"Ikaw talaga, wala na kong mukhang ihaharap kay Harry dahil diyan sa kadaldalan mo!" sita niya kay Amy kinabukasan.
Kunwari ay nagtaka pa talaga ito nang lapitan niya nang umagang iyon. Mabuti at wala pa si Harry.
"Anong bang ginawa 'ko?" tanong pa ni Amy.
"Kung anu-anong sinasabi mo kay Harry! At sinong nagsabing nagseselos ako sa Sidney na iyon?"
"Hindi mo nga sinabi pero obvious naman na nagselos ka kahapon kay Sidney."
"Tatahiin 'ko na talaga 'yang bibig mo kapag di mo pa tinigilan ang kakaintriga sa akin at kay Harry. At hindi ako nagseselos sa babae na 'yon!"
"Eh, di hindi," sarkatiskong sagot ni Amy sa kanya. At nakuha pa talaga nitong matawa?
Samantalang siya ay hindi malaman kung paano ipapaliwanag kay Harry ang pinagsasabi nitong kaibigan niya. Kulang ang salitang gulat nang marinig ang sinabi ni Harry sa kanya kahapon nang pauwi na sila.
At ano raw? Gusto raw nito na nagseselos siya? Ano bang trip ng lalaking 'yon.
Hindi ma siya nakapagsalita ulit nang makitang pumasok sa classroom nila si Harry. Naiilang pa rin kasi siya rito.
"Bumalik ka na ron, hinihintay ka na ni Harry," ani Amy nang mapansing nakatayo pa rin siya roonat parang walang balak bumalik sa upuan niya.
Nioingon lang niya ito bago alanganing bumalik sa pwesto niya katabi ni Harry.
Hindi dapat mahalata ni Harry na naillang siya rito. Ayaw niyang isipin nito na totoo ang sinabi ni Amy rito.
Kaya naman nagkunwari na lang siyang parang walang nangyari at umupo sa tabi nito.
"Good morning," bati niya sa binata. Bahagya pa siyang ngumiti rito tulad ng madalas niyang gawin kapag binabati niya ito.
"Good morning," bati rin nito.
Naisip niya, kaya naman niya na makitungobkay Harry ng normal. Iyong chill lang kahit deep inside parang lalabas na mula sa loob ng dibdib niya ang puso niya.
Alam niyang kahit hindi niya aminin ay ramdam niyang may pagtingin na siya kay Harry. Basta ramdam niya na iba si Harry at importante ito sa kanya. At kung pagbabasehan naman ang mga ikinikilos nito ay gamoon din ito sa kanya.
Hindi nga ba at inamin pa nito na gusto nito na nagseselos siya. Kumbaga, ibang level na sila ni Harry. Hindi na lang iyon basta crush lang.
Kaya naman kahit na nakailang paalala na ang mama niya ay hindi niya magawang sundin ito. Nakukunsensiya dahil sinusuway niya ang bilin ng mga ito na iwasan so Harry upang maiawasan na ang gulo sa pagitan nito at ng Kuya Jake niya.
Pero ano bang magagawa niya? Nahihirapan din naman siya na iwasan si Harry.
Isa pa ay wala naman nang ginawa ang Kuya Jake niya laban kay Harry kahit na alam nito na patuloy pa rin ang kanilang pagiging malapit ni Harry.
Pero ang grupo ni Nilo, wala siyang tiwala na hindi na ito gagawa ng gulo laban kay Harry. Ang balita niya pa ay sumali rin si Nilo sa basketball team. Bukod doon, hindi nakakaligtas sa kanyang paningin ang masasamang tingin at bulungan ng mga ito sa tuwing makikita sila ni Harry.
Siya na lang ang nagsasabi kay Harry na umiwas na lang sa mga ito upang hindi na sila nito pag-initan. Alam niyang hindi takot si Harry sa mga ito lalo pa at napatunayan naman nito na kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Mabuti na lang at nakikinig sa kanya si Harry.
Bukod sa ayaw na niyang masamgkot sa gulo mas nangingibabaw sa kanya ang intensyon na ilayo si Harry sa kapahamakan.
Pero hindi niya pala mailalayo ang sarili mismo sa kapahamakan...
"Bakit naman ako ipinapatawag ni Ms. Ignacio?" nagtataka niyang tanong kay Amy nang araw na iyon. Pauwi na sila at nilapitan siya ni Amy para sabihing ipinapatawag siya ng kanilang guro.
"Ewan 'ko. Sabi lang ni June sabihin 'ko sayo." Ang tinutukoy ni Amy na June ay ang kanilang class president. Bakit hindi ito ang nagsabi sa kanya kanina?
Nagtataka talaga siya dahil wala siyang maisip na dahilan para ipatawag siya ng math teacher nila na siya rin class advisor.
Unless.... huwag naman sanang may mali na naman siyang nagawa!
"Jasmin, ano na? Baka magalit si ma'am! Dalian mo!" untag sa kanus ni Amy.
"Kinakabahan ako," sabi niya kay Amy bago binitbit ang kanyang bag.
Hindi na kumibo ang kaibigan at nagpaalam nang uuwi na. Tumango lang siya rito at pumunta sa faculty room kung saan siya hinihintay ni Ms. Ignacio.
Ngayon pa talaga siya ipinatawag kung kailan wala si Harry. Nasa practice kasi ito ng basketball ngayon at hindi pwede ang audience. Kaya naman mauuna na sana siyang umuwi.
Makulimlim pa naman at mukhang uulan pa. Kapag minamalas nga naman siya.
Dahil doon ay binilisan na lang niya ang paglalakad papunta sa faculty room. Pangilan-ngilan na lang din ang tao noon dahil uwian na at malamang ay nagmamadali na ring umuwi ang lahat dahil sa banta ng ulan.
Nang makarating ay mahina siyang kumatok. Walang sumagot kaya pinihit na niya ang seradura. Bukas naman iyon kaya itinulak na niya.
Kumunot ang noo niya nang makitang walang tao roon. Pero pumasok pa rin siya dahil ang sabi ni Amy ay hihintayin siya roon ni Ms. Ignacio sa oras ng uwian.
"Hello po?" tawag niya.
Pero sa halip na may aumagot sa kanya nagulat siya nang marinig na parang ni-lock ang pintuan sa labas.
Nag-alala siya kaya naman pinihit niya ang door knob at tila may sumuntok sa kanyang dibdib nang mapagtantong naka-lock nga iyon mula sa labas.
"Teka po! May tao pa po rito!" malakas niyang sigaw at kinalampag pa ang pinto. Baka ang akala ng security sa kanilang school ay wala nang tao doon kaya isinara. Pero hindi, naroon pa siya.
Kahit gaano kalakas pa siyang sumigaw ay tila walang nakakarinig sa kanya. Imposible naman iyon! Kaya mas lalo siyang kinabahan.
Alam na niya na may mali sa nangyayari pero pilit pa rin niyang pinalalakas ang loob. Hindi pwedeng basta na lang siyang i-lock doon!
"Jasmin," isang boses mula sa likuran niya ang nagoalingon sa kanya. Kinilabutan siya nang makilala iyon. Hindi! Hindi maaaring si....
"Nilo..." mahina niyang ussl nang makita ang lalaki.
"Ako nga my love," ngumisi pa ito sa kanya. "At huwag mo nang ubusin ang lakas mo sa kakasigaw diyan dahil wala namang tutulong sa iyo. Tayo lang ang nandito."
"Anong kailangan mo?!"
"Tsk! Tinatanong pa ba iyan? Siyempre, ikaw. Ikaw ang kailangan ko. At makukuha kita ngayong gabi, sa wakas!"
Tinambol ng malakas ang dibdib no Jasmin sa narinig na sinabi ni Nilo.
No! May balak itong masama sa kanya. At wala siyang mahihingan ng tulong dahil naka-lock silang dalawa sa kwarto na iyon.
"Harry..." tawag niya rito sa kanyang isipan. Kailangan niya ito ngayon!