“Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay Marco ng ayain niya akong lumabas. Halos isang buwan na rin mula nung sagutin ko siya at hindi niya ako binibigo dahil araw-araw pa rin niya akong nililigawan kahit na kami na. At araw-araw niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Minsan naiisip ko kung ako ba talaga ang babae na para sa kanya at kung deserve ko ba na mahalin niya? Dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Xander, lalo na at si Marco ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Xander at siya ang dahilan kung bakit ako nasaktan ng sobra. “It's a surprise babe, basta malalaman mo rin pag nandoon na tayo.” Aniya na hinawakan ang kamay ko at hinalikan. Napanguso naman ako habang nakatingin sa kanya. “Hmm, mukhang may binabalak ka na namang hindi maganda

