Chapter 1

1428 Words
"Oh! I see, I see..." Malamya ang boses ko habang nakatingin sa ex-boyfriend ko at sa best friend ko na magkasama. It ticked me off to see them looking like that, it made me to want to took my eyes off. Or just to close my eyes. I mean, this scene was really cliché that I have to slap them 360 degrees. Damn this thing. What a headache. "So, mayro'n ka na bang bago d'yan?" Still, I didn't resent my friend for being in a relationship with my ex. It was just a waste of time to think bad thoughts about them. Besides, my feelings were all gone... or not totally gone. "Seriously, Calla. Hindi ko pa muna gustong pumasok ulit sa isang relasyon. Masyado akong busy sa pinatatakbo kong coffee shop ngayon. May tamang time naman para sa love life..." Pinagkrus ko ang hita ko at pumangalumbaba. "Hindi naman ako mauubusan ng lalaki, 'di ba?" I couldn't avoid the bitterness in my voice but that doesn't matter. Mukha namang hindi nila nahalata. Umasim ang mukha ni Calla at parang natamaan. Take note, I really meant it no'ng sinabi kong wala akong sama ng loob sa kanya. What I have said was just an opinion. Hindi ko na kasalanan kung natamaan siya. "Baka naman hindi ka pa nakamove on sa'kin, Taime?" Oh, really. Sa lahat ng coffee shop sa mundo, bakit ba nila naisipan na rito magkape? Hindi ko inaalala ang kita. I'm pretty rich kaya kahit hindi ako magnegosyo, mabubuhay ako. So, I don't really care kung hindi sila rito magkakape – it'd be my pleasure instead. I laughed. "It's not like that, Fin. Naisip ko lang na hindi naman ako mamamatay kung wala akong boyfriend. 'Di ba, Calla?" I turned my gaze at her. She looked depressed. Serves her right. Oh, I couldn't avoid that line. "Pero twenty-three ka na, 'di ba? Natural lang na may boyfriend ka na. Kung wala, siguro bitter ka pa?" Inabot niya ang tasa ng kape na nakapatong sa lamesa at sumimsim dito. I'm starting to hate this argument. "It's still early to be in a relationship, don't you think?" Buti na lang wala pang masyadong tao rito kaya hindi kami napagkakamalang tanga. Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog 'yong cellphone niya. May tumatawag yata. Tiningnan ako nito at tumango ako. "Go ahead," it was not really necessary to look at me. Lumabas muna si Calla ng coffee shop para sagutin 'yong tawag, mukhang importante kaya hindi niya ma-afford na may makarinig no'ng pag-uusapan nila. Business siguro. O baka nalugi na naman sila– knowing her, gan'yan na talaga siya. Kung ano-anong business ang papasukin tapos malulugi. "How's your life without me?" My eyebrow automatically raised as I heard his question. Masyado siyang makapal para sa isang lalaki. Akala niya naman napakagwapo niya. "It's fine. Mas ayos no'ng nawala ka, I guess..." Ngumiti ako at pinagmasdan ang mga taong pumapasok sa coffee shop ko. Dumadami na rin ang tao. "I-e-engage na kami ni Calla next month," he said as if I care. In these past few months, I've realized that my decision of leaving him was the best decision I've ever made. He's too arrogant for me. "And?" I asked. Halatang hindi ako interesado pero pinush niya pa rin 'yong topic. "Invited ka," a little smile was plastered on his face. "Titingnan ko kung makaka-attend ako. Masyadong busy kasi sa pagmamanage dito," sa totoo lang, ayoko na talaga silang makita. Hindi sa pagkabitter pero naaalala ko lang kasi lahat ng katangahan na ginawa ko. "Make sure na makaka-attend ka. Pwede mo namang isama 'yong boyfriend mo," may diin ang salita niya at hindi ko gusto iyon. "Oh, come on, wala talaga akong boyfriend–" "I'm sure na may boyfriend ka na, Taime. Maraming nanliligaw sa'yo, 'di ba? Kung wala man talaga, tiyak na bitter–" Hindi ko na siya pinatapos dahil masyado nang masakit sa tainga 'yong paulit-ulit nilang sinasabi na bitter ako. "Fine, isasama ko 'yong boyfriend ko," "Wow! So, mayro'n nga talaga?" Gulat na ani Calla na biglang sumulpot sa kung saan. I slightly nodded with her question. The truth is wala akong boyfriend o anumang lalaki sa buhay ko. Wala akong best friend na lalaki na pwedeng hingian ng tulong kaya malaking gulo 'tong pinasok ko pero hindi na ako pwedeng tumalikod dahil nasabi ko na. Paninindigan ko na lang. E 'di kung hindi ako magkaroon ng boyfriend bago sila i-engage, hindi na lang ako a-attend o kaya naman sasabihin ko na nagbreak kami. "Okay, it's already settled na, ah? Aabangan ka namin ni Fin," bumubungisngis na ani Calla. Tumango na lang ako. "Aalis na rin kami kasi makikipagkita pa ako sa kameet up ko. You know, business matters." Pinanatili ko ang ngiti ko, kaunti na lang ay gustong-gusto ko ng umirap sa inis! "Okay, okay. Ingat kayong dalawa." I waived my hand to bid goodbye. Pinakawalan ko ang mahabang buntong-hininga ko nang mawala na sila sa harapan ko. Makakapagpahinga rin nang walang iniisip – crap, kailangan ko pa palang maghanap ng boyfriend. Isang buwan pa naman bago ang engagement nila, paano kaya ako makakahanap nito? Hinihilot ko ang sintido ko habang pumapasok sa coffee shop. Nakakastress naman 'to. Bakit ba kasi pumayag pa akong pumunta 'yong dalawang 'yon dito? They were such a pain. "Good morning, ma'am." Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Rienn, siya ang pinakamasipag na tauhan ko rito kaya natutuwa talaga ako tuwing makikita ko siya. Mahirap lang pero talaga masipag siya kaya hindi na ako magugulat kung sakaling mas yumaman pa siya sa'kin balang araw. "Good morning," bati ko rin dito at nginitian. "Nasa office niyo na po 'yong pinatimpla niyo sa'kin." Tumango na lang at saka nagpasalamat. Stress reliever ko ang kapeng ginagawa niya dahil masarap talaga 'to. Bagay 'yon lalo na kapag nagtatrabaho ako o gumagawa ng mga reports. Pagpasok ko sa office, nandoon na nga sa table 'yong kape na ginawa niya. Nangiti na lang ako nang may makitang kasamang isang rose 'yon at note na good morning, enjoy your coffee. Mabait talaga 'yong batang 'yon at kung titingnan ko, abot talaga niya ang bawat standard ko. Pero hindi ako pumapatol sa mas bata sa'kin. Ang alam ko, hindi pa siya graduate sa college. Bakasyon lang ngayon kaya nakakapagwork pa siya rito sa coffee shop ko. Senior high school niya pa lang, dito na 'yon pumapasok tuwing bakasyon nila kaya naman kilalang-kilala ko na talaga siya. But back to my problem, kailangan kong isipin lahat ng mga kakilala kong lalaki at sabihin maging boyfriend ko sila kahit sa araw lang ng engagement nina Fin at Calla. Ang problema ko naman doon, wala akong kakilala na lalaki. Hindi ako madalas makipag-usap sa iba kaya hindi na nakakapagtaka na wala akong kakilala bukod sa dalawang 'yon. Asar naman. Bakit ko pa ba napasok 'tong problema na 'to? Nanahimik ako rito at maayos na nagpapatakbo ng coffee shop tapos ganito. "Ma'am," sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang narinig ko kaya na-interrupt ang pag-iisip ko. "Come in," pagbukas ng pinto, sumalubong agad sa'kin ang mukha ni Rienn. Kahit na mas bata ito sa'kin, ang mature na ng mukha at katawan niya. "What's the problem?" Tamad kong tanong habang inaalis ang eyeglasses sa mata ko. "Can you..." My forehead creased. "Can you taste this, ma'am?" Inilahad niya sa akin ang isang sandwich na nakalagay sa platito. Ngayon ko lang ito napansin. "Uh, sure," I awkwardly said. Lumapit siya sa table ko at ipinatong doon ang sandwich. Kinuha ko ito at kinagatan. "First time mo?" Tanong ko nang malunok ito. "Yes, ma'am," he replied. "It's actually good. Pwede ka nang tumulong kina Cris sa paggawa ng sandwich." Komento ko at pinunasan ng panyo ang gilid ng labi ko. "Thank you, ma'am." Yumuko ito sa'kin dahilan para matawa ako. Masyado talaga siyang transparent sa reaction niya. "You're always welcome," nakangiti kong sagot. "Uhm..." I slightly tilted my head as I waited for him to speak. "Just tell me if you want me to make a coffee for you... I'll do it quick... uhm..." My smile widened. He's a shy type. That's the first reason why I like him – as my barista. "Yes, thank you, Rienn." Mabilis itong tumango. "Babalik na po ako sa trabaho, ma'am," isa pa, polite din siya masyado kaya nakakatuwa. "Okay, thank you ulit," Nawala na siya sa paningin ko. Sumandal ako sa swivel chair na inuupuan ko at humikab. Kulang na nga ako sa tulog tapos mukhang kukulangin pa ulit ako para makahanap ng boyfriend. Come to think of it, Rienn is a fine man. Wala namang masama kung tatanungin ko siya. Hindi sa papatol ako sa bata dahil isang araw lang naman kaming magpapanggap na boyfriend ko siya. Mukhang ayos na 'yon. I'd just ask him to be my boyfriend... for one day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD