Nanginginig ang tuhod ni Maisyn habang pinagmamasdan ang madilim na kwarto. Kanina pa niya hinahanap ang switch ng ilaw ngunit hindi niya ito makita. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya dahil may narinig siyang yabag na papalapit sa kanya. Agad siyang nagtago sa ilalim ng kama, dahil papalapit ang mga yabag sa kwarto kung nasaan siya. Habang hinihintay niyang makapasok ang mga iyon ay naririnig niya ang kabog sa kanyang dibdib. Kulang nalang ay lumabas na ang puso niya dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. Narinig niyang bumukas ang pinto kasabay ng pagbukas ng ilaw. Nakita niya ang mga paa ng tatlong lalaking pumasok, hindi mapigilan ang panginginig ng buo niyang katawan. Hindi niya alam kong paano siya napunta dito, dahil pag gising niya nakakulong na naman siya sa silid na ito.

