Chapter 3

1573 Words
I still have twenty-five days before the engagement party of Calla and Fin. I still have a lot of days. So, why the hell am I frustrated about this?! Besides, I don't really care – even my thinnest strand of hair doesn't care about it. I needed to rest and relax the s**t out of me. It's been three days since I received the invitation from Calla. It was on my sss. They are really fond of high-technology or whatever. Sabagay, iyon naman kasi talaga ang latest. I'm very sure na maraming invited sa engagement nila kaya para makatipid sa pagpunta-punta sa mga bahay, thru sss na lang nila pinasa. We've also talked about my oh-so-called boyfriend. Calla seemed surprised about sa mga kinuwento ko kaya medyo nag-enjoy din ako. However, it ticked me off how she said I'm still bitter. She just couldn't let go of that very bad thought. But speaking of that boyfriend, I'm ashamed of myself that I used the physical appearance of Rienn. Siya 'yong dinescribe ko! Wala na kasi akong choice. Hindi ako makaisip ng pwedeng ilarawan sa kanya. So, ang choice ko na lang talaga ay ayain si Rienn na maging boyfriend ko for one day. Hindi siya mahirap pero nakakahiya. Knowing him, hindi iyon papayag sa gano'n dahil masyado siyang mabait para manloko ng ibang tao. Though, hindi naman talaga kami manloloko, we're just going to pretend to make everything fine. "Ma'am," nabalik na lang ang isip ko sa reyalidad nang magsalita ang lalaki sa harapan ko. "Yes?" Inayos ko ang upo ko at tiningnang mabuti si Rienn pero iniwas ko rin agad ang mata ko. I couldn't look at him... because of guiltiness. "Kape po," lumapit siya sa table ko at ipinatong ang tasa. "Are you alright, ma'am?" No, of course. I knew that I looked like a fool. "Yes, medyo stress lang." I still managed to smile, somehow. But I was a bit shock when he started to walk towards me. Pumunta siya sa likuran ko at halos hindi ako makagalaw nang hawakan niya ako... but oh, he was massaging me. Ang sarap sa pakiramdam. "Don't overdo the things, ma'am. You can talk to me if you're stress then I'll find a way to remove that stress. You can count on me, ma'am." He said as he continued to massage me. I thoughtlessly smiled. "Yes, thank you, Rienn." Medyo unfair din talaga na nauna akong ipanganak kaysa sa kanya. Nabo-bother lang ako na siya ang nilarawan ko kay Calla. Buti na lang talaga at no'ng tinanong niya 'yong pangalan, hindi ko pa sinabi. Hindi pa naman kasi ako decided no'n – iniisip ko kung anong mararamdaman ni Rienn kung sakaling malaman niya na iniisip kong boyfriend ko siya. Alam ko naman kasing boss o ma'am lang talaga ang tingin niya sa'kin. Nothing less, nothing more. Ganoon din naman ako. He's just my barista. Maghahanap na lang siguro ako ng medyo katulad ng features niya. Madali lang naman siguro 'yon. At kung desperada na talaga ako, maghahanap na lang ako sa internet ng kahit sinong pwedeng ayain ng isang araw. "Ayos na po ba 'yong pakiramdam niyo, ma'am?" Tumigil na siya sa pagma-massage at tumango ako. Pumunta siya sa harap ng table ko at ngumiti. "Isa pa, ma'am, matulog kayo ng maaga dahil lumalaki na 'yong eyebags niyo. Hindi maganda tingnan sa babae kapag gan'yan." Tinuro niya pa ang ilalim ng mata niya. "Seriously, Rienn. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa advice mo o maiinis, e." Umawang na lang ang labi ko nang tumawa ito bigla. "I was just kidding, ma'am. Maganda ka kahit na ang laki na ng eyebags mo." Natawa na lang din ako sa kanya. Bukod sa shy type siya, thoughtful din ito kaya sobra talaga akong natutuwa kapag kausap ko siya. "Nako, nako, tama na ang bola. Baka bawasan ko 'yong sweldo mo imbis na dagdagan ng bonus." Nawala agad ang ngiti niya at napalitan ng nag-aalalang emosyon. He's also transparent. Mabilis kong nababasa 'yong nararamdaman niya. "Hala, ma'am. Walang gan'yanan. Sige, back to work na 'ko." Sumaludo pa ito bago umalis ng office. Napangalumbaba na lang ako at napabuntong-hininga pagkaalis niya. Ang pinakanakakatuwa sa kanya, cheerful siya masyado. 'Yong tipong kahit badtrip ka, mahahawa ka na lang sa sobrang full ng energy niya. Pinagmasdan ko ang kapeng nakapatong sa mesa ko at saka tinapik-tapik ang mesa ng mga daliri ko. What if si Rienn na lang talaga ang ayain ko? Sumimsim muna ako sa kapeng tinimpla niya. Perfect as always. Tumayo ako at pasimpleng binuksan ang pinto ng office ko para tingnan ang ambiance sa labas. Mabango at amoy na amoy ang aroma ng kape sa ere. Ang dami ring tao. Napansin kong tumutulong na si Jerome at Jane sa pagbibigay sa costumer ng order. Dati kasi ay nakakaya naman ni Rienn at Ten iyon. Sinarado ko ang pinto at huminga nang malalim. Ibig sabihin, sinadya pa talagang pumunta rito ni Rienn para lang ibigay sa'kin 'tong kape at i-massage ako kahit na busy siya. Tiyak na napagalitan na naman ni Lala 'yong batang 'yon. Inayos ko ang sarili ko at inubos ang kapeng dala niya bago lumabas. Dadalhin ko lang 'to sa kusina at titingnan kung anong ginagawa nila. Baka makatulong ako kahit sa pag-aabot lang ng order. "Ma'am, ba't kayo narito?" Nagtataka ang mukha niya nang sumalubong sa akin. Ipinatong ko sa sink ang tasang hawak ko at binuksan ang gripo. Tambak na rin pala ang hugasin. Si Jerome ang kadalasang naghuhugas pero mukhang hindi niya magawa ngayon dahil busy sa pagkuha at pagdala ng order. Tutulong na lang siguro ako sa paghuhugas. Inabot ko ang joy na nasa bote at pinatakan ang sponge na hawak ko. I felt someone's gaze. It was kinda bothering me to think that it was Rienn. Balang araw, makakapagsorry din ako sa kanya sa paggamit ng physical features niya para lang masabi na may boyfriend ako – though, hindi ko naman talaga kailangan. I was about to wipe the plate with the sponge when someone grabbed my hand. "Ako na, ma'am." Pagpigil niya sa'kin. "Focus on your work, Rienn." I firmly said as I eyed him. Medyo malamig ang panahon ngayon kaya marami talagang nagki-crave sa kape. "Kaya naman namin 'to, ma'am... magpahinga na lang kayo," hawak-hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko at mukhang wala siyang balak bitawan ako hangga't 'di ako umaalis dito. His eyes were full of concern. It's strange to feel this feeling but I was kinda conscious on how I look today. I mean, he was intently looking at me. Come to think of it, kanina lang sinabi niya na ang laki na ng eyebags ko. Dahil doon, nabitawan ko na ang sponge at binitawan niya naman ang braso ko. "Ituloy mo na 'yong pagtitimpla." I said, pointing out the cup of coffee. "Rienn, I'm fine, okay? I am just helping you. Kung hindi ko naman kaya, aalis na rin ako rito at magpapahinga na lang." I even gave him my thumbs up for assurance. A long sigh escaped his lips as he nodded. "Very well, ma'am. Tawagin niyo lang ako kapag kailangan niyo ng tulong." "Yes..." Napansin ko rin na ang laki ng eyebags niya at mukhang uneasy talaga ang pakiramdam niya. "Go to my office later kapag tapos na ang work, alright?" Hindi na siya nagsalita at tumango na lang. Nakahinga ako nang maluwag no'ng bumalik na siya sa working place niya at magsimula nang magtimpla ulit ng kape na order ng costumer. Hawak-hawak niya 'yong maliit na piraso ng papel habang kunot-noong nakatingin doon. I guess, he's also a cute one. "Ehem, ma'am! Baka matunaw si Rienn n'yan." Nabitawan ko agad ang hawak ko na platito dahil sa biglaang pagsulpot ni Jerome sa tabi ko. Nakuha yata ang atensyon ni Rienn no'n at agad ding lumapit sa amin. Hindi naman kasi gano'n kalayo ang pwesto niya sa'kin. "Okay ka lang, ma'am?" Nag-aalalang sabi niya at biglang kinuha ang kamay ko habang ini-scan kung nagkaroon ba ako ng sugat o ano. Mabuti na lang at hindi babasagin 'yong plato na hawak ko. Karamihan kasi ng gamit dito sa shop ay babasagin talaga. "Uh, yeah. Ayos lang, wala namang damage na nangyari." Hinila ko ang kamay ko sa kanya at mabilis na ipinunas sa t-shirt ko. A strange feeling. Humalakhak si Jerome sa gilid ko at tinapik ang balikat ni Rienn. "'Wag ka masyadong mag-aalala kay ma'am. Malakas 'yan." Kumindat pa ito at tinapik-tapik din ang balikat ko. Palihim ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa pagkadiin ng bigkas niya sa salitang ma'am pero parang wala lang sa kanya. Madalas talagang ganito kami ni Jerome dahil siya ang unang-una kong tauhan dito, kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. "Uhm, sige..." Tumingin sa'kin si Rienn. Pinilig ko ang ulo ko para maalis ang strange na feeling na 'yon. I wanted to shake my body so bad. "Be careful, ma'am." He gave me a smile with his thumbs up. I... seriously, I really don't know what was happening to me. What a pain.... "Uh, okay," I awkwardly said. Umalis siya at naiwan kaming dalawa rito ni Jerome na nang-uusig pa ang tingin sa'kin. "What?" I irritatedly asked. His stares were ticking me off. Ngumisi ito at winagayway ang kamay niya ere. "Nothing, ma'am. Naisip ko lang na bagay pala kayo ni Rienn..." Masama ko siyang tiningnan. "If you don't have a good thing to say, just shut that annoying mouth of yours," inis na aniko sa kanya. Imbis na matakot, tinawanan pa ako nito habang paalis. Such a pain in the ass. But damn, I am starting to think of what he said... do we really look good together?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD