Napabalikwas ng bangon si Maricel, dahil puro puti ang bumungad sa kanya pag mulat nito. Akala ng ginang ay patay na siya, Luminga-linga si Maricel sa paligid, hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Hindi niya maiwasang kabahan, ang unang pumasok sa isip niya ay baka kinuha siya ni Jackson. Napatingin ang ginang sa pinto, dahil may narinig siyang ingay mula sa labas. Bumangon siya sa kama at naglakad patungo sa pinto. Saktong pagbukas ng pinto, nagtatago siya sa likod nito. Nanliit ang mata niya nang makita si Marlon na may dalang pagkain. "Maricel." Tawag ni Marlon, pumunta ang ginoo sa banyo. Lalabas na sana siya pero may pumasok ulit. Ang mga kaibigan ni Maisyn mga nakapantulog pa sila, lalong naguluhan ang ginang bakit nandito silang lahat. "Nasaan kaya ang bangkay ni Maisyn?" Na

