Kabanata 5

1524 Words
"OH! BAKIt busangot na naman ang mukha mo, Yuri? Sino na namang sumira ng araw mo si Martin na naman ba?" usisa ng kaibigan ni Yuri na si Shane sa kaniya nang puntahan siya nito sa isang past food stool sa bayan matapos niyang mag-job hunting. Paano ba namang hindi siya sisimangot, eh, sinira lang naman ng lalaking iyon ang araw niya at ang pagkakataong makuha siya sa trabahong iyon. Ang ending tuloy, umuwi siyang laylay ang balikat dahil alam niyang hindi niya maaasahan ang sinabi ng manager ng furniture shop na iyon na tatawagan siya nito. Suminghap si Yuri at umirap nang maalala ang mayabang pero gwapong lalaking iyon na nagnakaw lang naman ng halik sa kaniya. "Paano pa ako makakangiti nito, Shane kung kailan kailangan ko ng pera saka naman ang ilap ng trabaho sa akin. Idagdag pa ang buwesit na lalaking iyon," inis na maktol niya sa kaibigan. Kumunot naman ang noo ni Shane sa mga narinig sa kaniya. "Sino bang lalaki ang tinutukoy mo? Si Martin ba?" usisa nito. Umiling si Yuri. "Hindi," aniya. "May lalaking sumulpot na lang mula sa kung saang lugar para sirain ang araw ko. Napakayabang, porket gwapo!" inis na aniya. Walang ideya si Shane sa sinabi niya dahil hindi naman niya sinabi rito ang nangyari sa kaniya sa bar no'ng gabing halikan siya ng lalaking iyon. Alam kasi niyang tutuksuhin lang siya nito. Biglang puminta ang ngiti sa mga labi ni Shane sa narinig nito. "Hmm! Sinong gwapo iyan, huh? Naglilihim ka na sa akin, Yuri, ah. Bakit 'di ko alam na may gwapong sumisira ng araw mo?" mapanuksong ani Shane. Umirap si Yuri. "Huh? Naku, Shane! Hindi ko rin naman alam kung sino ba ang lalaking iyon at wala akong balak kilalanin kung sino man siya. Well, sabi ni Renz, boss daw niya 'yong mayabang na lalaking iyon," pagtatapat niya. "Renz? You mean, 'yong childhood friend natin? OMG! He's back? Nandito siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Shane sa kaniya. Tumango siya. "Yes, nandito uli siya sa Barangay Cruz at kasama ang boss niya na ubod ng yabang," patuloy ni Yuri. "Ubod ng yabang o ubod ng gwapo?" Hindi agad siya nakaimik at sumimangot na lang. "Sige, pareho na lang," sabay napangiti siya sa sinabi. Ngumiti naman si Shane na animoy kinilig. "Aysus! Baka siya na ang lalaking hinihintay mo, Yuri," pang-aalaska pa nito. Umiling siya nang sunod-sunod, saka bumaling sa burger na in-order nila na halos hindi na niya nagalaw dahil sa kakakwento at dahil na rin sa inis. "Tigilan mo ako, Shane dahil hindi ako interesado sa lalaking iyon." Kinuha niya ang burger ng kaibigan at natatawang isinubo iyon sa bibig nito. "Ayan para matahimik ka naman," aniya pa. Natawa na lang silang dalawa habang nilalantakan ang in-order nilang pagkain. — "SH*T! Uh-uh! Argh! F*ck! Sh*t!" halos iyon ang maririnig sa loob ng silid kung saan nandoon si Dwayne kasama ang isang babaeng nakilala lang niya nang nagdaang araw sa isang convenience store. Konting, landi lang niya sa maganda at sexy na dalaga ay bumigay na agad ito sa kaniya at sinuko ang bataan. Dinala siya nito sa apartment ng dalaga kung saan ito tumutuloy mag-isa. "Sh*t! Ang sarap mo, Dwayne!" wika ni Tonya habang nakaharap sa malaki at mataba niyang kargada. Marahang hawak nito iyon habang hinihimas pababa at pataas. Napapakiling na lang si Dwayne sa kung saan dahil sa kakaibang ligayang hatid niyon sa kaniya. Hindi naman talaga sana papayag si Dwayne sa pang-aakit ng dalaga sa kaniya, stress lang siya dahil sa mga nalaman niya tungkol sa nangyayari sa Underground Society at gusto niyang kahit pa paano'y mawala sa isip niya iyon dahil habang naiisip niya ang bagay na iyon, tumitindi lang ang galit niya at ang kagustuhang bumalik sa Manila para ibalik sa dati ang lahat. "Sh*t! Make me crazy, baby," aniya na halos mabaliw na sa sarap na nangingibabaw sa kaniya. Mas nakagat pa ni Dwayne ang pang-ibabang labi niya nang maramdaman ang mainit na dila ng dalaga sa mahaba at malaking batuta niya. Kung susukatin nga iyon, marahil nasa pito o walong inches iyon kaya siguro maraming nababaliw sa kaniya at hinahabol-habol siya. Napakapit si Dwayne sa sandalan ng sofa kung saan nakaupo siya habang nakabuka ang mga binti at nandoon sa harap niya ang dalaga at malayang pinagsasawaan ang kaniyang p*********i. Naramdaman ni Dwayne ang pagpasok ng matigas niyang batuta sa bibig nito. Para siyang nahihibang sa kakaibang ligayang nararamdaman niya. May kung ano sa loob niya na gustong kumawala. "Uh-uh! Argh!" ungol ni Dwayne na lalong nagpapagana sa dalaga. "Sh*t ang sarap!" Mayamaya pa'y gumalaw na ang bibig ni Tonya sa harap niya. Inayos pa nito ang buhok na kumawala sa karamihan niyon at siningit sa likod ng tainga nito. Napaindayog na rin si Dwayne at hindi mapigilang mapaulos kasabay ng paggalaw ng bibig ng babae sa kaniyang harapan. Dahil sa hindi karaniwang laki ng alaga ni Dwayne, halos hindi magawang isubo iyon ng dalaga at kapag sinusubukan nito, halos maduwal ito. Mayamaya pa'y mas nakaramdam siya nang kiliti ng iluwa nito ang alaga niya at bumaling naman sa dalawang bolang nasa puno niyon. Salinsinang nilaro iyon ng bibig ng babae na kumikiliti sa kaniya at naghahatid ng sarap na hinahanap niya. "Uh! Dwayne! Sh*t! Hindi ko pagsasawaan kainin ka," pilyang ani ng dalaga. Natawa siya at napailing habang nakatingin sa magandang babae. "Do what you want, Tonya. Sa iyo ako ngayong gabi," aniya. Lalo namang sumilay ang ngiti sa mukha nito at tila mas ginanahan. Hinimas nito ang malaking katawan niya at pinaglaruan ang matigas niyang abs na talaga namang pinagnanasaan ng maraming kababaihan. Hinarap uli ng dalaga ang alaga niya na galit na galit. Kumikibot-kibot pa iyon at bahagya niyang inihahampas sa bibig ng dalaga. Napapamura na lang siya sa kakaibang ligayang bumabalot sa kaniya. "Uh! Argh! Sh*t! F*ck!" sunod-sunod na mura niya sa hindi maipaliwanag na ligaya. Habang nasa ganoong posisyon sila ng babae, mabilis na napaigtad si Dwayne nang may boses na narinig mula sa labas ng pinto. "Tonya! Tonya!" sigaw ng lalaking boses mula sa labas. Mabilis na tumayo si Tonya at bumakas ang takot at kaba sa mukha nito. Nagtatakang tiningnan ni Dwayne ang dalaga na nagtatanong. "May bisita ka?" Hindi alam ng babae ang gagawin nito habang inaayos ang butones ng blouse na suot at ang sarili nito. "Dwayne! Bilis, magbihis ka. Ayusin mo ang sarili mo," tarantang anito. "Huh? You leaving me like this? Tonya naman, come on bibitinin mo ba ako?" aniya. Hindi pa nila nararating ang sukdulang ligaya tapos may istorbo na. "Pero, Dwayne nandiyan 'yong boyfriend ko," mahinag ani Tonya na bakas ang takot at kaba sa mukha. "Boyfriend? May boyfriend ka, Tonya? F*ck!" Nagulo niya ang buhok. Tumayo siya at inayos ang pantalon na suot. "Why you didn't told me?" inis na aniya. "I'm sorry, Dwayne pero kasi mas masarap ka naman doon, eh. Don't mind him, ok? Kahit naman may boyfriend ako, we can do this anytime," sambit nito. "F*ck!" Inayos niya ang sarili at dumeretso sa pinto. Binuksan niya iyon at tumambad sa kaniya ang mataas pero medyo payat na lalaki. Ang sama ng tingin nito sa kaniya na parang gusto siyang kainin ng buhay. "And who are you?" galit na tanong ng lalaki sa harap niya. Lumitaw naman sa likod niya si Tonya. "Tonya, sino ang lalaking ito?" baling nito sa nobya. "Ahm! Ka-ka—" "We did s*x. Sexfriend," putol niya sa sasabihin ng babae. Napangisi siya sa galit at inis na puminta sa mukha ng lalaki. Kulang na lang ay makita niya ang pag-usok ng tainga nito at ang pagpula ng mga pisngi nito sa labis na galit. "Gag* ka ba?" Sabay kinuwelyuhan siya nito. "F*ck you! Ano'ng ginawa mo sa girlfriend ko?" Ngumisi si Dwayne. "Ginawa? I do nothing, ask your girlfriend what she did to me," balik niya. Hindi man lang bumakas ang takot sa mukha niya. "T*ngin*!" Hindi niya iniwasan ang suntok ng binata. Naramdaman niya ang pagdugo ng labi niya dahil sa nalasahan niya ang dugo roon. "Tapos ka na?" balik ni Dwayne. "Hindi ko kasalanang mas masarap ako kaysa sa 'yo, dude." Marahas niyang inalis ang kamay nito na nakahawak sa leeg niya. "G*g* ka pala talaga, eh!" Lumapit sa kaniya ang binata at nagpakawala ng suntok na agad niyang naiwasan ng walang kahirap-hirap. "Arq, tama na! Ano ba?" saway ni Tonya sa nobyo na bakas ang kaba roon. "Eh, g*g* 'to, eh!" Patuloy ito sa pagsuntok, sunod-sunod pero hindi na niya pinatama pa uli ito. Nang maka-tyiempo si Dwayne, mabilis siyang nagpakawala ng suntok na agad tumama sa pisngi ng lalaking Arq ang pangalan. Napangisi siya. Nang akmang susugod pa ito, inisahan pa niya uli. Napaupo na ito. Hindi pa nakuntento si Dwayne, sinipa pa niya ito. "Dwayne, tama na please!" sigaw ni Tonya. Lumapit na ito sa nobyo at dinaluhan ito. "G*g*!" aniya saka sinipa uli ang binata ng dalawang sunod bago iniwan ang dalawang iyon. Hindi si Dwayne ang tipong matatakot sa kahit sinong lalaki. Kahit pa nobyo ito ng babaeng iyon. Kilala lang naman niya ito sa kama at pagkatapos niyon, wala na uli sa kaniya ang babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD