Sinundan ni Zeno si Mr. Montaverde pabalik sa kanyang opisina, gusto niyang itanong kung ano ang plano ng ginong. Bakit kinailangang ipakulong si Cadmon. "Mr. Montverde, sigurado ka ba sa 'yong desisyon? H'wag kang magmadali. Paano kung lumaban si Cadmon? Alam mo 'yon oras na hindi n'ya nagustuhan ang nangyayari, hindi siya magpapatalo." Tiningnan siya ng masama ng ginong. "Sigurado ako sa aking ginagawa, Mr. Ventura! Makakaalis ka na, hindi na natin kailangang pag-usapan pa ang tungkol dito. Ipapatawag ko na lang ulit kayo para pag-usapan ang magiging misyon n'yo." Bumuntong-hininga ang binata bago sumagot. "Sasama kami papuntang Vizcaya, dahil wala akong tiwala sa Pablo na 'yon!" Malamig niyang sagot. "Kung gusto niyong sumama, 'wag kayong mangingialam lalo ka na Mr. Ventura. Tumahim

