Seryosong nakaupo si Mr. Montaverde, abang nanonood ng balita, naghihintay kung iuulat ng reporter ang nangyaring pag-aresto kay Cadmon. Dahil kapag nangyari 'yon, ipapasusunog n'ya ang gusali ng mga reporter. "Mukhang abang na abang ka sa balita Mr Montaverde." Pang aasar ni Anton. Napatingin sa kanya ang ginong ngumiti 'to para naman mabawasan ang problema ng amo n'ya. "Anong balita kay Cadmon?" Tanong n'ya, huminga ng malalim si Anton bago sumagot. "Bad news Mr Montaverde, binugbog si Cadmon ng pinakaboss selda kung saan s'ya inilagay. Ipinalipat ko na siya sa solitary confinement, dahil siguradong hindi matatapos ang away nila. Alam mo namang gaganti at gaganti ang apo mo. Kaya kong ako sayo ihanda mo ang 'yung sarili Mr. Montaverde, dahil kapag nakalabas si Cadmon ay tiyak na maghi

