Nang matapos na kaming kumain ni Marco ay nagpahinga na muna kami at tumingin sa ibaba ng burol sobrang fresh ng hangin dito at ang ganda ng mga berdeng damu at puno. Sinabi ko rin sa kanya na kung pwede dito muna kami sa farm niya matulog. Medyo malayo kasi dito ang resort. Saka mas gusto ko dito sa farm. Mas maaliwalas ang paligid atas fresh ang hangin na galing sa mga puno. “What if i pakasal tayo ng parents natin, papayag ka ba?" Aniya habang nakahiga at naka tingin sa langit. “What do you mean na ipapakasal? Marco malabo yun." Natatawa kong sagot sa kanya. Paano niya naisip na ipapakasal kami ng mga magulang namin. “Bakit hindi? Ang alam nila ay magjowa tayong dalawa. Ayaw ko na pangit ang magiging tinging nila sayo. Okay lang kung pangit ang tingin nila sa akin wag lang sayo. Di

