**Joseph's POV ** Sinenyasan ko ang technical team na i-open ang ilaw. Umahon ang galit sa dibdib ko ng sa pagbaha ng liwanag ay makita ko si Chelsea. She is well dressed from head to toe. Nang ibaling ko naman kay Bianca ang aking paningin ay parang may bumigti sa puso ko. Gulat, pag-kalito at sakit ang nakalarawan sa kanyang magandang mukha. Mula sa lupon ng mga bisita at empleyado ng kumpanya ay lumitaw sina Gibson at Olivia na kaagad lumapit Kay Chelsea. Bumaba ako sa stage, at habang hawak ni Gibson sa braso si Chelsea na nagpupumiglas ay lumapit ako. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nag-ngalit ang ngipin ko galit nang abutin niya ang dibdib ko at humaplos pababa ang kamay niya doon. Tinapik ko ang kamay niya palayo sa akin subalit ngumiti lamang siya na para bang balewala

