na mapaghihiwalay mo kami ni Chelsea? Congratulations you just did it. I broke up with her..happy now? What else? What else do you want!!?” Sigaw n'ya sa harap ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, wala na sila? Hindi ako papayag na hindi ka n'ya papanagutan. Ito ba ang ibig sabihin ni tita Mercedes? Siya ba ang nasa likod nito? Pero parang sobra naman yata ang plano n'ya? “Marry me.” Bago ko pa mapag-isipan ay lumabas na iyon sa bibig ko. Tigagal namang napatitig sa akin si Joseph. Hindi ko na mababawi pa ang sinabi ko. “You are insane..” Napangiwi ako ng makita ko ang pag-galaw ng panga n'ya, ang ugat na unti-unting bumabakat sa makinis n’yang mukha. Pulang pula din ang mukha n'ya sa galit, pero nanatili ng tikom ang labi n'ya. Hindi ko matagalan ang nang-huhusga n’yang tingin na para bang ,ako na ang pinaka-masamang nilalang ng mga oras na ito. Mapait akong napangiti bago itinuon ang aking pansin sa aking mga paa. Hindi ka pa ba sanay? Nanunuyang sabi ng boses na iyon sa isipan ko. Bakit nga ba hindi pa ako nasasanay? Hindi ba't hindi naman talaga maganda ang tingin n'ya sa akin? Hindi ba't tanging nararamdaman lamang ni Chelsea ang mahalaga para sa kanya.. “Maybe..I'am. Tama naman siguro iyon hindi ba? Tama naman siguro na panagutan mo ako? After all may nangyari naman sa atin..What do you want me to say? What do you expect? Pera? I'm not a prostitute. Hindi ako babaeng madadaanan mo lang o mapipick-up sa club para i-kama at bayaran para sa magdamag na serbisyo at pagpapaligaya .” God I'm pathetic. Hindi ko maiwasang maiyak. Naa-awa ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, ga-hanip nalang ang tingin n'ya sa akin. “Don't you think you are more than that?” Nanunuya niyang sabi. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Sobrang init ng mukha ko. Para akong sinampal sa sinabi n’yang iyon. “You are basically manipulating me, forcing me to marry you. Prostitutes knew where they stand and they're not expecting anything but money. But you? I really thought you've change Bianca. I really thought that we can be friends and accepted that I can't return your godamn feelings. But here you are scheming for a bigger picture.” His words are knife to my already dying heart. I can't find the words to defend my self cause somehow he is right. I'm using the opportunity to have him. Gusto kong sabihing mahal ko s'ya kaya nagawa ko ang nagawa ko pero alam kong mababaw na dahilan iyon. Wrong is wrong even if it's for the sake of being in love. I knew that pretty well ,but I'm Bianca and Bianca’s motto is “all is fair in love and war”. He may hate me for eternity but I can't afford to lose him now. Before I can even speak, he took the folder I'm holding. Kinuha n'ya ang mga papel at pinag-punit-punit. Nagsimula akong makaramdam ng panic. Is this his way of saying no? Pero halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko ng hablutin n'ya ang tuwalyang nakapulupot sa akin palapit sa kanya kaya halos bumangga ako sa katawan n'ya. “I hate you so damn much Bianca..just so you know.” Napapikit ako sa sakit na lumukob sa puso ko, kasabay ng malayang pagbalong ng luhang muling naglandas sa aking mga pisngi. It hurts..a lot. What I wanted to hear is him saying how much he loves me. Bago pa ako mapahagulgol ulit sa pag-iyak ay nabitin iyon sa aking lalamunan. He claimed my lips with a punishing kiss. I'm crying while he's kissing me with anger ,not the kiss that I romantically imagine how it supposed to be. When he stopped he immediately step backwards away from me. I can feel his gaze but I'm too weak to pay anymore attention. It feels like he sucked my life away from me with that kiss. “You won Bianca. I'll marry you.” He said before he turn his back and leave me. I collapsed on my knees while the pain hit me over and over again. I won just like what he said, I can have him finally, he'll marry me and I should be happy. But who am I kidding? 'coz I knew deep inside that I'm the sore loser here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD