Nagsimula na ang Birthday party ni Paxton. Maraming bisita ang dumating mga kaibigan at kaklase niya, pati mga pinsan at mga anak ng mga kasosyo sa negosyo ng kanyang ama. Naghihintay na lamang ang binata sa pagdating ng iba pang bisita, hindi pa niya nakita sila Cadmon na kanina niya pa hinihintay ang pagdating nila. "Just enjoy yourself, there's plenty more to drink." Nakangiti niyang sabi sa katabi niyang bisita. Tinapik nito ang balikat para magpaalam, dahil nakita na niya ang kanyang hinihintay. Sabay-sabay na dumating sila Cadmon at ang mga kaibigan niya, hindi nila sinama si Maisyn dahil hindi sila bagay sa kanila ang ganitong party. Nakangiting sinalubong ni Paxton ang kanyang mga kaibigan. "Salamat at hindi kayo nahuli." Salubong niya kila Cadmon. "Hindi ata sumama ang mga gi

