*CADMON's POV* Nandito kami ni Maisyn sa HQ hinihintay si Zeno, we need to talk about Paxton's birthday. Kailangan kong makausap ng maayos si Edweena, mas mabuting mag-ingat. Alam kong may ibang kahulugan ang sinabi ni Paxton nang gabing iyon. Kung may binabalak siya dahil hindi niya matanggap na basted siya. Mas mabuti ng nakahanda sila Edweena. Alam ko namang hindi nila pababayaan si Maisyn, kaibigan nila ito at madadali din sila oras na pinabayaan nila. Napatingin ako kay Maisyn dahil kanina ko pa siya naririnig na nagbubuntong-hininga. "Matagal pa ba sila Zeno? kanina pa tayo dito." Reklamo ni Maisyn habang nagbabasa ng libro. Pinilit ko lang kasi siyang sumama dito, kaya siguro mainit ang ulo niya. Sinabi niya kasing manonood siya pero nagpumilit akong isama siya. Siyempre, kai

