"Here," iniwan ko ang payong ko roon sa may tabi ng counter at kinuha ang number para balikan mamaya. Mauubusan na kami ng mga stock sa shop kaya naisipan kong mang-grocery muna. Hindi na ako nagpasama sa kanila dahil may narent na naman akong tricycle. Ite-text ko na lang iyon mamaya kapag pauwi na para masundo ako. Tulak-tulak ko ang isang pushcart at diretso ang tingin sa daan. Suot ko ang isa sa earphones ko at ang isa ay nakalagay lang sa bulsa para kahit papaano ay may marinig pa rin ako. Lumapit ako sa mga itlog at tiningnan ang presyo. Hindi ko kabisado kung ano at alin 'yong mga binibili nila kaya may dala rin akong maliit na papel... o medyo mahaba, para tingnan kung ano ba 'yong mga kailangan ko. "Taime?" Natigil ako sa pagbuklat ng mga price nang may magsalita sa likuran ko

