KABANATA 1

3200 Words
*CADMON’s POV* ----- Nakaupo kami ng mga kaibigan ko dito sa rolling table, kung saan kitang-kita namin ang mga dumadaan sa hallway ng school na pinapasukan namin. First day of school namin pero mas gusto naming tumambay at maghanap ng magagandang chicks na dati naming ginagawa. “Marami Freshman daw ang magaganda ngayong taon, ayon sa nalaman ko.” Magandang balita mula kay Yosef Valderrama, ang pinakababaero sa aming magkakaibigan. “ We will not be surprised by your news, Yosef, basta kasi babae ang bilis mong makasagap ng balita.” Agad namang sumagot si Keziah Deguzman na kararating lang kasama ang isa pang maldita na si Edweena Morales. “Nandito na naman ang kontrabida sa buhay ko, why don't you just admit that you really like me.” Mapanuksong sagot ni Yosef. Bago niya tiningnan ng masama si Keziah. Hindi naman nagpatalo ang dalaga. “Mamatay na lahat ng may gusto sayo!” Mataray na sagot ni Kezi. Napahagikgik si Edweena sa tawa dahil aso't pusa na naman sila. “Tama na nga yan, baka mamaya magkatuluyan kayo, siguradong guguho ang mundo.” Awat ni Bran Falcon na may halong pang-aasar sa dalawa. parang umusok ang ilong nilang dalawa dahil sa galit. basta ako abala sa paghahanap ng bagong girlfriend. Napatingin ako sa babaeng naglalakad papunta sa amin. mahaba ang buhok niya at sobrang puti ng kanyang balat, napatingin siya kay Edweena at Keziah. Bigla namang tumahimik sila Yosef ng makalapit siya sa pwesto namin. “Hi may I ask where the ABM department?” Nahihiya niyang tanong kay Edweena. Hmmm shy type ang babaeng to. “Oh business ka din? sabay kana sa amin papunta na din kami doon.” Sabi ni Edweena na kumikinang sa tuwa ang mga mata. “Talaga? thank you.” Masigla at hindi makapaniwalang sabi niya na para bang nabuhayan siya ng loob dahil doon. tumango naman si Edweena bilang sagot. “Tara na Kezi” Pagaaya ni Edweena at hinila na rin niya ang cute na babae. “Para siyang anghel na bumaba sa lupa, nakita ko na ang babaeng ibinigay sakin.” Sabi ni Yosef na parang nababaliw habang nakatingin sa babae kanina. “Anong sayo? para sa akin, una kong nakita ang babaeng iyon, kaya siya ang nakatadhana para sa akin." Seryosong sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya, alam kong hindi siya magpapatalo. He is my friend but we are both rivals when it comes to women. "Well Cadmon, may the best man win." Nakangiting sagot niya sabay kindat sa akin syempre hindi ako magpapatalo. Montaverde doesn't have any friends when it comes to women. Tandaan niyo yan. "Mauuna na ako may kailangan pa akong gagawin." Paalam ko kailangan ako ang maunang makaalam sa pangalan niya. hindi si Yosef yayabangan at yayabangan lang ako ng lalaking yon. Lumakad na ako papunta sa department namin para hanapin siya. sakto namang nakasalubong ko si Keziah pero hindi niya kasama si Edween. "Saan ang punta mo?" Tanong ko sa kanya. "Cafeteria, nasaan sila? Hindi mo ata kasama ang mga kurimaw?" Tukoy nito sa iba naming kaibigan. "Iniwan ko na sila doon, by the way anong pangalan ng babaeng sinamahan niyo?" Tanong ko sa kanya tinaasan naman niya ako ng kilay atsaka ngumisi. "Type mo no? Lagot ka na naman kay Astrid. Mukhang study first siya kaya wala ka atang pag asa don." Pang aasar niya nagkibit balikat naman ako. "Hinatid namin siya kanina sa room 102, ang tawag sa kanya kanina ng teacher natin noon is Miss Fontabella. hindi na namin natanong pangalan niya dahil pinapasok na siya ng classroom." Napatango naman ako Fontabella? Parang narinig ko na yan kay lolo hindi ko lang matandaan kong kailan. "Ang pagkakaalam ko ang mga Fontabella maraming hacienda sa batangas. kasi si dad may kabusiness partner siyang Fontabella hindi lang ako sure kung tito or daddy niya yon." Paliwanag naman ni Keziah. "Una na ako sinagot ko na lahat ng katanungan mo babye." Paalam niya napakunot naman ako ng noo. pangalan lang tinatanong ko siya tong ang daming sinabi. ang labo talaga ng mga babae nag patuloy na lang ako sa paglalakad. "Hi Cadmon" Nakangiting bati sa akin ng isang babae tumango lang ako bilang sagot. Kailangan kong pumunta ng room 102. doon din ang klase namin ngayon pero wala silang balak pumasok. Hindi na ako magtataka kong babagsak na naman sila. Minsan talaga napapaisip na lang ako bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang katulad nila. may mga itsura sila pero walang mga laman ang utak. Pagkarating ko sa room ay pumasok na agad ako l, kahit nasa harapan pa ang teacher namin. "Why are you here Mr. Montaverde?." Sita niya sa akin napatingin naman ako sa kanya. "Hindi ba dapat matuwa ka dahil pumasok ako sa klase mo?" Sarkastik kong tanong, kita ko ang pagdilim ng mukha niya siya palang ang naglakas loob na sitahin ako. Hindi na siya umimik pa lumakad ako palapit kay Edweena, suminyas akong lumipat ito ng upuan napanguso naman siya bago tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ng babae sa kanya. "Doon ako uupo" Nakangiti niyang sagot tumango naman ito, umupo na ako sa tabi niya tumingin siya sakin. "Hi, I'm Cadmon Montaverde. single available and ready to mingle." Pagpapakilala ko sabay kindat at lahad ng aking kamay para makipag-shake hands. napatango naman siya sabay tawa ng mahina. how cute lalo na kapag tumatawa. "Maisyn Fontabella i'm not available." Nakipag-shake hands na siya sa akin, hinigpitan ko ang pagkakahawak ang lambot ng kamay niya. Pero basted na ba agad ang isang tulad ko? grabe naman wala pa akong ginagawang hakbang mukhang wala na agad pag-asa. "Nice name bagay sa apelyido ko, gusto mo bang magpakasal na tayong dalawa? para wala ka ng kawala." Banat ko humagikgik siya ng mahina "bago ka lang ba dito?" Muling tanong ko binawi niya muna ang kamay niyang hawak ko bago nag salita. "Hahaha biliro ka pala ang korny hah! Oo bago lang kalilipat lang kasi namin ng bahay dito sa manila." Sagot niya atsaka ngumiti, tingin ko friendly naman siya. Kaso hindi ko matanggap yong I'm not available. "Ahh taga saan ka ba?" Muling tanong ko, susulitin ko na ang pagtatanong baka hindi na maulit. "Ah sa Batangas ako lumaki pero pinanganak ako dito sa manila." Totoo kaya ang sinabi sa akin ni Keziah na marami silang pagaaring Hacienda. Hindi na ulit ako nag tanong pa baka mailang siya sa akin, lihim lang akong napapatingin sa kanya habang nagtatake note. Sa nakikita ko ang inosente niya ang hinhin niyang kumilos at laging nakangiti. wala ding kaarte-arte sa katawan lalo sa mukha isang simpleng tao lang siya. Napatingin siya sa suot niyang relo ng magbell na, hindi basta relo ang suot niya isa itong DW Daniel Wellington Quadro Pressed Sheffield naka kita na ako nyan dati. dahil inireregalo ni lolo sa mga nagiging babae niya. Bigatin din ang pamilya nito. "Class dismiss" Seryoso na sabi ng Prof. namin nag sitayuan na din ang iba naming kaklase. "See you around, nice to meet you." Paalam ko ngumiti lang siya sa akin. Lumakad na ako palabas ng classroom namin. Yayabangan ko ngayon si Yosef akala niya matatalo ako never!. Papunta na ako sa tambayan namin pero nakasalubong ko si Astrid Chavez ang babaeng baliw na baliw sa akin. "Babe." Malanding tawag niya habang ngiting-ngit agad siyang kumapit sa braso ko. "I miss you so much, kanina pa kita hinahanap." Nakanguso niyang sabi. hindi ko siya pinansin nagpatuloy na ako sa paglalakad. "Are you free today?” Tanong niya sa akin pagpasok namin nang tambayan, nadatnan namin si Zeno Ventura at si Erion Navasca na busy sa naglalaro sa kanilang cellphone. sasagutin ko na sana ang tanong ni Astrid pero hindi ko natuloy dahil nag-vibrate ang cellphone ko. “Excuse me sasagutin ko lang to.” Paalam ko tumango naman siya at binitawan ang aking braso. Agad kong sinagot ng makita ko ang pangalan ni Lolo sa screen ng cellphone ko. “What do you want?” Agad kong tanong, narinig ko ang pag buntong-hininga niya bago magsalita. “Maaga kang umuwi, we are going somewhere at hindi ka pwedeng umangal dahil malilintikan ka sa akin!” Galit nitong sabi napapikit naman ako, saan na naman ba kami pupunta may trauma ako sa somewhere na yan. “May lakad kami mam—” Hindi niya ako pinatapos mag-salita “Cancel it!! hindi importante ang lakad niyo, sigurado akong gigimik na naman kayong magkakaibigan. Sasama ka sa akin o mawawalan ka ng allowance?” May pagba-bantang tanong niya ako naman ang napabuntong-hininga nakalimmutan ko si Chad Montaverde pala ang kausap ko ang aking pinagmanahan sa lahat ng bagay. “Okay.” Tipid kong sagot dahil hindi naman ako mananalo sa kanya, pinatayan ko na siya at bumalik sa loob. Umupo ako sa tabi ni Astrid atsaka ko siniil ng halik. tumugon naman agad siya wala kaming pakealam sa dalawa kahit nakatingin pa sila. “Pre konting respeto naman sa katulad naming single, bukas ang kwarto mo doon kayo wag sa harapan namin.” Sita sa akin ni Zeno pero sa cellphone pa rin ang tingin niya. nagpatuloy lang kami sa paghahalikan hindi pa ba sila sanay. mas malala pa nga si Yosef sa akin. “Wag mo na kasing pansinin Zeno, hindi kapa ba sanay sa kalandian nilang dalawa maging bulag at bingi ka na lang oras na nandyan sila. tayo na ang mag-adjust para sa kanila.” Pagpaparinig naman ni Erion na may patikhim pa sa dulo manigas kayong dalawa dyan. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg, napaungol ito ng mahina lihim akong napangisi dahil halik ko palang umuungol na tong babaeng to. Pinisil ko ang kaliwang hinaharap niya dahilan para napaungol siya ulit. "Ahh sige pa babe" Malanding ungol niya, nakarinig ako ng tawanan mula sa labas. dahilan para mapahinto ako sa ginagawa ko kay Astrid. "Oh my gosh live p*rn!" Sigaw ni Edweena ng makita kami tinakpan niya ang mata ni Maisyn, teka anong ginagawa niya dito bakit kasama niya ang dalawang yan. "Nakakahiya ka Cadmon! Doon nga kayong dalawa ng maharot mong jowa!" Masungit na sabi ni Keziah, mainit ang dugo niya kay Astrid dahil lagi silang nagtatalo. "Nandito na naman ang babaeng inggitera!!" Mataray naman pagpaparinig ni Astrid sabay tingin kay Keziah. "Hoy babaeng pawalk hindi ako naiinggit sayo! Over my sexy body!" May pairap-irap at nandidiring sagot niya. "Anong nangyayari hindi ko makita?" Inosenteng tanong ni Maisyn na pilit inaalis ang nakatakip na kamay sa kanyang mata. "Wag mong tatangkaing tingnan Mai baka masira ang birhen mong mata. mas mabuti ng naririnig mo mas katanggap-tanggap pa 'yon" Nakikiusap na sagot ni Edweena. "Hah? hindi ko kayo maintindihan." Naguguluhan niyang sagot habang pilit na inaalis ang kamay ni Edweena. "Tama wag mo nang tingnan Mai tara na lang sa cafeteria, may higad dito baka mahawa ka hindi pa naman nagagamot yon di ba Astrid?" Tanong nito atsaka ngumisi nanggagalaiti naman siya sa inis. "Umalis na kayo Kezi istorbo kayo eh." Awat ko sa kanila dahil alam kong hindi titigil ang dalawang to. "Ipapakilala ko pa naman sana sayo si Mai tsk tsk tsk kay Yosef ko na lang siya irereto." Umiling-iling niyang sabi sabay ngisi sa akin. "What? Sino yang babaeng yan babe? Bago mo na namang babae?" Galit na tanong ni Astrid lahat kasi ng nagiging babae ko inaaway niya wala naman kaming dalawa. Sa kama lang naman kami pero kung umasta ang babaeng to akala mo girlfriend ko talaga. "Hoy wag mong idadapo yang kamay mo kay Mai malilintikan ka sa akin." Pagbabanta ni Keziah bago sila lumabas ng tambayan namin. Tinulak naman ako ni Astrid. "Hindi kana nag bago wala lang ba talaga ako sayo?!" Galit niyang tanong sa akin tiningnan ko naman siya ng seryoso. "Sinabi ko na noon wala akong nararamdaman para sayo, bakit kaba nagagalit? Pinakikinabangan mo naman ang katawan ko." Nagulat ako ng sampalin niya ako, ang kapal naman ng mukha niya para sampalin ako. "Get out!!" Galit kong sigaw sa kanya natauhan naman siya dahil sa ginawa niya sakin. "I'm sorry nabigla lang ako." Naiiyak niyang pag hingi ng tawad sa akin. "I SAID GET OUT!" Muling sigaw ko sa kanya tumingin muna siya sa akin bago tumakbong lumabas. "Wow sinampal ka Cadcom." Hindi makapaniwala na sabi ni Zeno. "Eh kong sampalin din kita." Pagbabanta ko tumawa naman siya. "Sino yong kasama nila Edweena?" Tanong naman ni Erion. "Wag mo ng alamin, sa akin yon eepal pa kayo." Agad kong sagot, inayos ko na ang sarili ko uuwi na lang ako. "Grabe tinatanong lang kong sino yon, kay Yosef naman niya irereto hindi sayo." Nakangusong sabi ni Erion. "Una na ako may lakad pa kami ni lolo." Paalam ko sa kanila. "Mangchichicks na naman kayong mag lolo." Habol na pang-aasar ni Zeno bago ako makalabas ng tambayan. ____ Tulad na sinabi ni lolo na maaga akong umuwi, nandito na ako sa bahay hindi na ako pumasok sa huli kong klase. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa habang nanonood. "Where are we going?" Tanong habang nakatayo sa likuran niya. "Hmmm you're here, masyado ka naman atang maaga. hindi ka na naman ba pumasok sa klase mo?" Pabalik niyang tanong ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. "Total mukhang excited ka, nasa silid muna ang isusuot mo. Wag mo akong ipapahiya sa mga Fontabella! makakatikim ka na talaga sa akin!" Ano daw Fontabella? Ibig sabihin nandoon din si Maisyn? napangiti ako tadhana nga naman mukhang pinaglalapit kami. Umakyat na ako papunta sa silid ko para makapag handa, kailangang gwapo ako mamaya lalo na sa paningin ni Maisyn. Tahimik lang ako habang nasa byahe, medyo may kalayuan din pala ang bahay nila kaya naiinip na ako. "Wag ka kung saan-saan napupunta dahil ipapakilala kita kay Mr. Fontabella, bibigyan kita na unang misyon titingnan ko kong karapat-dapat ka bang pumalit sa akin." Seryoso nitong sabi isang mafia boss si lolo kaya bata palang ako nag tratraining na ako. Hindi naman ako makaangal kaya lahat ng gusto niya sinusunod ko. "Wag mo akong ipapahiya Cadmon! Malapit na kaibigan ko ang mga Fontabella." Muling paalala niya sa akin na may pagbabanta. Tumango na lang ako napatingin ako sa labas dahil pumasok kami sa malaking gate. Pagbaba ko ng sasakyan namin tumingin ako sa paligid, marami ng bisita ang pamilyang Fontabella. masasabi kong hindi nga basta-bastang tao si Maisyn double ang laki ng bahay nila sa bahay ni lolo. "Good Evening Mr. Montaverde." Magalang na bati ng isang lalaki. "Kanina pa kayo hinihintay ng magasawang Fontabella. sumunod po kayo sa akin." Nakangiti niyang sabi bago kami talikuran. Sumunod naman kami ni lolo pumasok kami sa malaking bahay walang ibang tao kundi kami lang at iban nilang katulong. Napatingin ako sa hagdan ng makarining ako yapak. "Mama ayoko ngang makihalubilo marami pa akong assignment na dapat tapusin." Pagrereklamo nito pero sa mahalumanay na boses. "Nope! This is our party Maisyn, you must learn kung paano makibagay sa mga bisita natin! paano na lang kong ikaw na ang magmamanage sa kumpanya." Napayoko siya at hindi na nagsalita pa, napabuntong-hininga naman ang kanyang ina. "Mrs. Fontabella, Mr. Montaverde is here." Singit ng lalaking sumalubong sa amin, sabay turo kong saan kami nakaupo. Tumingin naman sa amin ang ginang napalunok ako ng sariling laway dahil, magkamukha sila ng mommy niya para silang pinagbiyak na buko. "Nice to see you again Mr. Chad." Nakangiting bati nito habang hila-hila si Maisyn palapit samin. Simpleng red dress lang ang suot niya pero bumagay sa kanya. "Is that your daughter? Ang bilis ng panahon kailan lang noon makita ko siya." Tuwang-tuwa na sabi ni lolo. What? Nauna na naman siya sa akin pati ba naman si Maisyn balak niyang patulan. "Siya nga Mr. Chad" Agad na sagot ng ginang. "Hello good evening po lolo Chad." Magalang na bati ni Maisyn kay lolo, lalo namang kumikinang ang mata niya. "Naalala mo pa ako? akala ko nakalimutan mo na ang lolo mong pogi." Napapabuntong-hininga na lang ako dahil sa kacornyhan niya. "Syempre hindi po kita makakalimutan, nililigawan mo dati si yaya eh.you give me a lot of chocolates tapos hinihiram mo si yaya." Parang batang pagpapaalala nito humagalpak naman sa tawa si lolo, tsk nakakahiya siya pati ba naman katulong nako naman!. Tumawa na din ang kanyang ina pero siya napakamot nalang sa batok, tumingin siya sa akin nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Oh why are you here?" Tanong niya ng makilala ako. "Magkakilala na kayo?" Tanong ni lolo tumango naman siya. "Yeah pumasok siya sa classroom namin kanina. kahit hindi ko naman siya kaklase." Tumingin naman sa akin si lolo ng seryoso, nagkibit balikat naman ako. "Oh nice magkakilala na pala kayo, sana bantayan mo ang anak ko hah masyado kasi tong mabait baka may mangbully sa kanya." Siniko naman ni Maisyn ang kanyang ina. "Mama hindi na ako bata kaya ko na ang sarili ko." Nakanguso niyang sabi. "Mr. Montaverde finally nagkita ulit tayo." Masiglang bati ng isang lalaking kakapasok lang, may hawak-hawak itong wine. Napatingin ito sa akin. "Siya na ba ang apo mo? Pwede na pala sila magpakasal nang anak ko" Saad nito sabay tawa ng malakas. tumawa naman sila lolo maliban sa amin ni Maisyn na hindi makapaniwala sa sinabi ng daddy niya. "Cadmon right? Can we talk" Seryoso niyang sabi kanina ang saya-saya lang nila pero ngayon naging seryoso na sila. Suminyas sa akin si lolo na sumunod kaya tumayo na ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin totoo kayang ipapakasal niya ako sa anak niya. Hindi pwede paano na ang mga babae kong naghihintay sa akin. "I'm Marlon Fontabella kaibigan ko ang daddy mo noon maging ang iyong ina, may sinumpaan kaming dapat matuloy." Malamig at seryoso niyang sabi habang nakatingin sa labas, hindi ko maiwasang hindi pagpawisan kahit naka-aircon na kami. "Me and your father, have many enemies in this world, hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako mabubuhay. So kakapalan ko na ang aking mukha nakikiusap ako sayo, wag mong pababayaan ang kaisa-isa kong anak. Maraming gustong pumatay sa kanya hindi normal ang buhay ng anak ko. ngayon lang namin siya pinalabas ng bahay dahil alam naming hirap na hirap na ang aking anak. Gusto kong maranasan niya din kung paano magkaroon ng kaibigan at makisalamuha sa ibang tao." Mahabang kwento niya yong kaninang seryoso at nakakatakot na kausap ko ngayon para na siyang maamong tupa kitang kita ng dalawang mata ko ang pagmamahal niya sa kanyang anak. "Gusto ko sanang maging malapit kayo ng anak ko bilang isang magkaibigan, hindi kita pipiliting magustuhan ang anak ko. dahil wala akong karapatan diktahan ang puso mo. ang akin lang ayokong iparamdaman sa anak ko na iba siya sa mga tao. maasahan ba kita Mr. Montaverde?" Seryoso na tanong niya hindi ko alam ang aking isasagot, nag-sisink-in palang sa'king utak lahat ng sinabi niya. "Silent means yes? tatanawin ko itong malaking utang na loob sayo. Kung ano man ang kailangan mo magsabi ka lang sa akin. wag lang babae dahil madadali ako ng dalawang babae sa buhay ko." Sabi nito sabay tawa tinapik nito ang balikat ko at ngumiti bago lumabas, naiwan akong nakatulala dito sa opisina niya. Ano daw? Kaibiganin ko ang anak niya? Hindi pakakasalan?. ITUTULOY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD