Ang sarap talagang ipakulam at isumpa no'ng Jerome na 'yon. Dahil sa kanya, ilang araw na akong hindi makatulog kakaisip sa sinabi niya about sa'min ni Rienn. Not that I like it but it was really bothering me. Though, ayoko talagang isipin kasi alam ko naman 'yong limit namin. But seriously... my mind was a mess.
"Ma'am? Hello, ma'am?" Umayos ang pag-iisip ko dahil sa mahinang tapik sa pisngi ko. Saglit kong ipinikit ang mata ko at huminga nang malalim bago dumilat.
He... he was too close.
"Ayos ka lang ba, ma'am?" Akmang hahawakan niya ang noo ko nang tinapik ko ito at inatras nang kaunti ang swivel chair na inuupuan ko.
"Yes, ayos lang ako." My lips curved upwardly as I nodded.
"Parang maputla ka, ma'am? Gusto niyo samahan ko kayo sa doctor?" Umiling agad ako at iwanagayway pa ang kamay ko bilang pag-ayaw.
"I'm fine, really. Medyo puyat lang... sa work," I lied! I lied, I lied, I lied, damn! I didn't want to lie but I couldn't afford to say that I looked pale because I was thinking of him and I! Na bagay kami.
"Pero 'di ba wala naman kayong work, ma'am? I mean, bukod sa pagma-manage nitong coffee shop?" With that, I was doomed. I forgot na alam nga pala nilang wala na akong work. Well, I used to be pero nag-quit ako para magfocus dito.
Ghad. What a pain.
"Uhm, yeah. I mean, work dito. You know, bagong pakulo para mas makaakit ng mas madami ring costumer..." I said. I wasn't even sure with that. Like, hey! Damn. Ito na ba 'yong sinasabi ng kapatid ko na huli pero 'di kulong?
"Marami naman tayong costumer nitong mga nakaraang araw, ma'am. Remember what I told you, don't overdo the things..." Umiwas ito ng tingin. "Uhm... I'll be happy to lend a hand for you..." Tumingin ito sa'kin at ngumiti. "If you'll need me to help you, just tell me and I'll be there for... uhm, for you, ma'am." His smile that was plastered on his face was priceless. He's really naive.
I wanted to slap myself for this strange feeling that I could feel whenever he's around. I needed to calm... I needed to get a hold of myself.
Tumingin ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. He got the looks that I want. But still, he's too young for me. Not that young but still young! I hate it. Sumandal ako sa swivel chair at iniwasan siya ng tingin.
"Ma'am–"
I cut him off. "Leave me alone for now," 'yong ngiti niya ay mabilis na nawala kasabay ng pagyuko niya at paghigpit ng hawak sa tray. s**t. Did I cross the line? Masyado bang harsh 'yong pagkakasabi ko?
He looked sad.
It was my fault...
"Rienn–"
"Alright, ma'am." Tumalikod ito sa'kin at dire-diretsong lumabas sa office. Wala na akong nagawa. Malakas kong pinalo ang mesa sa harapan ko at sinabunutan ang sarili ko.
What a real pain!
I don't like how he called me ma'am!
Ano bang iniisip ko at nasabi ko iyon? Yes, I was supposed to say it but only in my mind. Itong bibig ko ang may kasalanan. Tinitigan ko ang kape at sandwich na nakapatong sa table ko. May note pa ito na smiley face.
After niya akong sabihan ng gano'n ta's pinaalis ko pa siya agad. Hindi ako nag-iisip. My mind was full that I couldn't bear to hear another word from him again. I knew it... it already started. The feelings.
However, I still have my last card. Makakawala pa ako rito dahil hindi pa malala, nagsisimula pa nga lang. Kailangan ko lang huminga at ilabas ang feeling na 'yon. After all, gano'n naman talaga ang lagi kong ginagawa bago ako makamove on kay Fin.
Speaking of Fin. Kasalanan nila 'tong dalawa ni Calla. Kung hindi sana nila ako inaya sa pesteng engagement nila pati na ang boyfriend ko, hindi ko sana mapagdidiskitahan si Rienn at mananatili lang 'yong dati kong tingin sa kanya na parang maliit kong kapatid.
Damn those two. Macancel sana ang engagement nila o kaya bagyuhin ang buong Pilipinas para hindi matuloy.
"Ma'am, mukhang bad mood, ah." Nilingon ko ang nasa tabi kong si Jerome. Isa pa 'tong pang-asar na 'to, e. Kung babagyuhin man talaga, sana lang ay anudin siya ng baha para hindi ko na ulit makita ang pagmumukha niya. "Bad mood din si Rienn," dagdag niya.
Hindi sa nagkaroon ako ng interes pero nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko pa yata nakitang bad mood 'yong batang 'yon.
"Nag-away kayo, ma'am?" Nakangising tanong nito. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Patuloy lang naman siya sa pagpunas ng lamesa at hindi ako alintana, kalahating minuto niya na yata 'yang pinupunasan. Napakadaldal din talaga ng isang 'to.
"Bakit ako na naman ang nakita mo, ha?" Masungit kong anito rito na tinawanan niya agad.
"'Wag ng i-deny, ma'am. Sa office niyo huling galing 'yon bago naging gano'n," seriously? Masama ko siyang tiningnan. Nagkibit-balikat naman ito pero may biglang humawak sa ulo niya kaya napa-ayos siya ng tayo. "Oh, Rienn. Bakit?"
Ako lang ba o nag-iba nga talaga ang aura niya?
"Hindi kami nag-away ni ma'am. Hindi rin ako bad mood," seryosong aniya. Napataas na lang ng dalawang kamay niya si Jerome.
"Easy, hunch lang naman 'yon." Pasimpleng tumingin sa'kin ito na parang nanghihingi ng tulong pero iniwasan ko lang siya ng tingin. Buti nga sa kanya.
Saka anong ibig sabihin ni Rienn na hindi siya badtrip, e, halata naman?
"Okay," plain nitong sagot at tumingin sa'kin. Para akong magkakaheart attack dahil sa sobrang seryoso ng tingin niya sa'kin. Feeling ko, kapag nagkamali ako, iju-judge niya agad ako. "Sorry, ma'am." Yumuko ito sa'kin.
Tumayo agad ako at nilapitan siya. Ginugulat niya ako sa mga ginagawa niya! "Hey, it's okay. Lift your chin. Wala lang naman sa'kin 'yon–" Mabilis akong suminghap nang umayos siya ng tayo. He's too close! Pasimple akong umatras at alanganing ngumiti.
It was awkward!
"Alright, ma'am. Uuwi na rin ako," dala-dala na nga niya ang maliit na bag niya na may laman ng uniform niya rito sa shop. Nakaplain white t-shirt na lang siya at pants.
"Uh, sige..." I couldn't take my eyes off him. "Bye?" Ngayon ko lang napansin na wala na si Jerome sa tabi ko.
"Yeah, bye..." Lumabas na siya ng coffee shop. Naiwan ako ritong tinatanaw siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
That was cold.
Something hurt.
Was I supposed to feel it?
Lutang ako pag-uwi hanggang sa pagdating dito sa bayan. Unfortunately, naubos na 'yong stock ko ng mga pagkain kaya kailangan ko munang bumili ng mga groceries. It's still 7pm. Hindi pa naman masyadong gabi at 10pm pa ang sara ng mga supermarkets dito. Wala naman akong ibang choice na araw dahil kailangang complete talaga ang attendance ko sa shop.
Sa attendance ko nakasalalay ang bonus nila.
What a pain. Ayaw gumana ng utak ko at hindi ko alam kung ano bang uunahin kong bilhin. Bigas muna siguro, tutal ay wala na akong pangsaing sa bahay. Isang oras lang naman siguro ako tatagal dito kaya maghahanap na lang ako mamaya ng fast food chain para roon kumain. Pagod na ako, tinatamad na rin para magluto.
Napapikit na lang ako ng madiin nang makitang wala nga palang kilo-kilo rito sa supermarket. Five kilos na ang pinakamagaan. Hindi convenient 'yon dahil talagang 25 kilos lagi ang binibili ko para hindi ako palabas-labas at bibili pa sa tindahan. So, lagi kong sinasama si Jerome para tulungan ako sa pagdala at ngayon sa sobrang lutang ko, nakalimutan ko na.
Once again, this is a pain.
Kinapa ko ang bulsa ko para sa cellphone sana kaso mukhang naiwanan ko rin. What an unfortunate day! Imbis na si Jerome ang makulam, ako pa yata ang naisumpa.
"Need an assistance, ma'am?" Agad akong binalot ng panlalamig dahil sa boses na 'yon. Para akong nababalot ng yelo. He's always there where I'm in.
"What..." are you doing here was supposed to be my question. But, I'd looked like a dumb if I'd ask him that question. Of course, nandito rin siya para mamili. "Uh, yeah, kung hindi sana makakaabala sa'yo." I gave him a little smile.
"Alin ba rito, ma'am?" Wala sa'kin ang tingin niya at nasa mga sako ng bigas.
"You can call me Taime or Ate Taime kapag ganitong nasa labas tayo. I mean, hindi na naman sakop 'to ng trabaho mo..." Mariin kong kinagat ang labi ko pagkatapos magsalita. Damn! Ano bang ginagawa ko? I was avoiding to look like a dumb but what was I doing?
"I still prefer to call you ma'am." Tumingin siya sa'kin. "Alin dito 'yong kukuhanin niyo?"
Ma'am, huh?
"Uh, o-okay if that's what you want. Itong 25 kilos 'yong kukunin ko." Tinuro ko 'yong isang sako.
I want to go home! Gusto ko ng makauwi agad dahil hindi ko na kakayanin ang sobrang awkwardness na nararamdaman ko.
Mabilis akong namili ng mga pagkain na kailangan ko para sa isang buwan. Nakakatawa lang na ngayon, nawala na ang kalutangan ko pero ito naman ang pumalit.
Akala ko narito si Rienn dahil namimili siya, napadaan lang pala dahil nakipagkita raw sa isang kakilala. My thoughts were leading me to this bothering thing. I just thought that it was his girlfriend. After all, nasa legal age na siya para magkaroon ng girlfriend, o kung hindi man, baka nililigawan pa lang.
I was also wondering if this girl's pretty? Bagay din ba sila tingnan magkasama tulad ng sabi sa'min ni Jerome? Probably, yes.
I needed to get rid of this thought as soon as possible because it was not healthy at all! This made me sick.
"Ma'am," my senses were back again when he called me.
"Hmm?"
"Ihahatid na kita," mahinang aniya pero rinig na rinig ng dalawang tainga ko.
"H-Ha?" Pero parang nabingi rin ako.
"Ihahatid na kita," ulit niya.
"B-Bakit? Kaya ko naman! Thank you na lang dito sa pagtulong mo sa'kin. Uh, ano... pumunta ka na lang sa office ko bukas para mabayaran kita–"
He cut me off. "Ihahatid na kita, ma'am." Tumingin ito sa'kin at tipid na ngumiti.
W-What a pain!