Temptation 2

1180 Words
“Where are you?" Tanong sa akin ni daddy. Silver anniversary nila ni mommy ngayon at may hinanda na surprise si kuya sa kanila. Syempre imbitado din ang lahat na kaibigan nila pati na ang mga kamag anak namin. “Papunta na po dad. May dinaanan lang po ako." Sagot ko. Dumaan pa kasi ako sa isang mall para mag paayos at bumili sa kanila ng regalo. Hindi ko alam kung ano ang magandang iregalo sa kanila dahil kung tutuusin ay kaya naman ibigay ni daddy ang lahat kay mommy. Pero syempre iba pa rin kasi pag galing sa amin na mga anak nila. “Okay, wag kang mag papalate okay, alam mo naman ang mommy mo nagiging matampuhin na.” Malambing pa nasabi niya. " Yes dad, patapos na naman na po ako dito, saka 8 pa naman start ng party at 6 pm pa lang.” Sagot ko. Tapos na rin kasi akong ayusan ng bakla. Dadaan na lang ako sa isang jewel store para bilhan sila ng couples bracelets. Ayaw ko sa kwintas at singsing dahil parehong meron na sila kaya bracelet ang naisip ko na iregalo sa kanila. “Hi miss, pwede ko bang matingnan ang couples bracelet na yan.” Turo ko sa dalawang gold bracelet. “Maganda po ito ma'am, pwede niyo po ipa-ukit ang pangalan mo at pangalan ng boyfriend niyo po habang naka dugtong dito sa guhit ng puso. Kumbaga konektado pa rin kayo ng boyfriend mo kahit na magkalayo kayo, basta suot lang ng boyfriend mo ang bracelet na to.” nakangiti na sabi sa akin ng sales lady. “Pwede ba na dito siya sa shop niyo lagyan ng name?" Tanong ko sa kanya. " Yes, ma'am.” " Mga ilang minuto bago matapos ang pagpapa ukit ng name?” “It takes 5 minutes ma'am bawat name at depende din po sa haba ng pangalan.” Sagot naman niya sa akin. " Okay, my mom's name is Mary Joy and my dad's name is Jeffrey. Makakaya, kaya’ sila ng 10 minutes na dalawa?” Seryoso na tanong ko dito. “Ah, para po pala sa parents nyo ma'am, ang sweet niyo naman pong anak.” aniya na nakangiti. " Hmm, hindi naman nagkataon lang na silver anniversary nila at wala akong ibang maisip na pwedeng iregalo sa kanila. Balik tayo sa usapan kaya ba maukit ang name nina, mommy at daddy in just 10 minutes?” muling tanong ko sa kanya. “Ah, yes ma'am, makakaya po. Isulat niyo na lang po ang name ng daddy at mommy niyo dito para maibibigay ko na po sa magtataktak ng name ng mommy at daddy mo.” ibinigay niya sa akin ang maliit na papel at ballpen. Agad ko naman sinulat ang pangalan ni mommy at daddy sa papel at binigay sa kanya. Nang matapos na ang pag ukit ng pangalan ni mommy at daddy sa bracelet ay agad na akong lumabas ng mall at pumasok sa sasakyan ko. Dumaan na din muna ako sa isang flower shop para bilhan ng bulaklak si mommy. Para sa kanila ang araw nato kaya naman na dapat ay maging espesyal ang lahat na bagay ngayon para sa kanilang dalawa. Nang makarating ako sa Monticello hotel kung saan gaganapin ang 25th anniversary nila ay agad ko nang pinarada ang sasakyan ko at bumaba. “Marga!” Pinaikot ko ang mata ko ng mabosesan ko ang tumawag sa pangalan ko. “Wait Marga, sabay na tayong pumasok sa loob ng hotel kararating ko lang din kasi.” saad niya sa akin pero inirapan ko siya. Sino ang lolokohin niya na kararating lang niya? Ang sabihin niya binantayan na naman niya ako para lang sirain ang gabi ko. “Marga!" Tumigil ako at humarap sa kanya. “What? Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin ha?" Inis na sabi ko sa kanya. “Ikaw, ikaw ang kailangan ko, mai ibigay mo na ba ang sarili mo sa akin?" Aniya na mas lalong kinakulo ng dugo ko. “Pwede ba Marco, wag mo sirain ang gabi ko dahil lang sa mga hirit mo. Ayaw kong humarap na pangit sa mga magulang ko at mga bisita dahil lang sa kagagawan mo." Bulyaw ko sa kanya. " Sorry sweetie, pero mas gusto ko na nagagalit ka dahil lalong lumalabas ang angkin mong ganda.” Sabi niya sabay kindat sa akin. “Haha nakakatawa, kinilig ako. Baduy!" Pang uuyam ko sa kanya at tinalikuran na siya. " Sige, pa-uunahin kita, kaya bilisan mo ang maglakad ha, dahil kapag naabotan kita ay hahalikan kita.” Bigla akong tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya at tinignan siya ng masama. “Subukan mo lang at babayagan kita." Ani ko at muli nang nag lakad palayo sa kanya. “ Then try me, tingnan natin kung hindi ka na naman makatulala sa akin kapag natikman mo muli ang labi ko.” naiiling na hindi ko na siya pinansin at napa sapo na lang sa akin noo. Binilisan ko na din ang lakad ko para hindi niya ako naabutan at baka totohanin mo ang banta niyang halikan ako. Narinig ko pa ang malakas niyang magtawa habang papasok ako sa entrance ng hotel, napaka walang modo talaga. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko kay Marco para layuan lang niya ako. Pagdating ko sa harap ng elevator ay nagulat pa ako ng may humawak sa bewang kaya napaligok ako at ganun na lang ang pag kakakulo ng dugo ko ng makita kong si Marco ang humawak doon habang malapad ang pagkakangiti sa kanyang labi. “Ano ba!" Asik ko sa kanya at inalis ang kamay niyang naka hawak sa bewang ko. “Shh.. wag kang maingay at nakakahiya sa mga bisitang kasabay natin." Bulong niya na binalik ang kamay niya sa bewang ko. Hindi na ako sumagot sa kanya pero tinignan ko siya ng masama. Kung wala lang talaga kaming kasabay dito sa elevator baka nabayagan ko na talaga siya. Sobrang kapal kasi talaga ng mukha niya. “Siya na ba ang anak ni Jeffrey na dalaga?" Dinig kong tanong ng matandang lalaki sa kasama nito. " Oo siya nga at ang kasama niya ay ang boyfriend niya na anak ni Marc.” Sagot naman ng isang matandang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko mula sa kanila. Anong boyfriend? Hindi ko naman boyfriend si Marco. “Hmm bagay nga silang dalawa, dahil pareho silang gwapo at maganda. Isa pa magkaibigan ang mga magulang nila kaya maganda na sila ang magkatuluyan na dalawa." Gusto kong sumabat sa usapan nila at itama ang mali nilang akala pero hindi ko na ginawa. Muli ko na lang inalis ang kamay ni Marco sa bewang ko at bahagyang lumayo sa kanya. Samantala ang gago ay todo ngiti na akala mo ay nanalo sa lotto dahil sa narinig niya. “Narinig mo ba yun sweetie? Bagay daw tayong dalawa." Bulong sa akin ni Marco na nakangiti pa rin. “Bagay mo pagmumukha mo!" Inis na sagot ko sa kanya habang tinitignan siya ng masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD