Dahan-dahang iminulat ni Maricel, ang kanyang mga mata at inilibot ang tingin sa kwarto ng kanyang anak. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata, nang maalala ang nangyari kay Maisyn. Hindi pa rin matanggap ng ginang ang nangyari, maayos niya pang nakausap ang anak kagabi. "Maisyn, anak ko, huwag mong iwan si mama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ka sa amin, bakit kailangan mong gawin ito?" Lalong umiyak ang ginang, kinuha nito ang unan ng dalaga at niyakap. Hinayaan niya lang ang sarili niyang umiyak. Nagulat si Aling Mary nang makitang umiiyak si Maricel. Agad naman itong lumapit sa kanya, hindi alam ng ginang kung sasabihin ba ang nangyari sa kanyang anak. "Manang Mary kamusta ang anak ko? May balita na ba si Marlon?" Tanong ni Maricel sa ginang umiwas naman ng tingi

