Maagang nagising si Maisyn dahil excited siyang mamasyal sa mall kasama ang kanyang mga kaibigan. Sasamantalahin nila ang libre ni Cadmon, marami silang napag-usapan kahapon na bibilhin nila. Para makaganti sa binata, may plano sila na siguradong magpapa-depress kay Cadmon. Nakangiti siyang lumabas ng kwarto niya pagkatapos maligo. Simpleng damit at flat shoes lang ang suot niya, tinali niya ang mahaba niyang buhok. Pagkababa niya ng hagdan ay nilibot niya muna ang paningin sa paligid ng bahay nila. Napangiti siya nang makitang ang nakasabit na family picture nila. Ang pagkakatanda niya ay, ang larawang iyon ay kinunan bago siya labingwalong taong gulang. Iba ang saya na nararamdaman niya ngayon, siguro dahil makakagala siya nang wala ang binata. Walang nakabuntot sa kanya na mas mahigp

