*MAISYN's POV* Kanina pa ako nakatingin sa labas habang pinagmamasdan ang mga ulap sa langit. Sana gano'n na lang katahimik ang buhay ko, pero malabong mangyari 'yon dahil may mga gustong pumatay sa'kin. "Bakit kailangang mangyari sa akin 'to? Sana mga masasamang tao lang ang makakaranas nito!" Napabuntong hininga ako bago tumawa ng mahina. Kamusta na ang mga kaibigan ko, naaalala pa ba nila ako? Simula nang mangyari sa akin ito, wala na akong nararamdamang kaibigan. Hindi ko rin maramdaman si Cadmon, sabi niya poprotektahan daw niya ako. Pero bakit ngayon wala siya tulad nito kailangan ko ng kaibigan pero wala akong masasandalan. Kinasusuklaman niya ba ako dahil maruming babae ako? Ang dami kong gustong itanong sa kanya, pero hindi ko magawa dahil walang Cadmon na magpapakita sa aki

