Hindi ko alam pero ng makita ko si Marco at ang kasama niyang babae ay may kung ano akong nararamdaman na tumusok sa dibdib ko. Pero binalewala ko iyon at nag kunwari na hindi apektado sa kanilang dalawa. “Good evening everyone!" Masiglang bati sa amin ni Marco. Hindi naman ako sumulyap sa kanya at tinignan lang si kuya JD na madilim ang mukha. Alam ko na galit ito dahil ang alam niya ay kami na ni Marco. “Good evening iho, late ka atang dumating ngayon." Nakangiting bati ni mommy kay Marco. Nakita ko pa ang saglit na pag sulyap sa akin ni mommy. “Pasensya na po tita, hinintay ko pa po kasi matapos ang fashion show ni Yanny. Si Yanny po pala, Yanny meet my parents, si mommy at daddy, iyon naman ay si tito Jonathan at ang katabi ay ang asawa niyang si tita Vanessa. Ang katabi naman ni

