"SIR, Dwayne naman, hindi ba't sinabi ko na sa iyo na umiwas ka sa gulo? Mainit ka pa sa mga Sisingco at kapag gumawa ka na naman ng malaking gulo dito sa Laguna, saan ka na pupunta?" sermon ni Renz kay Dwayne habang ginagamot siya nito.
"Ouch! Dahan-dahan naman, Renz," reklamo niya nang mas diinan pa nito ang bulak na may betadine. Napangiwi pa siya sa sakit at hapdi ng mga sugat niya sa mukha.
Hindi naman kasi niya inakala na babalikan siya ng Arq na iyon at nagsama pa ng backup para makaganti sa kaniya. Kasalanan ba niyang mas masarap at mas magaling siyang magromansa kaysa rito? Hindi naman ata niya kasalanan iyon at hindi rin naman niya alam na may boyfriend na pala ang babaeng iyon.
"Kapag nakikipag-away ka, 'di ka nasasaktan pero sa bulak at betadine, may pa-ouch-ouch ka pa," patuloy ni Renz na pangsesermon sa kaniya. Napatawa na lang siya rito.
"Teka nga, Renz," pinigilan niya ang kamay nito sa pagpahid sa mga sugat niya, "hindi ko naman kasi kasalanang gwapo ang amo mo, 'di ba? Wala, eh, mas masarap ako kaysa sa kanila and they can't admit it to themselves that's why they make a fight para makaganti sila sa natapakan nilang p*********i," mayabang niyang paliwanag.
Sumimangot si Renz at napailing na lang sa pinagsasasabi niya. "Sir, nandoon na tayo pero pwede kang umiwas kung gusto mo, right? Kung ayaw mo ng gulo."
Kumibit-balikat si Dwayne at sumandal sa sofa. Niyakap niya ang unan na naroon at pumikit dahil sa pagod na nararamdaman niya at sa maingay na sermon ni Renz. "I love fight, so I just give them what they want for me, Renz," pakli niya.
Napasinghap na lang si Renz sa katigasan ng ulo niya. Para ngang older brother na niya ito kung magsermon sa kaniya. Well, wala namang kaso iyon sa kaniya dahil kapatid na rin naman ang turing niya rito. Isang dekada na niya itong kasama sa gulo man o sa kasiyahan kaya wala siyang masasabi rito.
"Tandaan mo, Sir hindi pa natin naayos ang gusot mo sa Manila. You need to control yourself hanggang sa maging maayos na ang lahat. Marami ka pang dapat ayusin, ang mga Sisingco at ang underground society," pagpapaala ni Renz sa kaniya.
Hindi niya nakalilimutan ang mga iyon. Hindi papayag si Dwayne na maghari ang mga Sisingco sa Underground Society at patuloy iyong sirain para sa sarili nilang kapakanan. Babalik siya at sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya ang mga Sisingco at lahat ng kasangkot nito.
Pinilit niyang pakliin ang mga bagay na iyon. Saka na niya iyon iisipin kapag handa na ang lahat, kapag pwede na siyang bumalik sa Manila at gawin ang plano niya.
Habang nakapikit si Dwayne, bigla na lang sumagi sa isip niya ang babaeng hinalikan niya noon sa bar na nakita rin niya nang nagdaang gabi nang tambangan siya ng grupo ni Arq. Sa pagkakaalala niya, Yuri ang pangalan nito. Sinubukan ng dalagang pigilan ang gulo pero hindi ito nagtagumpay.
Nagmulat siya ng mga mata. "By the way, Renz how do you know her? I mean, childhood friend mo ang babaeng 'yon?" usisa niya nang umayos siya ng pagkakaupo at hinarap si Renz.
Kumunot ang noo ni Renz kasunod ang pagtatakang rumehistro sa mukha nito. "Ano'ng ibig mong sabihin, Sir? Si Yuri ba ang tinutukoy mo? Yes, she's my childhood friend here in Barangay Cruz. Nagkahiwalay lang kami nang pumunta ako ng Manila to get a job. Bakit, Sir?" pagkwekwento nito. Patango-tango si Dwayne habang iniisip ang hitsura ng dalagang iyon na mukhang haponses. "Huwag mong sabihing isa si Yuri sa suspect girl mo, Sir? Naku, binabalaan kita, don't make fun with her. She's not the girl you wanted to have fun, Sir. She's different from those girls na naikama niyo," pagtutol agad nito.
Natawa siya sa mga sinabi ni Renz. "Iyon na ba talaga ang tingin mo sa akin, Renz? Hindi ba pwedeng I was just curious about her that's why I asked you? Come on, I know she's different," pagtatama niya sa maling iniisip nito.
"I'm sorry, Sir pero ang hirap maniwala na curious ka lang sa isang babae kaya ka nagtanong. You asked those girls their name and after that, diretso agad sa kama. Hindi ba ganoon, Sir? Maybe sometimes, diretso agad sa kama o kung saan pa man to make your lust satisfied," anito.
Napangisi si Dwayne. May katotohanan naman ang sinabi ni Renz pero bakit parang nasaktan pa rin siya. "Ouch! Ang sakit no'n, Renz, huh," aniya na umakto pang nasaktan at sinapo ang dibdib. "May ilang babae rin naman akong sineryoso, Renz mga isang araw na usapan, then the next day na ang sex." Natawa siya habang si Renz, napailing na lang.
"Kailan ka ba magseseryoso, Sir sa babae? It's been five years simula nang magseryoso ka sa babae and after that, nakipaglaro ka na lang."
Natigilan si Dwayne sa sinabi ni Renz. Napayuko siya ng saglit at itinago ang nananatiling sakit at pananabik sa mukha niya dahil sa mga alaalang bumalik sa isip niya.
"I can't get over to her, Renz."
—
MABILIS NA naglakad si Yuri palabas ng iskinita dahil pasado alas-sais na ng umaga. Kailangan niyang maghanap ng trabaho para sa tuition ng mga kapatid niya na kailangan na niyang maibigay sa mga ito bago mag-exam dahil kung hindi, hindi sila makakapag-take ng kanilang exam.
"Hey, Miss!"
Napahinto si Yuri nang marinig ang pamilyar na boses na iyon na nagmula sa likuran niya. Napalingon siya rito at ganoon na lang ang gulat niya at inis nang bumungad sa kaniya ang lalaking iyon na humalik sa kaniya noon sa bar. Hindi niya ito pinansin, nagpatuloy siya sa paglalakad at mas binilisan pa nito ang sasakyan.
"Napakasuplada mo naman, Miss," ani ng lalaking iyon na halos kapantay na niya ang sasakyan nito habang nakasilip ang mukha sa bintana ng kotse.
"Wala akong oras makipagbiruan sa 'yo. May mas importante akong gagawin at kung ikaw, walang magawa sa buhay mo, magpakamatay ka na lang," inis na aniya sa binata na hindi ito nililingon.
"Grabi ka naman sa magpakamatay, Miss. I don't wanna die yet, baka kasi mamahalin pa kita o mamahalin mo ako," balik nito sa kaniya na may pagkindat pa.
Napairap na lang si Yuri sa sinabi nito sa kaniya. Matalim ang tingin na hinarap niya ito. "Pwede bang tigilan mo na ang pang-aabala ng ibang tao? Kung ikaw hindi kailangang maghanap buhay, kung ikaw hindi kailangang maghabol ng oras o gawing forty-eight hours ang isang araw, pwes ako, kailangan kong gawin lahat ng iyon. Kaya kung pwede lang, tigilan mo na ako," inis pa na sambit niya.
Bumakas ang amusement sa mukha nito dahil sa sinabi ni Yuri. "Wow! as in, you have forty eight hours in a day" gulat na anito at natawa sa huli.
Inirapan niya ito at hindi na umimik. Tinalikuran niya ang binata at naglakad ng mas mabilis habang nasa mukha niya ang pagkainis sa makulit na lalaking iyon na hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya nito kinukulit.
"By the way, Yuri, I'm Dwayne," sigaw nito bago tuluyang pinaandar ng mabilis ang sasakyan nito palayo sa kaniya. Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. Natandaan nito ang pangalan niya? Hindi rin niya inasahang magpapakilala ito sa kaniya.
Dwayne