It was still bothering me. Dalawang araw ang lumipas no'n at naguguluhan pa rin ako kung bakit gano'n ang tawag niya sa'kin. I couldn't find the right answer. Trip niya lang ba tawagin ako ng gano'n? Bakit... bakit... bakit?! My mind was a mess. "Ma'am, pwede po bang kayo na ang magbigay nito?" Hawak-hawak ni Cris ang platito na may cake. Tinutulungan ko muna sila ngayon dahil wala naman akong ginagawa sa office. Gusto ko sanang kay Rienn tumulong pero hindi ako makakapag-isip nang maayos do'n. "Sure." Kinuha ko sa inyo 'yon. "Saan ba 'to?" Tanong ko. "Doon po sa table malapit sa pinto. 'Yong nakaputing t-shirt po na babae." Tinanguan ko na lang siya at lumabas na. Come to think of it, hindi ko nakikita si Rienn dito. Lumabas ba siya para may bilhin? Kanina pa ako pasilip-silip sa lab

