AFTER 5 MONTHS Nakatingin sa salamin si Maisyn, habang pinagmamasdan ang malaki na n'yang tiyan. Walang emosyon ang kanyang mukha dahil, wala 'tong ibang nararamdaman ngayon kundi galit. Lalo s'yang nandidiri sa sarili dahil hindi lang s'ya ginahasa, nang iiwan pa nag-anak ang taong sumira sa buhay n'ya. Wala s'yang ibang ginawa kundi, araw-araw na nakikiusap sa ina ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Alam n'yang malaking kasalanan ang gagawin n'ya, pero gusto lang naman ng dalaga makalimutan na ng tuluyan ang nakaraan. Wala s'yang nararamdamang pagmamahal sa batang nasa kanyang tiyan, pandidiri at galit ang nararamdaman n'ya rito. Hindi rin n'ya masyadong kinakausap ang kanyang ina, dahil sa sama ng loob. Pinipilit lang n'yang maging matatag para sa sarili, dahil ang gusto n

