Nanginginig ang buong katawan ni Maisyn.habang nangingilid ang kanyang mga luha dahil sa kanyang sinapit.Hindi niya akalain na ganito kapalit pala ang kasiyahang naramdaman niya. Para itong lasing na naglalakad palapit sa gate ng bahay nila. Wala sa tamang pag-iisip ang dalaga dahil sa nangyari. Pilit niyang iniisip na panaginip lang ang lahat. Hinayaan nga siyang tumakas ngunit tuluyan nilang sinira ang kanyang buhay. Bahagya siyang natawa habang nakatingin sa gate nila. Lalong lumakas ang tawa niya habang tumutulo ang mga luha niya. "Isa akong walang kwentang tao, madumi na ako nandidiri ako sa buong pagkatao ko. Wala ng silbi para mabuhay pa ako sa mundong ito!" Sigaw niya bago tumingala sa langit. Napakapayapa nito kabaligtaran ng nangyari sa kanya. Sobrang dilim na ng kanyang b

