Kabanata 6

1092 Words
"KAILANGAN ko na talaga ng pera, Shane, sa next week na kasi ang exam nila Rio at Rea, kailangan na nila ng pambayad sa tuition dahil kung hindi, hindi rin sila makaka-exam," paglalahad ni Yuri sa kaibigang si Shane habang naglalakad sila sa kalsada sa bayan ng Barangay Cruz. Kakatapos lang niya sa trabaho at saktong dumaan naman si Shane roon at hinintay na siya dahil halos magkalapit lang din naman ang bahay ng dalawa. Mabuti na iyon dahil may kasabay siya. "Wala ka pa rin bang trabahong nakuha sa umaga?" tanong nito sa kaniya. Malungkot siyang umiling habang hawak ang lace ng shoulder bag na suot niya. "Ang ilap ng trabaho sa akin kung kailan kailangan ko ng pera." "Pahiramin na lang kaya kita, Yuri? May natitira pa naman akong savings, eh," alok ni Shane sa kaniya na agad niyang tinutulan. "Naku, Shane hindi na! Ang dami ko ng utang na pera sa iyo at utang na loob na rin, nakakahiya na," umiiling na tanggi niya rito. "Ano ka ba, Yuri? Ano pa't naging magkaibigan tayo kung hindi kita matutulungan, 'di ba?" patuloy ni Shane. "Pero sobra na ang naitulong mo sa akin, Shane. Hahanap na lang siguro ako ng paraan para sa tuition ng mga kapatid ko," puno ng lungkot na saad niya. Lumiko sila sa 'di kalakihang street kung saan iyon ang daan patungo sa bahay niya. Sapat naman ang mga streer lights doon para maging tanglaw nila ni Shane. Halos wala ring tao sa lugar. "Teka lang! Nag-aaway ba ang mga iyon?" Kumunot ang noo ni Yuri sa sinabi ni Shane at pati siya ay napalingon sa kanang bahagi ng iskinita. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita 'di kalayuan ang nangyayari roon. May nag-aaway nga sa bahaging iyon. "Oo nga, Shane," gulat na aniya. Bumakas ang kaba sa mukha ni Shane. "Ano'ng gagawin natin, Yuri?" tanong pa nito. "Hindi ko rin alam, Shane. Hayaan na lang kaya natin ang mga iyan baka madamay pa tayo, eh," dahilan niya sa kaibigan. Mas tinitigan pa ni Shane ang mga iyon. "Pero, kawawa naman 'yong lalaki, Yuri mukhang pinagkakaisahan siya ng tatlong lalaking iyon. Tulungan kaya natin," pagpipilit nito sa kaniya. Mula sa 'di kalayuan, kita nila ang isang lalaking iyon habang kaharap ang tatlong lalaki na may hawak pang dos por dos at mukhang ngang pinagkakaisahan ng mga ito ang lalaki. "Pero, Shane away iyan ng mga lalaki at hindi tayo dapat makialaam," pangangatuwiran niya. "Pero, baka magpatayan sila." Humakbang na si Shane patungo sa kanang bahaging iyon. Napakamot na lang si Yuri sa ulo at wala nang nagawa kung 'di sumunod na lang sa kaibigan niya, kahit kinakabahan siya. "Bakit ba ang hilig mong mangialam, Shane?" bulong niya. "Tutulong lang tayo, Yuri." Napakibit balikat na lang siya. Dahan-dahan silang humakbang patungo sa mga lalaking nag-aaway doon. Nang malapit na sila, aksidenteng natisod ni Yuri ang pakalat-kalat na lata roon dahilan para kumalampag iyon at gumawa ng ingay. Naagaw nila ang atensyon ng mga lalaki. Napakagat labi siya at mariing napapikit. Pagmulat niya, saktong nakatingin sa kanila ang mga lalaking nandoon pero isa lang sa mga ito ang nakaagaw ng atensyon niya. Nangunot pa ang noo niya at nanliit ang mata para kilalanin kung tama ang nasa isip niya at hindi nga siya nagkamali, ang isa sa lalaking naroon ay ang lalaking humalik sa kaniya nang gabing iyon sa bar. "Ano'ng nangyayari rito?" matapang na tanong ni Shane kahit alam niyang kinakabahan ito. "Sino ba kayo? F*ck! Huwag na kayong makialam dito, girls. Umuwi na lang kayo," mayabang na pagtataboy sa kanila ng matangkad at medyo payat na lalaki habang hawak nito ang dos por dos. Kita naman niya ang sugat sa mukha ng lalaking iyon na nagnakaw ng halik sa kaniya. Humugot siya ng lakas ng loob bago nagsalita. "Sige, kung hindi kayo titigil tatawag ako ng pulis, ire-report ko kayo," pananakot niya. Ngumisi lang ang mga naroon habang napadura naman ang lalaking iyon. "Don't mind them, ako ang harapin niyo," hamon naman ng lalaking iyon. Nagulat siya ng mapagtantong iisa lang ito laban sa tatlong lalaking nasa harap nito na may hawak pang dos por dos. Baliw ba ang lalaking ito? Mayamaya pa'y napasigaw na lang si Yuri nang biglang sugurin ng tatlo lalaki ang nag-iisang lalaking iyon na nagnakaw ng halik sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin maging si Shane dahil sa kaba at takot lalo na nang tamaan ito ng dos por dos sa likod. "A-ano'ng gagawin natin, Shane?" kinakabahan niyang tanong habang nakakapit na sa kaibigan na kagaya niya ay ganoon din ang nararamdaman. "Hindi ko alam, Yuri." Hindi alam ni Yuri ang nararamdaman pero may kung ano sa damdamin niya na nakikisimpatiya sa binatang iyon na humalik sa kaniya. Naaawa siya rito at gusto niyang tulungan pero hindi niya alam kung paano niya iyon gagawin. Napapikit na lang siya nang biglang tamaan ng suntok ang lalaking iyon at napakiling sa kanan dahil sa lakas ng impact niyon. May dugo na rin ito sa mukha at mga sugat doon. Nang makabawi ito, mabilis itong gumalaw. Nahawakan nito ang dos por dos na hawak nang isang lalaki at hinila palapit rito, saka ginawaran ng malakas na suntok sa mukha. Hindi nito ginamit ang kahoy at tinapon lang. Bumaling naman ito sa dalawa pa, sinubukan siyang hampasin ng mga ito pero naiwasan nito. Bakas ang galit sa mukhang ng gwapong binata. Mahusay rin ito sa pakikipaglaban na animo'y bihasa roon. "S-sige tatawag na talaga ako ng pulis," sigaw niya matapos humugot ng lakas ng loob. "Shane, tumawag ka na ng pulis, baka kung ano pang mangyari sa kanila," baling niya sa kaibigan dahil wala naman siyang cellphone. Animo'y hindi natinag ang mga ito. Namangha siya kung paano umilag ang binata sa dalawang lalaki hanggang sa mahawakan nito ang isa sa kahoy na hawak ng isang lalaki at hinigit iyon, kasunod ang pagsipa nito, daan para mapahiga ito. Sunod nitong binalingan ang isa pa, isang malakas na sipa ang binigay nito. Nakabulagta na ang tatlong lalaki na namimilipit sa sakit dahil sa mga atake nito. Mas humigpit ang pagkakakapit ni Yuri sa kaibigan. Pinahid ng lalaki ang dugo sa gilid ng labi nito at ngumisi. Napalunok siya nang makitang tumingin sa kanila ang lalaki. Lalo siyang kinabahan nang humakbang na ito palapit sa kinaroroonan nila. "Don't do this again, Miss kung ayaw mong mapahamak." mahinang sambit nito nang huminto sa harap niya, saka nagpatuloy ulit ito sa paglalakad palayo sa kanila. Halos na-estatwa siya sa napaka-manly nitong boses at sa kabang dulot nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD