Maagang nagising ang ama ni Maisyn dahil pupunta ito sa kumpanya ng Montaverde. Pinuntahan niya muna ang kanyang anak bago umalis. Nadatnan niya itong mahimbing pang natutulog. nakahinga ng maluwag dahil kahit papaano ay maayos na ang kalagayan ng dalaga.
Hinaplos nito ang buhok ng kanyang anak "Titiyakin ni papa na magiging ligtas kana." Bulong nito bago tinalikuran ang anak lumakad na siya palabas ng silid ni Maisyn.
Dahan-dahan naman nag-mulat ng mata ang dalaga ng maramdamang wala na ang ama. nakatingin lang siya sa pintuan ng kanyang silid. Wala pang itong tulog dahil kada pipikit siya nakikita niya ang nangyari sa kanya. walang ibang ginawa ang dalaga kundi gawin ang mga assignments niya at magbasa ng libro. nagbabakasakali na makatulog ito agad pero kahit anong gawin niya ay lagi pa rin niyang naalala.
Pagkalabas ni Marlon sa bahay nila ay kinausap nito ang isa sa mga tauhan ni Mr. Montaverde.
"Wag kayong mag-papasok dito ng bisita hanggat wala ako." Utos nito tumango naman ang lalaki. Sumakay na ang ginong sa sasakyan niya. Kailangan na niya ng makausap ang ginong. May mga dapat pa kasi siyang aasikasuhin lalo na ang kumpanya nila.
Pagkarating ni Marlon sa kumpanya ng ginong ay agad itong nagtungo sa opisina nito. Kumatok muna ito bago pumasok tumayo naman si Chad ng makita si Marlon.
"Kamusta ang anak mo? maayos na ba siya?" Tanong agad ng ginong. Hindi na kasi sila nakapag usap kahapon dahil naging busy na din ito.
"She's fine nasa bahay na siya ngayon nagpapahinga." Agad na sagot ni Marlon, suminyas si Chad na maupo ito sumunod naman siya.
"Regarding what I said yesterday, I need someone who can protect my daughter." Deretsong sabi ng ginong hindi na ito mag-paligoy-ligoy pa. marami pa siyang gagawin.
"About that, meron na akong nakausap at pumayag siya. Ang apo ko tutal pareho naman sila ng paaralan na pinapasukan. They will even get to know each other. alam mo namang kong gaano ko kagusto ang anak mo para sa apo ko." Nakangising sagot ng ginong. sumingkit naman ang mata ni Marlon naririnig nitong isang baguhang mafia palang si Cadmon.
"Paano ako nakakasiguro na ligtas ang anak ko sa apo mo Mr. Montaverde?" Tumawa ng malakas ang ginong dahil sa tanong nito.
"Ligtas sa taong gustong pumatay ang anak mo pero hindi makakaligtas si Maisyn sa apo ko." Natatawa niyang sagot. napangisi na lamang si Marlon.
"May tiwala ako sayo Mr. Montaverde alam kong natraine mo ng husto ang apo mo. Sana maprotektahan niya ang anak ko. Oras na may masamang nangyari ulit kay Maisyn. malilintikan siya sa akin." Seryoso na saad niya kilalang isang mahusay na Mafia ang lolo Cadmon. kaya malaki ang tiwala ni Marlon.
"Wala ka dapat ipag-alala kahit na maloko ang apo ko at nag mana sa akin. Alam kong magagawa niya ang misyon niyang ito. kapag kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako." Seryoso na saad ng ginong tumango naman si Marlon.
"Maliban doon kailangan ko din ng mga taong pwedeng maghanap sa taong nagtangka sa anak ko." Napa sandal ang ginong sa kanyang upuan.
"Ang grupo ni Cadmon. malinis silang gumawa ng misyon. At hindi halatang mga mafia dahil nag-aaral pa sila. Sila din ang inutusan ko noon na hanapin ang pinaka mastermind ng pakidnap kay Maisyn." Agad na sagot nito. Napatango naman si Mr. Fontabella dahil sa nalaman niya.
"Matinik ang mga baguhan ngayon lalo na ang grupo ni Cadmon. ang apo ko lang ata ang sakit sa ulo napapaisip na lang ako kung sa kanya ko ba ipapamana ang lahat." Natatawa na kwento nito, hindi naman maiwasan hindi matawag ni Marlon dahil naalala nito ang ama ni Cadmon.
"Hindi ba't pareho lang naman sila ng kanyang ama." Lalong natawa ang ginong pero agad din naging seryoso. "Hindi ko ba alam bakit ganyan silang mag-ama. hihintayin mo ba si Cadmon? Papunta siya ngayon dito dahil sinabihan ko. Mas okay ata na pagsabihan mo mukhang mas pinapakinggan ka pa niya kaysa sa akin." Tumawa naman si Marlon mukhang natakot niya ata noong unang nag usap silang dalawa.
"Gusto ko din makilala ang grupo ni Cadmon. ibibilin ko din sa kanila ang anak ko. Gusto kong masiguro ang kaligtasan niya para mapanatag na ang kalooban ko." Uunahin niya muna ang kaligtasan ng anak niya. Ayaw na niyang nag aalala ang asawa niya.
"Tatawagan kita kung kailan mo sila makikilala." Tumango naman si Marlon bilang sagot. Wala ng nagsalita sa kanilang dalawa. hinihintay na lamang nila ang pagdating ni Cadmon.
Napapa-singkit na lang ng mata si Chad dahil anong oras na wala pa ang apo niya.
Habang si Cadmon naman kakarating lang halos takbuhin na niya papasok sa kumpanya nila pagkababa niya ng sasakyan niya.
Nakauniform ito dahil may pasok siya ngayon. Mas inuna niyang pumunta dito para wala na siyang problema. pero mukhang lalong nagkaproblema anong oras na kasi siya nagising kanina.
Pagkarating niya sa tapat ng opisina ng kanyang lolo ay huminga muna ito ng malalim. Seryoso at tahimik ang dalawang ginong nang pumasok si Cadmon sa opisina ni Mr. Montaverde. kaya nakaramdam ng kaba ang binata lalo na't nasa harapan na niya ngayon si Mr. Fontabella.
"Finally hindi mo kami pinaghintay hanggang gabi." Malamig na sabi ni Chad sa kanyang apo. Kanina pa nila hinihintay ang binata. umigting ang kanyang pangang dahil nagpipigil ito ng galit.
"Sinabi ko na kay Mr. Fontabella na ikaw ang tumanggap sa misyon. hindi ko alam kong pumayag siya." Seryosong sabi ni Mr. Montaverde na lalong nagpakaba sa kanya.
"Kanina pa kita hinihintay. mukhang hindi kapa ata handa sa magiging misyon mo." Seryoso at malamig na sabi sa kanya ni Marlon. Biglang pinawisan si Cadmon kahit malakas ang aircon ng opisina.
"Kaya mo bang protektahan si Maisyn? Paano kung may mangyaring masama sa kanya? tinawagan ka niya at humihingi ng tulong. Siguradong hindi ka agad makakapunta. dahil always late ka." Napalunok ng sariling laway si Cadmon. hindi niya alam kong ano ang kanyang isasagot.
"Diba ang bida laging nag papahuli?" Hindi siguradong sagot nito. yung galit na kanina pa pinipigilan ng kanyang lolo ay sumabog na dahil sa kanyang sagot.
"Wala ka talagang utak Cadmon! Anong klaseng sagot yan!" Sigaw ng ginong sabay batok sa binata. Hindi naman mapigilan ni Marlon na tumawa.
"Kahit kailan hindi mo ginagamit ang utak mo! nagsasayang lang ako ng pera para sa pag-aaral mo!" Muling sermon ng ginong sa binata.
"Kaya kong protektahan si Maisyn, badoy man pakinggan pero handa kong ibuwis ang buhay ko ma protektahan lang siya. Bilang isang kaibigan gusto kong maranasan niya ang mga bagay na hindi niya pa nararanasan. gusto kong maging normal ang buhay niya sa tuwing nakikita ko siyang nakatingin sa labas. at nakatingin siya sa mga kagaya niyang babae na malayang ginagawa ang gusto nila. naawa ako sa kanya nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit sinasabi niyang masaya siya iba ang nakikita ko sa kanyang mata." Seryosong sagot ng binata habang nakayuko. Dahilan para matigil sa pag tawa si Marlon at umayos naman ng upo ang lolo niya.
"Tulad nang sinabi niyo sa akin noon Mr. Fontabella kaibigan ko si Maisyn.ginawa ko 'yon mas pinili kong maging kaibigan ang anak niyo kaysa pormahan siya. hinayaan kong makilala niya ang mga kaibigan ko para maranasan niya kung paano magkaroon ng kaibigan. Pro-protektahan ko po ang anak niyo sa abot ng makakaya ko." Muling saad niya pero this time nakatingin na siya sa ama ni Maisyn.
Tumayo si Marlon inayos niya ang kanyang sarili. kinabahan naman si Cadmon pakiramdam niya ay hindi siya pasado para sa unang misyon niya. Kahit hindi ibigay sa kanya ang misyon na yon buo na ang kanyang pasya. Pro-protektahan niya pa rin si Maisyn.
"Aasahan ko yan Mr. Cadmon. Pangako mo sa akin hindi mo pababayaan ang anak ko ipinagkakatiwala ko siya sayo wag mo sana akong bibiguin." Seryoso na sabi ginong bago naglakad palabas ng opisina ni Mr. Chad.
"Mauuna na ako. Nasa bahay ang anak ko kailangan niya ng kaibigan ngayon. Sana makombinsi mo siya pumasok na sa paaralan." Muling wika ng ginong bago tuluyang lumabas. Hindi naman makapaniwala si Cadmon.
"Ibig sabihin sa akin napunta ang misyon na yon? Yes!! sawakas ito na ang umpisa para maipakita ko sayo Chad na ako ang papalit sayo!" Mayabang na sigaw ng binata.
Dahil sa sobrang tuwa niya ay halos mapatalon na ang binata. napangisi naman ang lolo niya habang pinagmamasdan si Cadmon. "Unang misyon mo palang yan wag kang magmayabang dyan! marami kapang kakainin na bigas bago ka pumalit sa akin!" Seryosong sabi ng ginong sa kanya pero tila walang narining ang binata.
"Umalis ka na dito sa harapan ko. Hindi katanggap-tanggap ang unang sagot mo kanina. halatang hindi mo ginagamit ang utak mo bago sumagot. Pagbutihin mo ang unang misyon mo wag mong ipapahiya ang dala-dala mong apelyido!" Bilin ng kanyang lolo. Tumango naman ang binata habang ngiting-ngiti.
"Aalis na ako Chad dadalawin ko pa si Maisyn." Paalam nito magsasalita pa sana ang ginong pero tumakbo na palabas si Cadmon.
"Ang batang yon lagi na lang akong tinatawag sa pangalan! Nag mana ka talaga sa pinagmanahan mo!" Nanggigil na bulong ni Mr. Montaverde habang nakatingin sa pintuan ng kanyang opisina.
——
*CADMON's POV*
——
Pagkatapos ng usapan namin dumiretso na ako dito sa school. pagpasok ko sa tambayan nadatnan ko silang lahat na nakaupo sa sofa.
Nanibago akong walang Maisyn, kada papasok kasi ako siya ang unang tumatawag sa akin.
"Oh bakit ngayon ka lang? Graduating kana pero si boy cutting ka parin." Tanong sa akin ni Zeno atsaka umiling-iling.
"Akala mo naman maaral kang tao. Mas marami kapang cutting sa akin Zeno!" Agad kong sagot sa kanya bago tumingin kay Edween.
"Edween ibigay mo sa akin lahat ng pinag aralan niyo ngayon araw." Seryoso kong sabi sa kanya bago umupo sa sofa.
"Bakit? nakalimutan mo mga pinag-aralan niyo noon?" Tanong niya tiningnan ko naman siya ng masama.
"Basta wag ng maraming tanong may gagawin lang ako." Naiirita kong sagot ang dami pa kasing tanong.
"Bakit kaya absent si Maisyn." Nakanguso namang sabi ni Keziah. hindi pa pala nila alam sasabihin ko ba? bahala na nga sila. Ako muna ang dadalaw sa kanya ayoko ng madaming epal.
"Baka dahil sa ginawa ni Astrid natakot siya kaya hindi pumasok." Sabi naman ni Erion.
"Ang warfreak din kasi ng babae ni Cadmon, dapat doon putulan ng sungay." Naiinis na sagot ni Keziah sabay tingin sa akin.
"Dinamay niyo na naman ako dyan! Akin na nga yang mga lessons niyo ngayon Edween.may pupuntahan pa akong importante." Tinaasan naman niya ako kilay problema ng babaeng to.
"Mang bababae ka na naman no? Purket wala si Maisyn tsk tsk. Oh ito ingatan mo yan notebook ko ang hirap mag-sulat." Mataray niyang sagot sa akin sabay abot ng notebook niya.
"Ibigay mo sa akin araw-araw yang notes mo, kailangan ko lang aalis na ako kaya niyo naman ang sarili niyo." Paalam ko tumakbo na ako palabas ng tambayan namin. nakasalubong ko naman si Paxton katatapos lang siguro ang klase ng lalaking to.
"Hindi mo kasama si Maisyn?" Tanong niya sa akin sumingkit naman ang mata ko. Kailan pa to nagkainteres sa babae?
"Hindi sabi nila Edweena hindi daw siya pumasok." Sagot ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso.
"Sayang naman." Nanghihinayang niyang sabi sabay kamot sa batok niya. Gago trip ba niya si Maisyn?
"Sige na may lakad pa ako." Paalam ko tumakbo na ako palayo sa kanya. Ano kayang sasabihin niya kay Maisyn? Bakit ba ang dami kong karibal lintik na yan!.
Pagkarating ko ng bahay nila ay hindi agad ako pinag-buksan ng gate. lumapit sa akin ang isang men in black.
"Anong kailan nila Sir?" Tanong nito sa akin teka mga tauhan to ni lolo ah. Anong ginagawa nila dito?
"Dadalawin ko ang anak ni Mr. Fontabella." Sagot ko tumango naman siya akala ko okay na pero hindi pa pala.
"Bilin po ni Mr. Fontabella na hindi muna tatanggap ng bisita. Balik na lang po kayo sa ibang araw." Sumingkit naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Kaibigan ko ang anak niya, alam niyang pupunta ako dito kaya tumabi ka dyan." Naiirita kong sagot sa kanya pero nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi ba ako nakikilala ng lalaking to, ang kapal ng mukha niyang hindi amo papasukin.
Inalis ko ang suot kong helmet nagulat naman siya ng makita ako.
"Sir. Cadmon." Hindi makapaniwala na tawag niya sa akin tiningnan ko lang siya ng masama.
"Ano hindi pa ako pwedeng pumasok?!" Iritadong tanong ko sa kanya. Kita ko ang paglunok niya ng sariling laway.
"Tabi!" Malamig na utos ko agad naman siyang tumabi. Binuksan na ng ibang men in black ang gate. Mga siraulong to wala talagang balak papasukin ako.
Pinaharurot ko na ang motor ko papasok ng bahay nila Maisyn. Pinark ko na ang aking sasakyan binigay ko sa isang tauhan ni tanda. ang helmet ko bago naglakas papasok ng bahay nila Maisyn.
Nakasalubong ko si Mrs. Fontabella na kabababa lang sa hagdan. "Cadmon? Kamusta Buti naman napadalaw ka?" Masiglang bati niya sa akin ngumiti naman ako.
"Mabuti naman po Mrs. Fontabella, si Maisyn po kamusta na po siya?" Magalang na tanong ko para nanan kahit papaano pasado ako sa mommy niya. Kahit malabo kay Mr. Fontabella.
"Nakakatuwa naman, dinadalaw mo ang anak ko nasa taas siya sa kanyang silid. Ayaw niyang lumabas hindi ko rin makausap. Kaya ikaw nang bahala sa kanya hah." Bilin nito tumango naman ako bilang sagot. Iniwan na niya akong nag-lakad na siya papuntang kusina nila. Napatingin naman ako sa ikalawang palapag ng bahay nila. huminga akong malalim bago umakyat ng hagdan.
Madali ko lang naman nahanap ang silid niya dahil may pangalan ito. Hindi na ako kumatok dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng silid niya. I saw her sitting by her bed. while looking at the balcony of his room. She had a bandage on her head and wounds on her arms. I was shocked when she looked at me, she was also shocked too, but I immediately smiled at her. Para hindi siya mailang sa akin.
"Why are you here?" Mahina at nahihiya niyang tanong. Nakatingin lang ako sa mukha niyang may galos din. Bigla akong naawa sa kanya dahil sa kalagayan niya ngayon. ang lungkot ng mga mata niya wala na itong kasigla-sigla.
"I'm your friend so I'm visiting you because you didn't go to school." Kalmadong tanong ko, tuluyan na akong pumasok sa silid niya. Halatang babaeng-babae ang may-ari dahil puro kulay purple ang makikita mong kulay. Malinis pati mga libro niya nakaayos na tila ayaw ipagamit.
"How are you? Grandpa told me what happened to you. kilala mo ba kong sino ang may gawa nito sayo?" Tanong ko sa kanya bago umupo sa sofa dito sa silid niya. Umiwas siya ng tingin umiling ito habang nakatingin sa malayo.
"H-hindi ko kilala pati plate number ng sasakyan niya hindi ko nakita. I don't know why he wants to kill me. I thought I was going to die because of what he did. I was very afraid at that time. Wala man lang ako mahingian ng tulong pakiramdam ko nag-iisa ako." Umiiyak niyang paliwanag napatayo naman ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya.
"Natatakot pa rin ako hanggang ngayon. I feel like every time I close my eyes he is next to me and wants to kill me.kahit anong gawin kong pagpapalakas sa loob ko nangingibabaw pa rin ang takot ko."
Humagulgol na siya ng iyak damn! Dapat hindi ko na siya tinanong ang tanga mo talaga Cadmon!. hindi ko alam kung anong pwedeng gawin paano ko ba siya patatahanin. Goddammit!!
"Gusto ko lang naman maging normal ang buhay ko. I-i just want to be happy yung walang iniisip na may mga taong balak akong patayin. Buong buhay ko nabalot na akong takot. bakit ba pinagkakait nilang maging masaya ako? Wala ba akong karapatan mabuhay sa mundong to? Bakit kay lupit ng tadhana sa akin?." Kitang kita ko kung gaano siya nasasaktan. bawat bigkas niya ng mga sinasabi niya ay punong-puno ng hinanakit. I feel that she is hurting so much, kailangang may gawin ko para sa kanya.
Hindi pwedeng pinapanood ko na lang siya habang nasasaktan, may misyon akong dapat gampanan ang protektahan siya ayokong nakikita siyang mahina dahil alam kong malakas siya. hindi niya malalagpasan ang mga pagsubok na nangyari sa kanya noon kong mahina siya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Patuloy pa rin ito sa pag iyak hindi ko alam bakit nasasaktan ako ngayong nakikita ko siyang umiiyak.
"Wag mong isipin ang mga bagay na yan. Hindi ka mahina Mai dahil ang totoo isa kang malakas. dahil kung mahina ka wala ka ngayon dito. nalampasan mo ang mga pagsubok sa buhay mo noon. wag kang magpapatalo laging mong isipin na nandito ako o kaming mga kaibigan mo. Handa ka naming tulungan hindi namin hahayaan na may mangyari ulit sayong masama. walang pwedeng humadlang sa kaligayahan mo. Makinig ka sa akin Maisyn, pro-protektahan kita sa abot ng makakaya ko. basta pangako mo sa akin na magiging matatag ka. pinagkatiwala ka sa akin ng papa mo hindi ako papayag na hindi mo maranasan ang masayang buhay sa labas. Oras na magaling kana pupuntahan natin lahat ng gusto mong puntahan. kailangan mo ng ibaon sa limot ang nakaraan. Nandito ka para sa panibagong ikaw. We are friends Maisyn, hindi ko hahayaang makulong ka sa nakaraan mo." Mahabang paliwanag ko sa kanya, buong puso kong sinabi sa kanya ang lahat ng yan walang halong kalokohan at katarantaduhan. Nagulat ako ng yakapin niya ako sobrang higpit ng kanyang yakap, nag aalangan akong yumakap pabalik bahala na hinagod ko ang kanyang likod.
"Maraming salamat Cadmon, tatanawin kong malaking utang na loob ito. pangako ko magiging matatag ako at magiging matapang. Pangako ko yan sayo masaya ako dahil may naging kaibigan akong kagaya mo. wag mo sana akong iiwan sana maging magkaibigan pa rin tayo pagdating ng araw." Lalo na naman siyang naiyak ramdam kong nababasa na ang uniform ko. Napapikit ako ng suminga siya doon. pwede naman siyang humingi ng tissue sa akin bakit sa damit ko pa.
"Tumahan kana pati damit ko puro sipon at luha muna. Paano ako makakapag chicks mamaya kong ang dugyot ko na. may mga lessons kapang dapat sulatin at pag-aralan. Hiniram ko yan para sayo pero sana naman pumasok ka na maraming naghihintay sayo sila Edween." Pagkukumbinsi ko sa kanya alam kong hindi pa siya handa at natatakot pa siya. Kung hindi niya lalabanan yon siya ang kawawa. kaya dapat makumbinsi ko siyang pumasok na.
Kumalas na ito sa pagka-kayakap sa akin. napayuko siya at napakagat siya ng ibabang labi niya. napalunok naman ako ng sariling laway ko. damn it! hinawakan ko siya sa baba nakatingin lang siya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi what if halikan ko siya? Magagalit kaya siya?.
Bahala na si batman dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. titig na titig siya sa akin alam kong gulong-gulo ito dahil sa ginagawa ko. Pero gusto ko lang malaman kung malambot ang labi niya.
"Ca-cadmon" Nauutal niyang tawag sa akin ng ilang inches na lang ang pagitan namin. Ngumisi ako bago ko siya siniil ng halik.
ITUTULOY.