Agad na nalaman ng mag-asawang Fontabella ang nangyari sa kanilang anak. Isinantabi nila ang mahalagang meeting at lakad ng mag-asawa para puntahan ang dalaga.
Hindi mapakali si Maricel dahil sa sobrang pag-aalala kaya pala kinakabahan siya kanina pa. hindi niya akalaing may mangyayaring masama sa anak nila. ayaw nitong payagan si Maisyn noong nagpapaalam ito sa kanya na uuwi ng batangas. pero nagpumilit ang dalaga gusto daw nitong mag--relax at makalanghap ng sariwang hangin. Kaya walang nagawa ang mag-asawa kundi payagan si Maisyn.
"Ang anak natin Marlon, bakit kailangan mangyari na naman to. Akala ko ba pinatahimik muna ang mga taong gustong pumatay sa kanya?" Umiiyak na tanong ng ginang sa kanyang asawa. Hindi naman nag-salita si Marlon nagngingitngit ito sa galit habang nagmamaneho malapit na sila sa hospital kong saan tinakbo si Maisyn.
"Gumawa ka ng paraan Marlon. para sa anak natin ayokong mawala si Maisyn hindi ko kakayanin." Pakiusap ng ginang sa kanyang asawa. Tumango lang si Marlon. lalo na siya hindi niya alam ang kaya niyang gawin. Oras na mawala ang anak niya wala siyang idea kung sino ang may gawa nito kay Maisyn. Kailangan niyang alamin kung sino ang nasa likod nito.
"Ikaw muna ang bahala sa anak natin Maricel, may dapat lang akong aasikasuhin." Bilin nito sa kanyang asawa pagkahinto ng sasakyan sa harapan ng hospital.
"Mag-ingat ka" Niyakap niya muna ang ginong bago bumaba ng sasakyan. Sinalubong naman agad siya ng kasambahay nilang nagbabantay sa anak nila.
"Kamusta ang anak ko?" Nagaalala na tanong ng ginang.
"Sa ngayon po madam hindi pa po nagigising si senyorita." Agad na sagot ng ginang sa kanyang ama. Lumakad na silang papunta sa room ng dalaga.
Halos mapa-takip ang bibig si Maricel ng makita ang kanyang anak. Puro sugat ang kamay nito pati ang mukha nabalutan din ng benda ang ulo nito.
"Diyos ko ang anak ko." Umiiyak na sabi nito hinawakan nito ang kamay ng dalaga. "Gumising ka na Maisyn, maraming naghihintay sayo ang mga bago mong kaibigan." Pakiusap ng ina ni Maisyn sa kanya patuloy pa rin ito sa pag iyak. Akala niya ay maayos na ang lahat pero bakit nangyari na naman ang kinakatakutan nilang mag-asawa.
Napatingin ang ginang sa pintuan dahil bumukas ito. ang doctora ngumiti ito sa kanya.
"Doc, kamusta ang anak ko?" Puno ng pag-aalala na tanong ng ginang.
"You have nothing to worry about Mrs. Fontabella, your daughter is doing well. She only has a mild head injury. Let's just wait for him to wake up." Paliwanag ng doctor sa kanya, tumango naman ang ginang bilang sagot at lalong naiyak dahil sa halo-halong emosyon.
Habang ang ama naman ni Maisyn nakarating na sa bahay nila, pinatawag niya lahat ng nagtatrabaho sa kanilang hacienda. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa kanila.
"Alam ko na alam niyo na ang sinapit ng aking anak. Gusto kong malaman kung sino ang nakakita sa kotseng bumangga sa kanya." Nagkatinginan silang lahat abala sila sa pamimitas ng oras na yon.
"Sir, noong pumasok ako ng hacienda may napansin ako ang itim na sasakyan. malapit sa lumang bahay pero hindi ako sigurado. kung yan ang bumangga kay senyorita." Paliwanag ng isang tauhan niya, napatingin naman siya sa tinutukoy nitong lumang bahay. matagal ng walang nakatira sa bahay na yan pero ang bali-balita may bumili dyan. 'Kailangan kong malaman kung sino ang bagong may-ari ng bahay na yan' aniya sa kanyang isipan.
"Hindi po kaya Sir, nag-umpisa na naman ang mga taong gustong pumatay kay senyorita?" Sabi naman ng isa pang lalaki.
"Pwede ding may ibang nakakita sa nangyari. ayaw lang nilang mag salita. may tumawag daw kay manang Mary na nasa hospital ang anak niyo sir. nataranta ito at nagsisigaw papunta sa amin. sinabi niyang ihatid namin siya sa hospital dahil nandon si senyorita." Paliwanag naman ng isa. Nanatiling tahimik ang ginong. hindi niya maalis ang sinabi ng isang tauhan nila tungkol sa sasakyan.Dumagdag pa ang lalaking nagdala kay Maisyn sa hospital.
Kung yon nga ang bumangga kay Maisyn posibleng inabangan na talaga ang dalaga. "Bumalik na kayo sa trabaho." Utos nito bago talikuran ang mga trabahador. naawa sila para sa kanilang amo dahil saksi sila kong gaano nila kamahal ang kanilang anak. Kaya nalulungkot sila sa sinapit ng dalaga. mabait ang mga Fontabella wala silang masabi lalo na sa mag-asawa.
Kinuha ni Marlon ang kanyang cellphone para tawagan si Mr. Montaverde alam niyang siya lang ang makakatulong sa kanya. kahit tinalikuran na nito ang pagiging Mafia ay bukas pa rin ang pinto para sa kanya. dati silang mafia ng kanyang asawa nag bagong buhay sila simula noong nabuntis si Maricel. mas gusto nilang ilayo ang anak sa mundo nila dahil hindi biro ang isang pagiging Mafia.maaring buhay mo ang magiging kapalit kapag hindi ka nag-ingat.
Nakailang ring muna ang cellphone nito bago sinagot ni Mr. Montaverde. nagtataka naman ang ginong dahil sa tawag ni Marlon. “Hello Mr. Fontabella” seryosong bati nito mula sa kabilang linya.
“I need your help Mr. Montaverde, the person who wants to kill my daughter, has started again. sa ngayon hindi ko alam kong sino nasa hospital ngayon ang anak ko. hindi ko pa alam ang kalagayan niya kailangan ko mo ng alamin kung sino ang nasa likod nito.” Napakunot naman ng noo si Chad dahil sa sinabi ni Marlon. ang akala niya nailigpit na lahat ng taong gustong pumatay sa anak niya.
“Do you need men? I will send them there now you can’t be sure your daughter is still safe. dahil hindi natin alam ang takbo ng mga utak nila.” Tanong ng ginong suminyas siya sa isang kanang kamay niya na tawagin ang mga kasamahan niya.
“I need someone who can protect my daughter. I will pay no matter how much as long as Maisyn’s life is safe.” Seryosong saad ni Marlon, napakuyom ito ng palad dahil sa matinding galit na nararamdaman niya ngayon. lalo na ngayon hindi niya pa alam ang kalagayan ng kanyang anak.
“About that. when your daughter is okay, let’s talk about that. when you also need someone to find your enemy, marami ako papunta na ang iba kong tauhan ngayon dyan isipin mo muna ang anak mo sa ngayon. ayoko namang maging biyodo agad ang apo ko.” Pabiro nitong sa huli niyang sabi sabay tawa ng malakas. masyado kasi silang seryoso ni Marlon. hindi siya sanay sa mga ganitong usapan nila iba kasi ito pag dating sa kanyang anak kaya naiintindihan niya ito. kahit sino naman baka kung siya ang nasa kalagayan nito ngayon makakapatay pa ito.
“Maraming salamat Mr. Montaverde.” Binabaan na siya ng ginong. huminga naman ng malalim si Marlon. nasabunutan nito ang sarili niya. “Lintik lang ang walang ganti makikilala din kitang hayop ka! hahanapin kita kahit saang lupalop kapa magtago! putang ina ka wag ang anak ko!!” Galit na galit niyang sigaw.
——
*CADMON's POV*
________
Pababa ako ng hagdan habang nakatingin sa paligid linggo ngayon at balak kong gumimik pero hindi ko mahagilap si lolo. wala akong pera kaya hihingi muna ako sa kanya naubos na kasi ang allowance ko pero hindi man lang siya makaramdam na bigyan ako.
Papalabas na ako ng mansyon ni Don Chad nang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito at sinagot. “Where are you? pumunta ka dito sa opisina ko may pag-uusapan tayong importante” Seryoso na sabi ni lolo sakto hihingi na ako ng pera. ang swerte ko nga naman siya na ang tumawag sa akin.
Sumakay na agad ako sa motor ko at mabilis na pinatakbo. ano naman kaya ang pag-uusapan naming dalawa tungkol na naman kaya sa pag eensayo ko. halos paulit-ulit na lang ang aking ginagawa. kahit nakapikit nga ako alam ko kaya kong gawin eh.
Hindi nag-tagal ay nandito na ako sa kumpanya ni lolo. nakangiti akong naglalakad papunta sa opisina niya dahil may mga magagandang chicks. makabingwit nga dito mamaya pampalipas oras lang dahil magbabantay na naman ako ng babaeng makulit bukas. Hindi na ako kumatok pumasok na lang ako nadatnan ko si lolo na seryosong nakaupo habang nakatingin sa akin.
“Hindi ka talaga marunong kumatok! maupo ka mag uusap tayong dalawa!” Galit na utos niya umupo naman ako sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya.
“I will give you a mission. This is your first mission as a rookie mafia. Wag mo sana akong bibiguin Cadmon ikaw ang naisip kong gumawa ng misyon na to." Napaka-seryoso niyang sabi. Napalunok naman ako ng laway bibigyan niya na ako ng misyon. Dapat masama ako dahil matagal ko ng gustong magkaroon ng misyon.
"Protektahan mo ang anak ni Mr. Fontabella. Maisyn's life is in danger, someone wants to kill her. Hindi basta misyon lang to Cadmon. dahil hindi pa alam kong sino ang taong nagtangkang patayin siya." Kunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Si Maisyn ang misyon ko? Sino naman ang taong gustong pumatay sa kanya.
"Wala kang ibang gagawin kundi ang protektahan siya. Kahit saan siya mag punta dapat nandoon ka. Dito ko makikita kong dapat pa ba ulit kitang bigyang ng misyon. Oras na pumalpak ka dito lumayas kana at wag kang magpapakita sa akin. malilintikan ka din sa ama ni Maisyn oras na hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo." Ngumisi naman ako sa kanya ang dali-dali ng ibinigay niyang misyon.
"Don't worry Chad, hindi kita ipapahiya kay Mr. Fontabella gagawin ko ang lahat para maprotektahan si Maisyn. Papatunayan ko din sayo na ako ang karapat-dapat sa pwesto mo." Sagot ko sa kanya sabay kindat. Agad niyang sinapok ang ulo ko napahawak naman ako don.
"Bastos ka talagang bata ka! Hindi muna ako iginalang lintik ka. Nandito ka sa opisina ko pero kong kausapin mo ako parang magkasing edad lang tayo!" Galit na galit niyang sigaw sa akin. Natawa naman ako hindi pa ba siya sanay na lagi ko siyang tinatawag sa pangalan niya. atsaka para naman kasi siyang bata lalo kapag may babae. wala siyang pakialam kahit halos kaedad ko lang basta natipuhan niya.
"Alam muna bang nasa hospital ngayon si Maisyn? Syempre hindi dahil puro pambabae ang inaatupag mo." Seryoso at pagalit niyang tanong sa akin. Ano daw si Maisyn nasa hospital.
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko dumilim ang mukha niya. galit na naman siya ano bang problema niya.
"May nagtangkang pumatay sa kanya! Sinagasahan niya ng isang sasakyan. sa ngayon hindi ko pa alam kong anong lagay niya." Sigaw niya sa akin. Ibig sabihin ngayon lang nangyari sa kanya to?.
"Saang hospital siya?" Muling tanong ko. Buhay pa kaya siya? Hindi pa siya pwedeng mamatay hindi ko pa siya nililigawan.
"Nasa batangas sila ng pamilya niya, doon nangyari ang aksidente sa ngayon ihanda mo yang sarili mo. Wag mo akong ipapahiya sinasabi ko na sayo!" Madiin niyang sabi bakit parang apektadong-apektado siya sa nangyari kay Maisyn.
"Lo" Tawag ko sa kanya. napatingin naman siya sa akin.
"Ano na naman?!" Galit niyang tanong umayos ako ng upo bago nag salita.
"Umamin ka nga sa akin may gusto kaba kay Maisyn kaya sobrang kong magalala kayo sa kanya?" Tanong ko kasi. ni minsan hindi ko pa nakita si lolo na sobrang mag-alala sa isang babae.
"Tarantado ka talaga! Kung ano ano ang iniisip mong bata ka. Malapit sa akin ang dalagang yon kaya ganito ako mag alala para sa kanya." Halos tumayo na ito sa pagkakaupo dahil sa galit. Nag tanong lang naman baka kasi pati siya karibal ko pa sa babae.
"Umalis ka nga lalo mo lang pinapainit ang ulo ko! Maghanda ka para bukas dahil pupunta dito si Mr. Fontabella!" Pagtataboy niya sa akin. napalunok ako ng sarili kong laway.
"Pupunta ulit ako dito?" Tanong ko sa kanya tumango lang siya bilang sagot. lumakad na ako palabas ng opisina niya.
Ibig sabihin makikita ko ulit ang papa ni Maisyn? nakakatakot pa naman siya. hindi ko malaman kong anong ugali niya. naalala ko na naman ang naging usapan namin noon. papayag kaya siyang ako ang magbantay sa anak niya?.
Papayag naman siguro sinabi din naman niya sa akin na protektahan at kaibiganin ko si Maisyn. Teka nga bakit ba kinakabahan ang isang tulad ko sa kanya kakausapin lang naman siguro ako ni Mr. Fontabella.
Ako din kaya ang hahanap sa taong gustong pumatay kay Maisyn. Grabe pala ang pinagdadaanan niya ang hirap siguro ng ganong buhay. Hindi mo alam kong sino ang mga taong may balak sayo ng masama.
Kaya dapat pagsikapan ko para maprotektahan siya kaibigan niya ako at isa akong mafia. Dapat ipakita ko sa kanyang matapang at kaya ko siyang ipagtanggol sa kahit na sino.
Hindi ko din dapat biguin si Matandang Chad. ako dapat ang papalit sa truno niya wala ng iba. gagalingan ko lalo na ngayon binigyan niya na ako ng unang misyon.
Pangako ko sa sarili ko magiging isang malakas at kinakatakutan akong Mafia boss. Para protektahan ang kaibigan ko sa mga taong gustong pumatay sa kanya.
________
*MAISYN’s POV*
___
Dahan-dahan kong minula ang mga mata ko. wala akong ibang makita kundi mga puti patay na ba ako? pero bakit? paano na ang mama’t papa ko hindi pa ako nakabawi sa kanila. marami pa akong gustong gawin kasama sila tumingin ako sa paligid dahil may narinig akong pintuan na bumukas. wala ako sa langit that means i am alive and survived the brink of death.
“Maisyn” Tawag sa akin ni mama ng makita ko siyang nakatayo sa pinto. may dala-dala itong mga prutas. “Maisyn anak ko thank god you’re awake.” Umiiyak niyang sabi patakbo na itong lumapit sa akin at yumakap. napadaing naman ako dahil ang sakit ng katawan ko pero kong makayakap sa akin si mama wagas.
“Pinag-alala mo kami akala namin hindi kana gigising, wag ka na ulit pupunta dito please makinig ka sa amin ng papa mo. hindi na namin kakayanin kapag nangyari pa ulit sayo to. I almost went crazy thinking about it.what if this is not the only thing they can do to you. what if one day we lose you, i can’t handle it. You know that you are very important to us. Please don’t come here again.” Mahabang pakiusap ni mama sa akin nakaramdam naman ako ng guilty dahil kung hindi sana ako nag-pumilit it won’t happen. hindi ko naman maiwasang hindi umiyak. nakagawa na naman ako ng kasalanan sa kanila pinagalala ko na naman sila ni papa. dapat pala nakinig na lang ako sa kanila hindi sana nangyari sa akin to ngayon.
“I’m sorry mama pangako po makikinig na ako sa inyo. Please, mom, let’s go home, I don’t want to be here, I’m afraid that person in the car might be here too.” Natatakot kong pakiusap tila bumalik ang takot ko noong mga oras na yon. “Please mama ayoko na dito papatayin ako ng taong nasa sasakyan. mama umuwi na tayo ayoko pang mamatay mama.” Muling pakiusap ko halos humigpit na ang yakap ko sa kanya. pakiramdam ko ay nandito lang siya sa paligid dahil tinatayuan ako ng balahibo sa katawan. alam kong nakatitig sa akin yung taong yon kahit hindi ko nakikita ang mukha niya nong oras na yun. humagulgol na ako sa iyak iniisip ko palang na nandyan siya nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.
“Kumalma ka muna Mai please makakasama yan sayo, hindi ka malalapitan ng taong yan pangako gagawin namin lahat ni papa para sayo. hindi na mauulit to maging matatag ka anak ko lakasan mo ang iyong loob. nandito lang kami hindi ka namin pababayaan. kakausapin ko ang doctor para makalabas kana dito.” Pagpapakalma niya sa akin. kumalas siya sa pagkakayakap tiningnan niya ako ng seryoso. “Hindi papayag si mama na patayin ka ng taong yon, dadaan muna siya sa akin bago ka niya ulit magalaw. kalimutan muna ang nangyaring yon magpalakas ka dahil may mga kaibigan ka pang naghihintay sayo diba ipapakilala mo pa sila sa akin.” Seryoso niyang sabi habang pinupunasan ang luha ko sa aking pisngi. tumango-tango ako bilang sagot hinagkan niya ang aking noo.
Napatingin kaming pareho sa pinto ng may pumasok si papa. seryoso ang mukhang nakatingin sa akin hindi ko naman maiwasang mapakagat ng ibabang labi ko. for sure galit siya sa akin dahil nagpumilit ako.
“Nakausap ko na ang doctor pwede na siyang lumabas. papapuntahin ko na lang ang kakilala kong doctor sa bahay para icheck siya.” Seryoso niyang sabi tumingin naman sa akin si mama.
“Ayan makakalabas kana wala ka na dapat ikatakot nandito kami ng papa mo.” Masayang sabi ni mama hindi ako makasagot dahil sa nagawa kong kasalanan.
Lumapit sa akin si papa bumilis ang t***k ng puso ko pagagalitan nga ako nito para gusto ko na lang ulit matulog. nakakatakot pa naman sila kapag galit nakikita ko ang pagiging mafia side nilang dalawa.
Nagulat ako ng yakapin ako ni papa ang higpit ng yakap niya sa akin, nag-uunahan na ulit ang luha kong umagas sa aking pisngi. “Nakahinga na ako nang maluwag dahil alam kong ligtas kana,wag ka ng umiyak aayusin ko ang lahat para maging ligtas ka.” Pagpapatahan niya sa akin pero lalo lang akong naiyak. Akala ko papagalitan niya ako pero hindi pala nagpapasalamat ako dahil meron akong magulang na kagaya nila.
Tulad ng kagustuhan kong umuwi na, pauwi na kami ngayon sa manila tahimik lang ako habang nakatingin sa labas. hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng mapakla kapag may nakikita akong kasing edad kong malayang nagagawa ang gusto niya. napabuntong-hininga ako dapat maging kontento na ako kung ano man ang buhay ko ngayon. magiging maayos din ang lahat tulad ng sinabi ni papa.
Pagkarating namin sa bahay mas pinili kong umakyat na dito sa silid ko. nakaupo ako ngayon dito sa may terrace ng silid ko maraming men in black na nagkalat sa paligid ng bahay namin.
Naalala ko na naman ang nangyari sa akin “Sino ka ba bakit gusto mo akong patayin? ano ang naging kasalanan ko sayo?” Mahinang tanong ko habang nakatingin sa malayo. Hindi ko alam kong sino ang nagdala sa akin sa hospital hindi pa tuluyang natulog ang diwa ko ng oras na yon naramdaman kong may bumuhat sa akin hindi ko makita ang mukha nito dahil nakaface mask at nakasumbrero.
Sino ang taong yon?
ITUTULOY.