*CADMON's POV* Seryoso akong nakaupo dito sa kwarto, kung saan kami nag-usap nila Zeno no'n. Hinihintay kong dumating sila kasama ang pinsan niyang pulis. Medyo naiinip na ako kasi kanina pa ako nandito. Sinabi ko naman sa kanila kung anong oras sila pupunta dito, halos isang oras na akong naghihintay dito. Ano kaya ang idadahilan nila sa akin ayusin lang nila dahil, baka hindi ako makapag pigil isa-isa ko silang kakaltukan. "Aren't they there yet? Did you call Ventura again?" Malamig kung tanong sa pulis na kasama ko dito sa loob. Isa pa 'to para namang tatakas ako kung makabantay wagas! Bakit ba nakakainisang mga tao ngayon! "Sinabi sa akin ni Sir Ventura na papunta na sila dito, pero hindi niya binanggit kung nasaan sila." Agad naman niyang sinagot. Humanda sa akin ang mga tukmol n

