Marco pov “Look, Marco. Wala akong pakialam kung mapagod ka man sa paghahabol mo sa akin. Mas okay nga yun eh, para tigilan mo na ako dahil nagsasawa na ako sa pagmumukha mo na sunod ng sunod sa akin. Alam mo ba ha, para kang nakakaumay na pagkain na kahit hindi ko pa natitikman alam kong hindi ako masasarapan.” sabi sa akin. At sa bawat salita na binibitawan niya ay para itong patalim na tumutusok sa aking dibdib. Ganun ba ang tingin niya sa akin? Bakit ba kahit anong pilit ko na magustuhan niya ako ay hindi niya magawa. “Tabi nga diyan at uuwi na ako. Kahit kailan ay istorbo ka sa akin.” dagdag pa niya na binunggo aking balikat at sumakay sa kotse niya. Napayuko na lamang ako dahil bigla na lang namasa ang mata. “s**t! Marco, kalalaki mong tao pero umiiyak ka.” Bulong ko habang pinup

