Nang imulat ni Cadmon ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang isang puting kisame, naikuyom niya ang kanyang mga kamao dahil sa galit at pagkakadismaya na kailangan niyang manatili sa hospital bed na 'to. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang makaganti sa lalaking bumugbog sa kanya. "Humanda ka sa akin, magpapalakas lang ako at gaganti ako sayo hayop ka!" Mariin niyang sabi. Napatingin siya sa pinto dahil bumukas ito, pumasok si Pablo at ang kanyang mga kasama. Lalo siyang nakaramdam ng galit dahil nakita na naman n'ya ang pulis. "Bagong salta ka palang pero napaaway ka na agad, bawasan mo yang kayabangan mo Mr Montaverde." "Kung wala kang matinong sasabihin, lumabas ka na lang, hindi ko kailangan ng pangaral mo!" “Ibang klase ka talaga, walang naidudulot sa'yo ang yabang

