Masayang kumakain sila Maisyn sa may Cafeteria kasama ang mga kaibigan ni Cadmon. wala ang binata dahil may klase pa ito kaya sinamahan nila ang dalaga.
"Kamusta naman kayo ni Cadmon?" Tanong ni Bran sa dalaga, ngumiti naman si Maisyn bago sumagot.
"Maayos naman." Tipid niyang sagot sabay kagat sa sandwich na inorder niya. Medyo naiilang ba siya dahil hindi naman niya madalas nakakasama ang mga lalaking kaibigan ni Cadmon.
"Nililigawan ka niya?" Tanong ni Paxton, napatingin naman ang dalaga sa kanya. "Hindi ah mag kaibigan lang kaming dalawa." Umiiling na sagot nito nagkatinginan naman silang mga boys, akala nila magfiancé ang dalawa pero mukhang tinatanggi ng dalaga.
Ngayon lang nila kasamang kumain ang dalaga kaya ito na ang chance nilang malaman ang totoo.
"Engaged na kayo?" Halos maibuga ng dalaga ang pagkaing nasa bunganga niya dahil sa tanong ni Yosef. Inabutan naman agad siya ni Kezi ng tubig.
"Bakit ba ganyan ang mga tanong niyo sa kanya." Sita ni Edween sa kanila. Nagkibit balikat lang silang lima.
Maisyn didn't know what she was feeling because of Cadmon's friend's questions. 'Why are they asking me those questions, wala naman kaming relasyon ni Cadmon' Aniya sa kanya isipan muli siyang kumagat sa sandwich.
"There's nothing wrong with our question, right? we just want to make sure she's not denying the relationship she has with Cadmon." Kalmado na paliwanag ni Paxton habang nakatingin sa may dalaga. Medyo nakaramdam naman ng inis si Maisyn sinabi na nitong magkaibigan sila ni Cadmon.
"What do you want to know? I already told you that Cadmon and I are just friends. Ang dudumi ng utak niyo!" Hindi na maiwasang hindi mag-taray ni Maisyn dahil sa mga walang kwentang tanong nila Paxton.
Ngumisi si Paxton at Yosef dahil sa nalaman nila. They knew Cadmon was just lying. natuwa ang dalawa dahil may balak silang ligawan si Maisyn.
"Stop na please lang hindi ko carry ang usapan nyo ngayon, mag tagalog nalang ulit tayo pwede?" Pagpapatigil ni Edweena sa kanila.
"Pasensya ka na Maisyn wag ka sanang mailang sa amin. mabait naman kami may gusto lang kaming malaman kaya tinatanong ka namin." Paghingi ng paumanhin ni Zeno tanging tango lang ang sagot ni Maisyn.
Hindi niya alam kung paano pakisamahan ang lalaking nasa harapan niya. Pero mukhang mababait naman sila sa nakikita niya.
"Sumama ka sa amin minsan para hindi ka naiilang sa amin. kagaya mo din si Edween at Keziah noon na naiilang sa kagwapuhan namin." Nakangiting sabi ni Erion, umiirap naman ang dalawang dalaga dahil umiral na naman ang pagiging mahangin ng binata.
"Tumigil ka nga Erion, naiilang kami dahil puro kayo lalaki. hindi ka kagwapuhan niyong tinutukoy mo." Mataray na sagot ni Keziah.
"Sus kahit tanungin natin si Maisyn. Diba gwapo kaming lahat?" Tanong ni Erion sa dalaga. It was inevitable that Masyn would not laugh. Dahil sa tanong ng binata sa kanya.
"Hmp kung ako ang tatanungin. okay lang hindi naman kayo pangit." Sagot ng dalaga dahilan para humagalpak sa tawa ang dalawang dalaga. napailing na lang sila Paxton dahil sa kakornyhaan ni Erion.
"Kita niyo na Hahahaha, ang yabang mo kasi Erion." Tawang-tawa na saad ni Edweena. Humagikgik naman ng mahina si Maisyn sabay nag-peace sign kay Erion.
“Si Erion lang naman ang pangit sa amin tanggap na namin yon.” Lalong natawa ang tatlo dahil sa sinabi ni Bran sumimangot na lang ang binata dahil mukhang mapagtutulungan na naman siya.
“Parang hindi ko kayo mga kaibigan, pare-pareho lang naman tayong pangit dito.” Nakanguso niyang reklamo.
“Wag mo kaming idadamay Erion nanahimik ang kagwapuhan ko.” Mayabang na sagot ni Yosef sabay bato sa kanya ng plastic battle.
Napuno ng tawanan ang pwesto nila parang wala na din kay Maisyn ang nangyari kanina, isinantabi na lang niya ang pagkailang para sa mga lalaking kaibigan ni Cadmon. gusto niyang makipag-kaibigan sa mga ito.
Napatigil sila sa pagtawa dahil lumapit sa pwesto nila si Astrid kasama ang dalawa nitong kaibigan. madilim ang mukha niyang nakatingin kay Maisyn bigla naman naging seryoso ang mukha nila Yosef.
“Is she Cadmon’s new girlfriend? kaya ba hindi na niya ako pinapansin ngayon?” Mataray na tanong niya sa mga kaibigan ni Cadmon pero kay Maisyn ang tingin niya. “I wouldn’t be surprised if something happened between you and Cadmon. total malandi ka naman talaga.” Dagdag niyang sabi kumunot ang noo ni Maisyn dahil sa sinasabi ni Astrid.
“Hindi mo ba maintindihan ang sinasabi ko? Let me tell you that Cadmon only wants your body. when he gets tired of you, iiwan ka na lang din niyang parang basahan!” Biglang naging seryoso ang mukha ni Maisyn dahil iniinsulto na siya ng babaeng nasa harapan niya.
“What do you think of me, thinking of you? Para sabihin ko sayo wala kaming relasyon ni Cadmon. Ikaw lang ang maruming mag-isip pati gawain mo ipapasa mo sa akin!” Matapang na sagot ni Maisyn, ang tahimik ng mga kaibigan ni Cadmon hindi sila makapaniwala na papatulan niya si Astrid.
Tiningnan niya si Astrid mula ulo hanggang paa. “Hindi ko akalaing pumatol si Cadmon sa isang katulad mo. Obviously he doesn’t have a good taste when dating a woman.” Pag Insulto ni Maisyn kay Astrid hindi naman maipinta ang mukha ng dalaga, sa lahat ng nakakaaway niyang babae ni Cadmon si Maisyn lang ang uminsulto sa kanya.
“Wala kang karapatan na pagsalit---” Hindi niya pinatapos si Astrid sa pagsasalita.
“I have the right because you were the one who insulted me first!” Taas noong sagot nito, nanggagalaiti na sa galit ni Astrid kinuha nito ang juice sa lamesa nila Maisyn at hindi nag-dalawang isip na ibuhos ito sa dalaga. nagulat silang lahat sa ginawa ni Astrid. sasabunutan na niya sana si Maisyn pero agad na pinigilan ni Paxton.
“Stop it Astrid, hindi ka ba talaga titigil for making trouble with the girls who get close to Cadmon?!” Madiin na sita sa kanya ni Paxton mahigpit ang hawak ng binata sa kamay ng dalaga dahilan para mapadaing sa sakit si Astrid.
"Hindi naman titigil yan, wala siyang kahihiyan sa sarili. masyado ka ng desperada Astrid nakakahiya ka!" Galit na saad ni Keziah habang nakatingin ng matalim kay Astrid.
Pinunasan naman ni Edweena si Maisyn siguradong malalagot silang lahat kapag nalaman ni Cadmon ang nangyayari ngayon.
“Umalis kana Astrid bago pa dumating si Cadmon.” Seryoso namang sabi ni Yosef. galit na galit na umalis si Astrid hindi pa siya tapos kay Maisyn.
“Tara sa tambayan may extra akong uniform doon.” Aya ni Keziah inalalayan na nila si Maisyn na makatayo, hindi malaman ng dalaga kong iiyak na lang siya dahil sa kahihiyan. nakayuko lamang ito habang naglalakad, nakasunod naman ang mga boys sa kanila pinapanalangin nilang hindi pa tapos ang klase ni Cadmon.
Pagkarating nila sa tambayan, agad na pinasok ni Edweena si Maisyn sa kwarto nila ni Keziah.
"Maligo ka muna mai ihahanda ko lang ang isusuot mo." Tumango naman ang dalaga nag tungo na siya sa banyo, hindi siya makapaniwala na nakipag-sagutan siya kanina napabuntong-hininga na lang ang dalaga para pakalmahin ang kanyang sarili. Natatakot siya dahil baka balikan siya ni Astrid. Kung maari ay ayaw niyang magkaroon ng kaaway.
"What did you do Maisy?! Dapat tumahimik ka na lang kanina." Sermon nito sa kanyang sarili, hindi naman mapakali ang dalawang dalaga dahil sa kaba. Minsan na nilang nakitang nagalit si Cadmon. Ayaw na nilang maulit pa yon.
"Ipanalangin natin na walang chismosang makasalubong ni Cadmon kundi patay tayong lahat." Seryoso na sabi ni Keziah habang nakaupo sa kama.
"Ano ba kasing problema ng Astrid na yon g na g ang gaga akala mo jowa!" Naiinis namang sabi ni Edween.
——
Habang si Cadmon naman katatapos lang ang klase niya ngayong umaga. agad siyang lumabas ng classroom nila para puntahan si Maisyn. Nagtext kasi si Paxton na kasama nila sila Keziah sa may Cafeteria. kaya doon ang punta niya ngayon.
Habang naglalakad siya ay mga nadaanan siyang dalawang babae na nag-uusap. napahinto siya saglit dahil narinig niya ang pangalan ni Maisyn.
"Hindi ako sure kung Maisyn ang pangalan ng babaeng sinugod ni Astrid kanina sa Cafeteria. Basta kasama nila Keziah grabe ang pagka-desperada ni Astrid pati taong walang ginagawa kay Cadmon hindi niya pinalampas." Seryosong kwento ng isang babae, dumilim agad ang mukha ni Cadmon dahil sa narinig niya.
"Grabe nga ininsulto na nga niya binuhusan pa ng juice ang bruha talaga niya." Naikuyom ni Cadmon ang palad niya at tumakbo patungo sa tambayan nila. Alam niyang walang ibang pupuntahan ang mga yon kundi doon lang. Pagkarating niya ay agad niyang binuksan ang pintuan. Nagulat naman sila Paxton ng makita ang binata na madilim ang mukha.
"Where's Maisyn?" Malamig niyang tanong, sabay-sabay silang tumingin sa pintuan ng silid nila Keziah. Malalaking hakbang ang ginawa niya para makalapit agad doon. Kinatok niya ang pintuan maya-maya pa ay bumukas na ito. Si Maisyn ang nagbukas nagpupunas pa ito ng buhok habang naka jersey short at pulang t-shirt.
Agad na niyakap ni Cadmon si Maisyn na ikinagulat naman ng dalaga, pati na rin ang mga kaibigan niya parang may dumaan na anghel dahil ang sobrang tahimik ng tambayan nila.
"Are you alright? Did Astrid hurt you? Does anything hurt?." Sunod-sunod na tanong ni Cadmon sa dalaga. Napanganga naman sila Yosef dahil sa nakikita nila.
"O-okay lang ako Cadmon. hindi niya naman ako sinaktan." Nauutal na sagot ni Maisyn. Pakiramdam niya ang sobrang pula na ng mukha niya dahil bigla itong uminit.
Kumalas sa pag kakayakap si Cadmon kay Maisyn tiningnan niya ito ng seryoso "Hintayin mo ako dito, wag kang lalabas hanggat wala ako." Bilin nito sa dalaga tumango naman si Maisyn hindi siya makapag salita dahil naiilang siya.
Tumingin ang binata kila Yosef napalunok naman sila dahil alam nilang nagpipigil ng galit si Cadmon.
Lumakad na palabas ng tambayan nila ang binata. Habang naglalakad siya sa may Hallway ay nakasalubong niya sa Astrid. Bigla naman kinabahan ang dalaga dahil sa awra ng binata.
"Let's talk!" Malamig na sabi ni Cadmon sabay hila kay Astrid papunta sa garden ng school nila.
"Ano ba Cadmon nasasaktan ako!" Nagpupumiglas na sabi ni Astrid. pinagtitinginan na sila ng ibang kapwa nila estudyante.
"Talagang masasaktan ka sa akin Astrid!!" Malamig na saad ng binata, napalunok naman ng sariling laway ang dalaga.
"What the hell is your problem? Why are you insulting Maisyn?!" Madiin na tanong ni Cadmon sa dalaga habang hawak-hawak niya ito sa braso. "Don't you f*****g dare compare her to you Astrid. you're not even close! Dahil kahit pagbalik-baliktarin mo man ang mundo hindi kayo magiging magkapareho. I want nothing else from you. Astrid your role is to warm my bed nothing more! Maisyn is important to me. Tandaan mo yan!" Tinulak niya ang dalaga dahil sa galit nito. hindi naman maiwasang hindi mapaluha ni Astrid. durog na durog ang puso niya ngayon dahil muling pinamuka na naman ni Cadmon. kung sino nga ba siya sa buhay ng binata.
"Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako Cadmon, lahat binigay ko sayo pero bakit hindi mo ako kayang mahalin?" Umiiyak na tanong ni Astrid sobrang nasasaktan siya ngayon dahil kitang-kita niya kong gaano ka-importante si Maisyn sa binata.
"Layuan mo ako Astrid dahil tapos na ang kung ano man ang meron tayo. sinabi kona sayo noong una palang hindi kita gusto. Hindi na magbabago yon Astrid. kailangan ko pa bang ulit-ulitin sayo kong ano kita?" Madiin na sagot ni Cadmon lalo namang naiyak si Astrid.
"Ako ang mas matagal mong kasama, pero bakit siya ang mas importante sayo? Halos kaka-kilala niyo lang. Simula dumating siya iniwan mo lang akong parang isang basahan. Talaga bang katawan ko lang ang gusto mo? Wala kabang nararamdaman kahit kunti sa akin? Grabe ka naman Cadmon. Mahalin mo naman ako kahit konti lang bigyan mo naman ako ng halaga mahirap ba para sayo yon?." Napahagulgol sa iyak si Astrid ngayon lang siya umiyak ng dahil sa lalaki. Minahal niya ng sobra si Cadmon akala niya matututunan din siyang mahalin nito pero nagkamali siya.
"Oras na ginawa mo pa ulit ang ginawa mo kay Maisyn, kakalimutan kong babae ka Astrid tandaan mo yan." Pagbabanta ni Cadmon "Wag si Maisyn! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!" Pagkasabi niya iyon ay iniwan na niya si Astrid na umiiyak.
"Hindi ako titigil Cadmon. gagawin ko pa rin ang lahat mahalin mo lang ako. Gagawa ako ng paraan para mawala sa buhay mo ang Maisyn na yan. sa akin ka lang Cadmon. Buburahin ko si Maisyn sa buhay mo." Punong-puno ng galit na sabi ni Astrid habang nakatingin sa binatang papalayo sa kanya. ang lalaking una niyang minahal at hindi siya kayang mahalin pabalik.
——
Lumipas ang isang linggo hindi na muling ginulo ni Astrid si Maisyn. pero hindi pa rin mapalagay ang dalaga dahil kada magkaka-salubong sila sa Hallway ay matalim siyang tinitingnan ni Astrid. hindi na lang niya yon pinapansin. Naging maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng mga boys. Kahit papano ay hindi na siya naiilang sa mga ito. Pati mga kayabangan nila ay unti-unti na siyang nasasanay.
Sabado ngayon kaya wala siyang pasok, nandito siya sa Batangas para bisitahin ang hacienda nila. Gusto niya ding makalanghap ng sariwang hangin. Hindi tulad sa manila na puro usok ng mga sasakyan ang naamoy niya. Kada mangunngulangot ito ay ang sobrang itim ng nakukuha niyang kulangot.
Naglakad na siya papunta sa hacienda nakapajama lang ito at puting t-shirt, masaya siyang naglalakad habang nakatingin sa paligid. Marami na silang mga tauhan na abala sa mga kanya-kanya nilang gawain.
"Magandang araw po." Magalang na bati ng dalaga sa mga namimitas ng mangga.
"Magandang umaga din po Senyorita" Bati nila sa dalaga, ngayon lang ulit nila nakita si Maisyn. naninibago sila noong una dahil wala ng dalagang madaldal at nangungulit sa kanila kapag oras ng trabaho.
"Kumain na po kayo? Wag niyo po kayong nagpapalipas. Sabihan niyo lang po ako kapag may problema ako." Nakangiting sabi ng dalaga sa mga trabahador nila.
"Wala ka dapat ipag alala senyorita kumain na kami bago pumasok. Ayaw naman naming nagaalala kapa sa amin. may mga bunga na din po ang rambutan natin ngayon." Magalang na sagot ng isa sa matagal ng nagtatrabaho sa hacienda nila.
"Talaga po may bunga na. Sige po dadaanan ko mamaya maglilibot-libot lang po muna ako." Paalam ng dalaga naglalakad-lakad na siya sa paligid.
Nagtungo ang dalaga sa mga rambutan para tingnan ang bungo nito, ngayon lang kasi namunga ang rambutan nila kaya excited si Maisyn na makita ito.
Hindi niya maiwasang hindi mapangiti ni Maisyn ng makita ang mga rambutan. May mga mangilan-ngilan ng pula ang bunga. nilibot niya ang buong taniman ng rambutan. Napapangiti na lamang siya dahil kahit papano ay nakapag relax siya. Dahil siguradong pag uwi niya sa manila ay stress na naman ang aabutin niya.
Umupo ang dalaga sa may kuba dahil nakaramdam na ito ng pagod. Pinagmasdan niya ang malawak nilang lupain. Gusto niyang maging masaya dahil nagbunga ang pagiging masipag ng kanyang magulang. pero hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil sa mga banta sa kanyang buhay. Bata palang si Maisyn ay may gusto ng pumatay sa kanya. dalawang beses siyang nakidnap at binalak patayin ng mga taong kaaway ng pamilya nila. nailigtas lamang siya dahil sa mga connection ng kanyang ama. Kaya simula noon hindi na pinapalabas ng bahay ang dalaga. Kumuha ang magulang niya ng teacher para makapagaral pa rin ang dalaga. kaya iba ang kanyang nararamdaman kapag nasa labas siya pakiramdam niya ay bilang na bilang na ang araw niya.
Pero iba ang saya niya ngayon dahil pakiramdam niya ay ligtas siya. may mga nakilala na siyang masasabi niyang tunay na kaibigan. "Sana hindi nila ako layuan" Mahina niyang sabi. Napabuntong-hininga siya bago tumayo sa pag kakaupo. kailangan na niyang bumalik sa bahay nila nakakaramdam na din siya ng gutom. Naglakad na muli ang dalaga lalong naging abala ang mga trabahador nila dahil tumatanghali na.
"Uuwi na po ako." Paalam ng dalaga sa kanila na nakaugalian na niya kumaway naman sila kay Maisyn. Ngiting-ngiti ang dalaga habang naglalakad pauwi sa bahay nila. siya lang ang umuwi ng batangas dahil busy ang magulang niya sa business nila. sinamahan lang siya ng isa kasambahay nila para may kasama sa byahe ang dalaga.Nasa may kalsada na siya medyo may kalayuan pa ang bahay nila.
Napatingin siya sa kanyang likuran dahil may narinig siyang sasakyan. mabilis ang takbo nito at palapit sa kinatatayuan niya. Bigla siyang kinabahan dahil tiyak siyang sasagasahan siya. tumakbo na ang dalaga dahil sa takot na nararamdaman niya tila bumalik lahat ng ala-ala niya noong bata siya.
"Hindi kailangan kong makatakbo, ayoko pang mamatay marami pa akong pangarap." Mahina niyang sabi habang tumatakbo.
Tumingin ulit siya sa sasakyan habang tumatakbo lumaki ang kanyang mga mata dahil sobrang lapit na nito sa kanya at babanggain na siya. Napapikit ng mariin si Maisyn kasabay ng luhang kanina pa gustong tumulo.
Tumigil ang pag-ikot ng mundo niya ng nagpagulong-gulong siya sa may kalsada. "Gusto ko lang naman maging masaya. Bakit laging may kapalit wala na ba akong karapatan mabuhay ng normal sa mundong ito. hanggang kailan nila balak patayin bakit ganito ang kinagisnan kong mundo." Mahina niyang sabi habang nakatingin sa langit. Nanlalabo na ang paningin niya bago pa siyang tuluyang pumikit. tumingin siya sa sasakyan na bumangga sa kanya hindi niya maaninag ang plate number. napaluha na lang siya dahil hindi niya malalaman kung sino ang may gawa nito sa kanya. Humarurot na ang sasakyan palayo sa kanya.
'Patawarin niyo ko mama, sana nakinig na lang ako sa inyo. hindi sana nangyari sa akin to ngayon patawarin niyo ako. dahil sa kagustuhan kong maging normal ang buhay lagi akong napapahamak. lagi ko kayong pinagaalala i'm sorry.' Aniya sa kanyang isipan pakiramdam niya ito na ang kanyang huling araw. napangiti muna ito ng mapakla habang inaalala ang mga masasayang araw niyang kasama ang mga taong kahit saglit lang ay naging parte sila nang buhay niya muling tumulo ang kanyang luha kasabay ng kanyang unti-unting pag-pikit ng mga mata niya.
ITUTULOY...