Chapter 2

1585 Words
Hating-gabi na pero hawak-hawak ko pa rin ang laptop ko at nagse-search sa f******k ng mga kamag-anak ko na hindi ko kamukha o walang katulad na features sa katawan ko. I've decided na hindi ko pwedeng hingian ng favor si Rienn dahil masyadong nakakahiya. Kahit na hindi niya sabihin, I know na nilu-look up niya ako or at least, modelo na isang mabait na tao. Kagalang-galang na boss. Hindi ko ma-a-afford na magmukhang desperada sa harap niya at hilingin na maging boyfriend ko siya. Ghad. This is seriously a pain. I almost laughed at myself when I realized that I have no cousins at all. Ang mama at papa ko ay parehong only child kaya nga grateful ako na may little brother ako. Kung hindi ko lang sana naipakilala ang kapatid ko kay Fin, iyon na lang ang isasama ko at pagpapanggapin kong boyfriend ko. Sunod-sunod ang paghikab ko at balak ko na sanang maglog out sa f******k nang biglang may magpop up na message sa'kin. Rienn Laxina: Good evening, ma'am. Tulog na po para hindi lumaki ang eyebags. My smile was automatically plastered on my face because of his message. Tuwing makikita niya talaga akong online ng ganitong oras, china-chat niya talaga agad ako at sinasabihang matulog na. Inaasar kasi ako ng kapatid ko tuwing pupunta rito na ang laki-laki raw ng eyebags ko, e, wala naman akong jowa – 'yon ang term nila. Lahat ng nagtatrabaho sa'kin, nakitawa sa bugok kong kapatid at inaasar akong maghanap na nga raw ako ng boyfriend – hindi nila alam na mas masarap magstay na single. Well, hindi naman pala lahat ay nakitawa. Tahimik lang si Rienn sa isang tabi at mula nga no'n, lagi niya na akong china-chat na matulog na. Taime Serrato: Yes. Matutulog na rin:) Goodnight. Hindi na ako nag-abang ng next message niya at mabilis na naglog out. Ipinatong ko ang laptop ko sa table sa tabi ng kama ko at ipinikit ang mga mata ko. Sana paggising ko bukas, may boyfriend na ako. Malay ko naman may biglaang pumunta rito bukas sa bahay at 'yon pala ay manliligaw. Wala namang masamang mangarap. Bandang alas dos na no'ng magising ako. Nanlalaki pa ang mata ko habang nakatitig sa wall clock ko. Ilang beses kong sinampal ang sarili ko pero alas dos na talaga. Damn, late ako. Masama ang titig ko sa sariling reflection ko sa salamin. Bakit ako nalate ng gising? What a serious pain. Iniisip ko pang model ang sarili o ano tapos male-late ako sa trabaho? Though, tiyak na hindi pa naman gano'n karami ang costumer sa shop pero... hindi pa rin forgivable 'to. Madalas akong maaga dahil may policy kami sa shop na bawal malate. Para mamotivate sila, inaagahan ko rin ang pasok. Usually, ako lagi ang nauunang tao sa shop. Nagkaroon na nga kami ng deal na kada mauuna sila sa'kin, bibigyan ko sila ng three hundred pesos na bonus. Hindi naman sa nagwo-worry ako sa pera ko pero feeling ko, nasira ang pagiging modelo ko sa kanila. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Hindi ko na nga masyadong nagawa 'yong normal routine ko talaga dahil nagmamadali ako. Hindi pa maayos ang pagkakasuot ko ng sapatos paglabas ko sa bahay. Binuksan ko ang pinto at sa labas na inayos ang pagsintas ng sapatos ko. Mag-aabang pa ako nito ng masasakyan. This is really a pain. Nang matapos na ang pagsisintas ko, kumunot na lang ang noo ko dahil sa binting nasa harap ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita si Rienn. Anong ginagawa niya rito? Manliligaw ba siya – I mean, no. Hindi siya manliligaw, of course. Inayos ko ang buhok ko bago tuluyang tumayo. I hate to admit it but yes, he's taller than me. Gusto ko na lang umakyat sa isang upuan dahil ayoko talagang tinititigan ako ng ganito, I mean, gusto kong nakaangat lagi ang tingin nila sa'kin. I was about to speak when a little smile appeared on his face. Somehow, it made my heart uneasy. I felt something strange – it wasn't love. Definitely. Masyado lang talagang nakaka-overwhelm ang ngiti niya. "Good afternoon," he greeted. His voice was full of energy while mine was also full – full of laziness. "Yeah, afternoon." I smiled a little. "What are you doing here? Supposedly, dapat nasa shop ka na." I couldn't stop my mouth from yawning. It made him to smile more, I guess. "Kanina pa ako nakarating sa shop. Nagpaalam lang ako kay Ate Jane para sunduin kaya rito... uhm..." Kinamot niya ang batok niya at alanganing tumawa. "I was worried... kung bakit wala pa kayo, ma'am." Hinuli ko ang tingin niya pero patuloy lang siyang umiiwas. He's really a shy type. And it's weird, but I like it every time he calls me ma'am. "Oh," I uttered. His forehead creased. He also stepped backward. Ngayon ko lang napansin na masyado kaming malapit sa isa't-isa. Hindi naman ako naiilang o ano pero mukhang siya oo? College student pa siya, natural lang 'yang gan'yan. Umuusbong pa lang ang love life nila, e. "Am I not allowed to... uhm... worry about you, ma'am?" Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit ang pagkakahawak sa payong na dala niya. Naglakad lang ba siya? Medyo malapit lang naman kasi rito ang shop, problema lang ay mainit. May pagkaconscious lang ako sa skin ko kaya nagre-rent pa ako ng tricycle na masasakyan papuntang shop. Bumalik ang tingin ko sa kanya. "No, I'm glad na nag-aalala ka sa'kin." I gave him the thumbs up. "As expected of my number one barista." Hindi ko maiwasan ang pagtawa no'ng makitang namula ang dalawa niyang tainga. "T-Thank you, ma'am..." I guess, he's not just a shy type – he's the perfect shy type. "That's my line, you know," "S-Sorry, ma'am!" Tumango na lang ako at inaya na siyang magsimulang maglakad papunta sa shop. Ayos na 'to dahil wala naman masyadong dumadaang sasakyan kapag ganitong oras. Rienn is such an ideal man. Kung talaga lang na mas nauna siya sa'king ipinanganak, baka sakaling kami na ngayon o nagmamakaawa na ako sa kanya para maging kami. He would be a great boyfriend and a partner for me. "Back to work na ako, ma'am." Sumaludo pa siya sa'kin kaya hindi ko maiwasan ang pagtawa. Isa pa, hindi siya nagfe-fail sa pagpapatawa sa'kin. Mayroong something sa kanya na gusto ko kaya natutuwa talaga ako tuwing nakikita ko siya. "Yes, goodluck for today, Rienn." I gave my thumbs up again. Ngising-ngisi ang bawat tauhan ko. Talagang gan'yan nila ako winelcome ngayon. Nginiwian ko sila pero sabay-sabay pa silang nagtawanan – I'm really glad that I have Rienn as my barista. Siya lang ang hindi nambubully sa'kin. "Back to work, guys!" I shouted. "Ma'am, bukas sana ulit!" Sigaw din ni Jerome na ngiting-ngiti pa. "Magkasubukan ulit tayo bukas, sige!" Hamon ko rin sa kanila para mas ganahan sila. Hindi na ulit ako nagsalita dahil nagsimula nang mas dumami ang customer. Tutal at wala naman akong gagawin, naisipan kong tulungan na lang si Rienn sa pagtimpla ng kape o kahit sa pagbibigay nito sa costumer. Medyo short kasi talaga kami sa tao kaya kapag maraming dumadating, tumutulong na rin ako. Sinuot ko ang apron at saka kumuha ng isang tray sa cabinet. "I'll help you," I said as I got near to Rienn. Gulat itong tumingin sa'kin. "Pero, ma'am... kaya ko naman," nakayuko ito at hinahalo ang tinimpla niyang kape. Pinunasan ko ang bibig ko dahil parang gusto ko na lang maglaway bigla. Kakaiba kasi talaga 'yong kape kapag siya ang nagtimpla, para bang may secret formula siyang hinahalo. "No, it's okay." Kinuha ko ang tasa na nakapatong sa mesa at nilagay 'yon sa maliit na tray. "Ito lang ba 'yong order ng costumer?" "Mayro'n pa, pero ako na 'yong kukuha..." Ngumiti ako at tumango na lang. Nawala siya agad sa paningin ko at nagpunta sa working place nina Cris para kuhanin siguro iyong sandwich or cake. "Here." Umawang na lang ang labi ko nang makabalik na siya agad dito at pinatong sa tray na hawak ko 'yong plate ng slice ng cake. He looked exhausted. "Magpahinga ka muna," aniko bago lumabas ng pinto para dalhin sa costumer 'tong order. Dala-dala ko na rin ang bayad at ibinigay kay Lala. Siya ang cashier dito. Pagbalik ko sa loob, nagtaka ako dahil wala si Rienn. Nasaan 'yon? Sabi ko, magpahinga muna siya. "Ma'am." Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang bigla siyang pumasok dito. Dala-dala niya ang isang piraso ng papel, tanda na kumuha siya ng order. "Ano 'yan?" I asked as I pointed out the paper. "Order, ma'am," he politely said. It wasn't polite at all. Ang sarcastic ng dating sa'kin, e. "I mean, sinabi kong magpahinga ka muna." I crossed my arms over my chest and eyed him. "Pero maraming costumer sa labas, ma'am." Talagang may ikakatwiran 'tong batang 'to. Inilingan ko siya at humakbang ng ilan, paatras naman siya at namumula ang tainga kaya napahinto ako. He got the wrong idea. I was just trying to get the paper from him! This is such a pain... damn. "Lend me the paper," I commanded. Mukhang nag-aalangan siyang ibigay sa'kin pero inilahad ko na ang kamay ko. "Come on. It won't hurt you to give me that little piece of paper, Rienn." I filled my voice with authority. "Uhm, here, ma'am..." Napipilitan niyang ibinigay sa'kin 'yon. "Okay, thank you," Masigla kong sabi at tiningnan ang papel. My mouth parted as I began to read what was on the paper. It's really strange. My heart also began to beat fast. Ma'am, please get some rest. Your eyes are still sleepy. -Rienn:) Inangat kong muli ang tingin ko pero wala na siya sa harap ko. He's really an ideal man, huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD