Nakatingin sa malayo ang isang ginong habang may hawak-hawak itong baso na may wine. Napapangiti ito dahil iniisip niya palang kung ano ang mangyayari sa mag-asawang Fontabella. oras na nawala ang unica hija nila tuwang-tuwa na ang kanyang puso.
Napatingin siya sa pintuan ng kanyang opisina dahil may kumatok. pumasok ang isa sa mga tauhan niya ang inutusan nito upang sagasahan si Maisyn.
"Boss, nakalabas ng hospital ang anak nila at nakauwi na sa manila." Balita ng isang lalaki sa kanyang amo. Tumawa naman ng mahina ang ginong "Patikim pa lang yon mukhang naalarma agad silang mag-asawa." Natatawa niyang sabi hanggang sa lumakas na ang tawa niya para na itong demonyo kung tumawa.
"Tingnan natin kung paano niyo protektahan ang anak niyo ngayon! Hindi ako titigil hanggat nakikita kong masaya kayong nagsasama. Pagsisisihan mo Maricel dahil hindi ako ang minahal mo." Tumatawang sabi niya mahal na mahal niya ang ginang at hindi nito matanggap na mas pinili nito ang kaibigan niya kaysa sa kanya.
"Manman mo ang anak nila wag kang titigil. Gusto ko sa susunod patayin mo na ng walang pag-aalinlangan. I want to see Marlon cry and how broken he is. while looking at their daughter's corpse!" Muling utod nito sa kanyang tauhan. Napangisi siya dahil unti-unti ng umaayon sa kanya ang panahon.
"May hindi pa ako nasasabi boss, may mga tauhan ni Mr. Montaverde sa bahay ng Fontabella. Mukhang nakikisawsaw na naman ang matandang yon." Naikuyom niya ang kanyang isang kamao. Aasahan na niya yon kaya kailangan na niyang kumilos agad.
"Kailangan na ding patahimikin ang matandang yan. Lahat ng pwedeng makahadlang sa plano ko patahimikin mo!" Madiin niyang utos hindi siya makakapayag na mauuwi na naman sa wala ang pinagpaguran niya. "Wag kang mangingialam dito Montaverde! Kung ayaw mong pati apo mo idamay ko sa mga plano ko!" Malamig niyang sabi ayaw niyang maging kalaban ang matanda. dahil masyado itong malakas dahil sa dami ng connection niya pero masyadong pakialamero.
"Umalis ka na balitaan mo ako!" Lumabas na ang kanyang tauhan. Naibato niya ang hawak niyang baso "WAG AKO MONTAVERDE!" nanggigil niyang sigaw pilit nitong pinapakalma ang sarili.
"Masyado kayong malapit sa isa't-isa Montaverde at Fontabella. Tingnan natin kung hindi pa masisira ang pinagsamahan niyong dalawa sa gagawin ko. mga anak ang gagamitin kong laban sa inyo para masira ang putanginang samahan niyo!" Punong-puno ng galit nitong sabi madiin ang bawat pagbigkas niya. Sa katayuan niya ngayon hindi na magbabago ang kanyang plano.
"Titiyakin kong magtatagumpay ako!"
——
*CADMON's POV*
—
Hindi parin ko maiwasang hindi mapangiti kapag naalala ko ang nangyari kahapon. Parang gusto ko pang ulitin kasi ang lambot talaga ng labi niya.
"Hoy ngising aso ka dyan!" Sita sa akin ni Yosef na kakapasok lang dito sa tambayan namin.
"Wag mong sirain ang araw ko Yosef. baka makasapak ako ngayon." Pagbabanta ko sa kanya tinawanan lang ako.
"Mainit ang ulo mo dahil wala si Maisyn? Bakit hindi na siya pumapasok?" Sunod-sunod niyang tanong, huminga ako ng malalim bago nag salita.
"Actually may nangyaring masama kay Maisyn." Seryoso kong sagot. Kumunot naman ang noo niya.
Hindi ko pa sana sasabihin sa kanila. But Maisyn needs friends now. I don't want her to think that she is alone. Dapat may mga kaibigan siyang nasa tabi niya lalo na sa kapag may pinagdadaanan siya.
"What happened to Maisyn?" Tanong ni Paxton na nasa likuran ko kasama ang iba naming kaibigan.
"May hindi ba magandang nangyari sa kanya?" Tanong naman ni Edweena.
"May ginawa ka bang kalokohan?" Mataray naman na tanong ni Keziah.
"She need us now, dahil may pinagdadaanan siya ngayon. Someone tried to kill her, mabuti na lang hindi naging malubha ang natamo niyang sugat. Pero dahil sa nangyari natatakot siyang lumabas. Hindi mawala sa isip niya ang ginawa sa kanya. She was traumatized by what happened. I want us to help her para bumalik ang dating sigla niya." Mahabang paliwanag ko sa kanila. They were all serious while looking at me. I don't know what they are thinking, mga tarantado pa naman ang mga to.
"Are you guys going to help me or not?!" Naiirita ko ng tanong dahil tahimik pa rin silang lahat. Ano bang mga problema nila para mga sira ulo!.
"Ikaw ba yan Cadmon? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa babae?" Gulat na gulat na tanong ni Zeno.
"Tutulong ako para kay Maisyn." Seryoso na sagot ni Paxton.
"Ikaw din kailan ka pa nagkaroon ng interes kay Maisyn?" Tanong ni Yosef sa kanya.
"It's none of your business asshole!" Malamig na sagot nito.
"Handa kaming tumulong ni Edweena. naging kaibigan namin si Maisyn hindi naman pwedeng hahayaan namin siya." Seryoso na sagot ni Kezi.
"Dadalaw tayo mamaya doon. Pagkatapos ng mga klase niyo.hihintayin ko na lang kayo dito." Bilin ko sa kanila. Nag-sitayuan na sila wala akong balak pumasok ngayon. Next time na lang siguro kapag sinipag ako.
"Tamang-tama mamaya pa ulit ang klase ko, i will buy pasalubong for Maisyn. nakakahiya naman pumunta doon ng wala man lang dala." Lumakad na palabas si Paxton medyo tinamaan naman ako doon. Wala akong dala kahapon pero hindi bali may ibang pasalubong naman ako kay Maisyn. pabida lang tong si Paxton eh tsk!
"Wag na din kaya tayong pumasok, last subject naman na natin?" Tanong ni Bran aba ang taong ayaw magabsent. siya na nagaaya ngayon nakakahalata na ako sa mga mokong na to.
"Tara na puntahan na natin si Maisyn, bumili muna din tayo ng pasalubong." Pagaaya ni Edweena.
"Hoy Paxton sabay-sabay na tayong bumili ng pasalubong!" Habol ni Zeno. tumayo na kaming lahat at naglakad palabas ng tambayan. ano naman kaya ang bibilhin kong pasalubong? hindi ko naman alam ang mga gusto niyang pagkain. aarrgghh nakakainis kaibigan ko siya pero hindi ko alam ang mga gusto niya, damn it!
Tumingin ako sa kanila habang bumibili ng mga pasalubong kay Maisyn! tangina ako nalang ang walang pasalubong. Kung halik na lang kaya ulit?.
"Hoy Cadmon anong bibilhin mo!" wala kabang balak bumili?" Sita sa akin ni Yosef. may mga dala-dala itong mga chocolates. si Paxton naman mga prutas ang iba mga chichirya na.
"Wag ka ng magtaka dyan makapal ang mukha niyan" Malamig na sabi ni Paxton tinignan ko naman siya ng masama. iginala ko ang paningin ko dito sa market napako ang tingin ko sa mga tissue.
Lumakad ako papunta doon at kumuha ng sampong piraso. mas kailangan to ni Maisyn para hindi ang damit ko ang ginagawa niyang pamunas.
"Tara na mag bayad na tayo." Pagaaya ko sa kanila nakatingin silang lahat sa akin ng may pagtataka. nagkibit balikat na lang ako habang naglalakad.
Pagkarating namin dito sa bahay nila Maisyn bumaba na kami sa kanya-kanya naming sasakyan. sinalubong kami ng butler nila ng makita niyang magkakaibigan.
"Kayo pala Mr. Montaverde, pumasok po kayo." Magalang niyang sabi nauna na itong naglakad sa amin sumunod naman kami. ang tahimik ulit ng bahay nila ganito ba talaga dito?.
"Maupo muna kayo tatawagin ko lang si Miss Fontabella." Paalam niya sa amin bago umakyat ng hagdan.
"Ang ganda ng bahay nila sobrang laki" Manghang-mangha na sabi ni Edweeen habang nakatingin sa paligid.
"Kakaiba ang disenyo ng bahay nila at halatang mamahalin ang mga gamit. nakakatakot hawakan baka mabasag." May pagkamanghang sabi din ni Keziah. habang kami tahimik lang hinihintay na bumama si Maisyn.
Napatingin ako sa hagdan ng may yapak akong narining. ang butler nila pero hindi niya kasama si Maisyn.
"Mr. Montaverde bilin ni Miss Fontabella umakyat na lamang kayo sa kanyang silid." May halong lungkot ang kanyang boses habang sinasabi yon, napatingin naman ako sa taas. anong problema? bakit ayaw niyang lumabas sa silid niya.
"Sige aakyat na kami." Sagot ko tumayo na ako ganon din sila. Umakyat na kami "Alam mo ang silid ni Maisyn?" tanong ni Yosef tumango lang ako bilang sagot.
"Ibig sabihin nakapasok kana?" Muling tanong niya tumango na lang ulit ako. nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso. "Ibig bang sabihin kayong dalawa lang ang nasa silid niya?" bulalas nito ngumisi lang ako sa kanya bago ko inalis ang kamay niya sa braso ko. huminto ako sa tapat ng silid niya bubuksan ko na sana ang pinto pero binatukan ako ni Paxton.
"Knock first before you open! mahirap bang pag-aralan yon?!" Malamig niyang sita sa akin. siya na ang kumatok kaya binuksan ko na ang pinto.
Nakatingin siya sa amin habang nakaupo sa pang isahang sofa. tumakbo naman ang agad dalawang babae ng makita si Maisyn.
"Uwwaa Maisyn anong nangyari sayo?" Tanong nilang dalawa ngumiti naman siya bago nag salita.
"Wala to okay na ako." Sagot niya pero ang dalawa todo check sa mga sugat niya sa braso.
Umupo naman kami sa sofa inilapag namin ang mga pasalubong nila sa lamesa.
"How are you Maisyn? kailan ka ulit papasok?" May halong pag-aalala na tanong ni Paxton. napatingin naman siya sa amin.
"Pumasok ka na hindi kumpleto ang araw namin ni Kezi kapag wala ka." Nakanguso namang sabi ni Edweena.
"Okay na ako, hindi ko alam kong kailan ulit ako papasok." Hindi siguradong sagot niya.
"Papasok kana bukas susunduin ka namin dito." Singit ko napatingin siya sa akin pero agad din nag-iwas ng tingin at mula. napalunok naman ako ng sariling alaway.
"Okay ka lang ba talaga bakit ka namumula?" Nagaalala na tanong ni Keziah. tumango-tango naman siya.
"Here may mga pasalubong kami sayo." Nahihiya na sabi ni Zeno.
"T-thankyou sana hindi na kayo nag-abala." Nauutal niyang sagot. apektado parin ba siya sa nangyari.
"For sure magugustuhan mo ang mga to, ewan ko lang sa isa dyan bakit tissue ang binili." Pagpaparinig ni Paxton ngumisi naman ako.
"Mas kailangan ni Maisyn to lalo na kong umiiyak. ayoko namang puro damit ko na lang ang ginagawa niyang panunas no." Natatawa kong sagot lalo namang namula si Maisyn ang cute niya...
"So-sorry" Nahihiyang paghingi niya ng tawad sa akin. tumawa lang ako habang silang nakanganga. pasukan sana ng mga langaw yang mga bibig niyo.
Nakaupo na kaming lahat sa may lapag, habang masaya silang nakikipag usap kay Maisyn. nakikita ko na din siyang tumatawa kaya nakahinga na ako maluwag. sana naman sa susunod pumasok na siya.
"Kailangan pumasok ka na bukas. wala ka dapat ikatakot, because we are with you." Seryoso na sabi ni Paxton habang binabalatan ang mansanas. nakatingin naman si Maisyn sa kanya sumingkit ang mata ko dahil sa nakikita ko.
"Here dapat ubusin mo yan para lumakas ka" Bigay nito sa nabalatan niyang mansanas. lumapit ako sa kanila at ako ang kumuha doon.
"Pahingi nagugutom na ako eh hati na lang tayo Mai." Nakangiti kong sabi tumango naman siya at saka ngumiti. alam kong nakatingin sa akin si Paxton kahit hindi ko tingnan.
"Itong si Cadmon patay gutom!" Sita sa akin ni Keziah sabay bato ng pinag-balatan niya ng orange. ngumisi lang ako sa kanya sabay kagat sa mansanas. Tumingin ako kay Maisyn.
"Gusto mo subuan kita?" Tanong ko, nasamid naman si Yosef na nasa tabi ko. magsasalita pa lang sana si Maisyn pero hinila ko siya palapit sa akin. Lumaki ang kanyang mata ng isinubo ko ang kinagat kong mansanas kanina gamit ang bibig ko. tumingin ako kay Paxton madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin.
Hindi ko hahayaang mapalapit ka kay Maisyn! alam ko ang mga galawan na yan! papunta ka palang pabalik na ako!.
ITUTULOY.