Nakatingin ang magkakaibigan sa dalawang dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Inilagay nila ang dalawa sa iisang kwarto para sa kanilang kaligtasan. Hindi sila makaalis dahil natatakot sila na baka balikan sila ng mga taong gumawa nito sa kanila. Muling bumuntang hininga si Yosef kanina pa siya hindi mapakali. Dahil isang araw na silang nasa ospital pero wala pa rin nangyayari. Ni maligo nga ay hindi nila magawa, kung ano ang suot nila sa party ni Paxton yun pa run hanggang ngayon. "Wala na ba tayong gagawin kundi umupo na lang dito?" Tanong ni Yosef dahil naiinip na siya, hindi niya kayang makita ang kaibigang nakahiga sa kama. Habang nakaupo lang sila habang hinihintay ang dalawa na magising. "If you're bored here, Yosef, you can go. We didn't ask for you to be here!" Ma

