*MAISYN' s POV*
——
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat, may malamig na kamay kasing humawak sa paa ko. Tumingin ako kay mama nagpipigil ito nang tawa kainis ano na naman ang nakain niya.
"Mama natutulog ang tao." Pagrereklamo ko dahil inaantok pa ako, madaling araw na nong matutulog kami. tapos gigisingin nila ako ng maaga hustisya naman.
"May pasok ka pa Maisyn Fontabella, bilisan mong kumilos dahil may susundo sayong pogi." Kinikilig niyang sabi, napanganga naman ako dahil ang landi ng nanay ko.
" My gosh mama hindi ka na nahiya kay papa lumalandi ka pa." Sermon ko sa kanya inismiran niya lang ako.
"Kumilos-kilos ka na baka mamaya nandyan na siya, wag mong pinaghihintay ang bago mong kaibigan? Ka-ibigan? Ah basta bilisan mo Maisyn." Napahawak ako sa aking ulo dahil lalong sumakit, ano ang pinagsasabi ni mama. atsaka sino naman ang susundo sa akin? si Edweena kaya pero hindi eh pogi ang sabi ni mama sino naman kaya yon, sila lang naman ang bago kong friends sa paaralan na pinasukan ko ngayon.
"Aaarrrgghh ang gulo talaga nilang kausap!" Naiinis kong sigaw bago bumaba ng kama.
Kumilos na ako baka lalo pang sumakit ang ulo ko kakaisip nang sinasabi ni mama, minsan ang hirap nilang sabayang dalawa tumatanda na sila pareho pero paurong. isang beses nadatnan ko silang nagtatalo dahil nakalimutan ni papa na monthsary nila. the heck! mahalaga ba yon basta ang importante nagmamahalan silang dalawa, ayon isang buwan na hindi nagpapansinan kahit masakit sa ulo ako na ang nagadjust para sa kanilang dalawa.
Pagkatapos kong makapagpalit lumabas na ako ng banyo, sakto namang pumasok si mama nakapang opisina na ito. “Bilisan na Maisyn nandyan na ang sundo mo hindi dapat pinaghihintay ang ganun ka gwapo.” Napairap ako dahil ayan na naman po siya.
“Mama sino ba kasi yang sinasabi mo? atsaka nandyan naman si Mang Peter na maghahatid sa akin.” Medyo na naiinis ko nang reklamo habang nagsusuklay ng buhok. lumapit siya sa akin at kinuha ang suklay na hawak ko.
“Ikaw naman nagagalit na agad, gusto lang namin magkaroon ka ng kaibigan isang mapagkakatiwalaang tao. para hindi na kami mag alala ng papa mo kinausap niya ang apo ni Mr. Montaverde para maging kaibigan mo.” Mahabang paliwanag niya habang sinusuklayan ako, kunot noo akong tumingin kay mama dahil sa kanyang sinabi. ano daw yung lalaki kagabi ang corny pa naman niya halos kakikilala lang naming magpakasal na daw kami. halatang babaero bakit siya ang dami naman dyan.
“Tara na baka malate na kayong dalawa.” Pinatayo na ako ni mama nakasimangot kong kinuha ang bag ko at lumabas ng aking silid.
Habang pababa kami ng hagdan nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang kinakalikot ang kanyang cellphone.
“Cad nandito na ang anak ko ingat mo siya.” Nakangiting sabi ni mama ang sarap niyang kurutin sa singit. tumayo na siya at ngumiti sa akin ngumiti naman ako ng pilit.
“Opo Tita, mauna na po kami” Magalang niyang sagot tinulak na ako ni mama, tiningnan ko naman siya ng masama. ang sama niya talaga parang pinamimigay na lang ako sa lalaking to.
“Babye ingat kayo.” Hindi ko siya pinansin lumakad na kami palabas ng bahay, sumunod lang ako sa kanya naka-complete uniform na siya hindi tulad kahapon. matangkad siyang lalaki halatang maalaga sa katawan dahil medyo malapad ang likod niya. pero hindi ko siya type hmmmp.
“Maisyn ayos ka lang?” Tanong niya habang kinakaway ang kanyang kamay sa harapan ko, agad naman akong tumango nakakahiya kanina pa ata siyang nakatingin sa akin. tumingin ako sa sasakyan niyang bukas na ang pintuan aarrgghh nakakahiya ka Maisyn!
Agad akong sumakay pagkasarado niya nang pintuan ay umikot siya at sumakay, binuklat ko na lang ang aking libro dahil sa kahihiyan bakit ba kasi pinagmamasdan ko siya kanina.
“Anong oras matatapos ang klase mo mamaya?” Napatingin ako sa kanya baka kasi may kausap siya sa cellphone. “Ako?” Tanong ko dahil sa akin ito nakatingin. bakit niya tinatanong anong meron.
“Para alam ko kung anong oras kita susunduin.” Lumaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. nakakabasa siya ng iniisip ang galing.
“Hah? hindi na kailangan kaya ko ang sarili ko.” Agad kong sagot ano bang ginagawa niya hindi naman kailangang sunduin pa ako.
“Malalagot ako sa daddy mo pati na rin kay lolo.” Agad naman akong umiling "Hindi naman nila malalaman, okay lang ako kasama ko naman sila Edweena." Nakangiti kong sagot para tumigil na siya.
"Nope susunduin pa rin kita mamaya, kailangang sabay tayong uuwi ayokong mawalan ng allowance." Sumimangot na lang ako wala na ba talaga akong takas. Nakakainis arrgh! nakakalabas nga ako may asungot naman na nakasunod sa akin.
"Hangang alas tres lang ako mamaya. pupunta na lang akong tambayan niyo baka may pasok kapa." Nakasimangot kong sagot bago tumingin sa labas.
Maya-maya pa ay nakarating na kami dito sa school, hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako. Kusa na akong lumabas ng sasakyan niya. napapatingin naman sa akin yung ibang kapwa namin estudyante.
"Uy Cadmon." Tawag sa kanya ng isang lalaki, napatingin din ito sa akin. "Teka ikaw yung babae kahapon diba? Hoy Cadmon bakit mo kasama?" Tinaasan ko naman siya ng kilay sino naman to ang ingay.
"Wala ka don tabi ka nga dyan, panira ka nang araw Yosef." Pagta-taboy nito ngumisi lang ito sa kanya.
"Hi Miss I'm Yosef Valderrama." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay.
"Maisyn." Maikling pagpapakilala ko, makikipag shake hands na sana kaso hinawakan ni Cadmon ang kamay ko.
"Don't you dare touch her!" Seryoso nitong sabi habang nakatingin kay Yosef. tumawa lang siya na parang tanga.
"Wag kang lalapit sa lalaking yan, baka mamaya sugurin ka ng mga babae niya." Seryoso pa rin siya habang yung isa tawa ng tawa baliw na ata ang lalaking 'to.
"Grabe ang damot mo naman, babakuran muna ba siya? Paano si Astrid siguradong mababaliw na naman sa galit yon." Natatawa niyang sabi, Astrid? Yung kaaway ni Kezi kahapon ibig sabihin may girlfriend na si Cadmon?. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya.
Baka ako din ang awayin niya, hindi pa naman ako marunong makipag-away.
"Papasok na ako bye!." Paalam ko atsaka tumakbo palayo sa kanila, tinatawag niya ako pero hindi ko na pinansin.
Pumasok na ako sa una kong subject, kumaway naman sila Kezi at Edweena nang makita ko sila. Lumapit ako doon at umupo sa tabi ni Kezi. Kaklase ko silang dalawa sa lahat ng subject, sila na lang kasi ang third year yung ibang kaibigan nila graduating na.
"Nagawa mo assignment mo?" Tanong sa akin ni Edweena tumango naman ako.
"Buti naman hindi kagaya ng isa dyan umasa na naman sa akin." Pagpaparinig niya sabay tingin kay Kezi.
"May training ako kagabi kaya wag kang epal dyan." Mataray na sagot niya habang nagsusulat. Ano raw training? Para saan naman.
"Saan pala tayo mamaya? Malling? Or tambay na lang sa tambayan?" Tanong uli ni Edweena nagkibit balikat naman si Kezi.
"Hindi ako pwedeng gumala eh, sabay kasi kaming uuwi ni Cadmon." Sabay silang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko.
"Ano tama ba ang narinig ko? Sabay kayong uuwi ni Cadmon?" Malakas na tanong ni Kezi dahilan para mapatingin sa amin ang iba naming kaklase. Tinakpan ko naman ang bunganga niya, pero inalis niya agad ang kamay ko.
"Bakit kayo sabay uuwi? Kayo na ba?" Tanong naman ni Edweena. napanganga ako habang nakatingin sa kanila, ganun na lang ba kabig deal ang pag sabay ko kay Cadmon. Wala naman sigurong masama dahil magkaibigan naman ang parents namin.
"Seryoso sabay kayong uuwi? sa iisang bahay ba kayo nakatira?" Umiling naman ako dahil sa tanong na yon ni Kezi. "Hindi ihahatid niya ako sa bahay namin, ayoko sana kaso papagalitan daw siya ni Papa at ni Lolo Chad." Nakanguso kong sagot kuminang naman ang mga mata nilang dalawa.
"Ibig sabihin engaged na kayong dalawa? Oh my gosh sa wakas mukhang magiging mabuting lalaki na si Cadmon. Isa kang hulog nang langit Maisyn salamat at dumating ka." Naiiyak na sabi ni Edween, naguguluhan naman ako sa pinagsasabi niya.
"Ano ba kayo hindi kami engaged, magkaibigan ang parents namin kaya dapat maging magkaibigan din kami." Paliwanag ko sa kanya pero tila hindi siya naniniwala. Required bang maging friend din kami lalo akong mababaliw sa dalawang to. Bakit ba laging kauri ni mama at papa ang mga taong napapalapit sa akin. ang hihirap nilang intindihin nakakastress na.
"Sus wag kang mag-alala secret lang nating tatlo to walang makakaalam ang tungkol sa inyo ni Cadmon." Kinikilig na saad niya sabay hampas sa braso, napabuntong-hininga na lang ako.
"Wala nga kaming relasyon ni Cadmon, ngayon lang kami nagkakilala hindi pa ako handa sa bagay na yan." Paliwanag ko sa kanila, ayokong isipin nila na merong namamagitan sa aming dalawa dahil hindi mangyayari ang bagay na yon.
"Naiintindihan namin ang nararamdaman mo, sarado ang bibig naming dalawa ni Edweena makakaasa kang sikreto ang tungkol sa inyo ni Cadmon." Kumindat pa si Kezi sakin. nasapo ko ang aking noo dahil kahit anong paliwanag ko walang epekto.
Kakausapin ko si mama tungkol dito ayoko ng ganito, lalo akong mababaliw sa dalawang to jusko bigyan niyo naman po ako ng matinong kaibigan gusto kong maging normal na tao hindi abnormal.
_________
*CADMON's POV*
——
Kanina pa ako kinukulit ni Yosef. bakit ko kasama si Maisyn, ano bang pakialam niya kung magkasama kaming dalawa. nakakainis lang! hindi ko naman responsibilidad ang babaeng yon pero bakit ako? wala pa nga akong sinasabi nagpapasalamat na siya sa akin. Tuwang-tuwa pa si tanda nakakainis!
"Hoy Cadmon kanina pa kita tinatanong bakit kasama mo si Maisyn?" Pangungulit niya tumingin ako sa kanya ng masama.
"Pwede ba tigilan mo ako Yosef kanina ka pa napipikon na'ko sayo lintik ka!" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Ayaw mong sabihin siya na lang tatanungin ko." Nakangising sagot niya. "Subukan mong kausapin si Maisyn malilintikan ka sa akin!" Pagbabanta ko hindi dapat lumapit ang katulad niyang lalaki kay Maisyn.
"Oh bakit wala naman kayong relasyon diba? May pag-asa pa akong ligawan siya." Binato ko sa kanya ang hawak kong unan.
"Wag si Maisyn ibang babae ang pormahan mo!" Pagbabanta ko sa kanya, kairita naman ayoko ng kaibigan lang kaming dalawa may balak pa naman akong pormahan siya. Nakakainis kang matandang Montaverde!.
"Hindi mo ako mapipigilan Cadmon liligawan ko siya" Pagmamatigas na wika ni Yosef isa pa to lalong umiinit ang bungo ko.
"WAG MO NGA SI MAISYN! ENGAGED NA KAMING DALAWA!!" Sigaw ko sa kanya, lintik na buhay to bakit yon ang sinabi ko aarrgghh.
"Teka engaged na kayo? Ang bilis naman. paano nangyari yon?" Naguguluhan na tanong ni Yosef.
"Magkaibigan ang parents namin. Okay na ang dami mong tanong, nakakairita ka! layuan mo siya kung ayaw mong manghiram ng mukha ng aso!" Pagbabanta ko ngumiti lang siya sa akin, alam kong hindi susunod yan mukhang babae yan eh.
"Nagtatalo na naman ba kayong dalawa?" Napatingin kami ni Yosef sa nag salita, si Paxton Fernandez nakasandal ito sa pinto habang nakapamulsa.
"Gago nandito ka na pala, welcome back Paxton." Masiglang bati ni Yosef sa kanya ngumisi naman siya.
"Kailan ka pa dumating? Walang pasabi ah." Kunawaring nagtatampong tanong ko, galing kasi siyang bakasyon ngayon lang umuwi. Isa din siya sa mga kaibigan ko bali childhood friend ko si Paxton. naging kaibigan lang namin sila Yosef simula noong nagaral kami ng high school.
"May pinag-aawayan na naman kayong babae?" Muling tanong ni hindi man lang sinagot ang tanong namin. Umupo ito sa tabi ko "Dapat hindi ka nagpa-patalo sa Yosef na yan." Natatawang bulong niya sakin.
"Bubulong ka na nga narinig ko pa, hindi naman talaga yan nagpa-patalo binakuran na niya nga eh!" Nakangusong reklamo ni Yosef. "Pero hindi pa rin ako mawawalan ng pagasa girlfriend nga naagaw fiancé pa kaya." Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Sabagay bulkan nga sumasabog, mukha mo pa kaya." Malamig na saad ko tumawa naman ng malakas si Paxton.
"Mag kaibigan ba talaga kayong dalawa? pag dating sa babae nagtatalo kayo eh." Natatawa niyang tanong "Who's that lucky girl? Mukhang malakas ang tama niyong dalawa." Muling tanong niya, magsasalita pa sana ako kaso nakarinig kami ng tawanan mula sa pinto. Damn it! Anong ginagawa nila dito!
"Oh hi Maisyn baby." Masiglang bati ni Yosef.
"Nandito ka pa Cadmon? Hindi ka pumasok?" Sunod-sunod na tanong niya tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Tinatamad akong pumasok kaya hinintay na lang kita." Sagot ko tinaasan niya ako ng kilay atsaka tumango.
"Uy Paxton nandito ka na pala." Masiglang sabi ni Kezi. Pumasok na sila ng tuluyan dito sa tambayan namin at umupo sa isang mahabang sofa.
"So she's the lucky girl? Well okay na rin." Seryosong sabi ni Paxton habang tinitingnan si Maisyn. hindi man lang pinansin si Keziah na bumati sa kanya.
"Yang mata mo Paxton baka dukutin ko yan." Tumingin naman agad siya sa akin. "Relax buddy titingnan lang eh." May pang aasar na sagot niya sa akin.
"Hi Miss, I'm Paxton Fernandez." Nakangiting pagpapakilala ni Paxton, gagong to may balak pa ata. hindi basta nakikipag usap sa babae si Paxton.
"Maisyn, Nice to meet you" Halatang pilit ang ngiti ni Maisyn, nag-aalinlangan pa siyang kunin ang nakalahad na kamay ni Paxton.
"Ang daya bakit si Paxton pwedeng hawakan si Maisyn, ako hindi ang sama mo talaga Cadmon!" Parang batang pagrereklamo ni Yosef.
"Paano manyak ka kaya dapat lang na bawal mong hawakan si Mai." Masungit na sagot ni Kezi sa kanya. ayan na silang dalawa world war for sure na naman to.
"Tara na nga may klase pa tayo." Aya ko sa dalawa alam kong walang balak pumasok ang mga to.
"Akala ko ba hindi tayo papasok?." Agad na tanong ni Yosef.
"Nag-bago ang isip ko pumasok na lang tayo, kaya tara na" Tumayo na ako sa pagka-kaupo ganun din ang dalawa.
"Babye wag na kayong bumalik." Nakangising sabi ni Edween tiningnan ko naman siya ng masama.
Lumakad na kami palabas ng tambayan, bubuksan ko pa sana ang pintuan pero bumukas ito.
"Babe" Tawag sa akin ni Astrid atsaka niyakap, sumipol naman ang dalawang siraulong kasama ko.
"Papasok na ako tumabi ka dyan." Masungit na utos sa kanya nawala ang ngiti niya, narinig kong tumawa si Keziah dahilan para mapatingin si Astrid sa pwesto nila.
"Bakit nandito tong babae mo? Hindi ba siya inform na may girlfriend ka na at umaaligid pa yan dito?" Mataray niyang tanong, napapikit ako para ikalma ang sarili ko ayoko ng away ngayon please lang.
"Pwede ba Astrid kong makikipag talo ang gusto mo ngayon umalis ka na lang sa harapan ko!" Mahinahon kong sabi sa kanya.
"Kaya ba hindi mo ako sinundo dahil sa kanya? Alam mo bang ang tagal kong naghintay sa bahay pero wala ka. Tapos maririnig ko na lang may iba kang kasabay!" Galit na galit niyang sagot hindi ako nag-salita. Hinila ko palabas ng tambayan namin.
"Para linawin ko sayo Astrid walang namamagitan sa ating dalawa! kailangan lang kita para sa pangangailangan ko bilang isang lalaki. naiintindihan mo ba yon! baka gusto mo pang sabihin ko sayo para malinawan ka. Parausan lang kita!" Madiin kong sabi sa kanya, tinulak ko siya palayo sa akin bago tuluyang naglakad. Hindi ako nakikipagrelasyon sa mga nagiging babae ko hanggang kama lang sila.
"Mauna na kayo, magpapalamig lang ako." Utos ko kila Yosef, tumango naman sila bilang sagot hinintay ko muna na umalis sila bago ako lumakad pabalik sa tambayan namin.
Wala na si Astrid sa labas buti naman lalo lang sumasakit ang ulo ko, Binuksan ko na ang pinto tumingin sila sa akin ng may pagtataka.
"Akala ko ba papasok na kayo?" Tanong ni Kezi tahimik lang akong pumasok sa loob. Kinuha ko ang gamit ni Maisyn.
"Tara na ihahatid na kita." Aya ko sa kanya, tumingin naman siya kila Kezi tumango lang ang dalawa.
"Ingat kayo." Sabay nilang sabi tumango naman si Maisyn. Hinila ko na siya palabas ng tambayan namin.
"Bakit uuwi na agad tayo diba may pasok kapa?" Tanong niya sa akin habang hila-hila ko siya.
"Tinatamad akong pumasok ihahatid na kita baka hanapin ka na sa inyo." Sagot ko pero sa daan pa rin ang tingin ko.
"Wala pa naman sila mama doon, mamayang gabi pa ang uwi nila." Mahinang sagot niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko.
Pagdating namin sa parking lot buksan ko na ang pintuan ng sasakyan ko.
"Gusto mo tumambay muna tayo? may alam akong tahimik na park." Tanong ko sa kanya, tumango siya bago sumakay.
Tulad kanina tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe, nakatingin lang siya sa labas na parang bata ano kayang pakiramdam ng nakakulong lang sa bahay. Kapag tinitingnan ko parang nag-aadjust pa lang siya lihim akong napangisi, igagala kita ngayon sisimulan ko muna sa malapit na park.
Hininto ko na ang aking sasakyan sa lagi kong pinupuntahan na park. "Nandito na tayo" Hindi matao dito dahil may pasok tuwing sabado at linggo lang nabubuhay ang park na to.
Bumaba na siya sa sasakyan ko sumunod naman ako sa kanya. "Ang ganda, lagi kaba dito?" Tanong niya habang nakatingin sa paligid.
"Hindi naman palagi kapag gusto ko lang mapag isa, dito ako nagpupunta." Tumango-tango naman siya.
"So gusto mong mapag-isa ngayon? Bakit mo ako sinama dito?" Muling tanong niya pero this time tumingin na siya sa akin.
"Parang ayaw mo pang umuwi eh, Kaya dinala kita dito." Sagot ko bahala na kung hindi lumusot ang palusot ko.
"Ahh hmmp nagagalit ang girlfriend mo sa akin, dapat siya ang hinahatid sundo mo hindi ako. baka mamaya awayin ako noon mukha pa namang war freak." Natawa siya ng mahina sabay tingin sa malayo.
"Ayokong makasira ng relasyon, okay lang naman sa akin kahit hindi muna ako sunduin. Pero dapat friend pa rin tayo masaya ako kasi nakilala ko kayo, kahit madalas hindi ko kayo maintindihan dahil ang gugulo niyo. Ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan. akala ko noon okay mabuhay kahit walang kaibigan pero iba pala yong saya." Nakangiti niyang sabi kumikinang pa ang mga mata niya habang nagsasalita. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Ang drama mo naman baka umiyak ka pa niyan" Pang aasar ko lalo ko pang ginulo ang buhok niya, tumingin siya sa akin ng masama nagulat ako dahil sinabunutan niya ako.
"Ahh ganyan pala ang gusto mo." Tumawa lang siya at tumakbo ng parang bata hinabol ko naman. Ang sakit kaya ng ginawa niyang pag sabunot sa akin.
Tawa lang siya ng tawa habang tumatakbo, hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil kahit papano ay hindi na siya naiilang sakin.
Hayaan mo magiging mabuti akong kaibigan sayo. gaya ng pakiusap ng iyong am. kakaibiganin kita ikaw na ang girl bestfriend ko simula ngayon.
ITUTULOY.