Chapter 5

1621 Words
"Uh, thank you..." I said as we reached my house. Buhat-buhat niya ang sako ng bigas at hindi pa rin ibinababa kaya tinuro ko 'yon. "Pwede mo nang ibaba, ako ng bahala magpasok–" "Ipapasok ko na, ma'am." Nanlaki agad ang mata ko pero idinaan ko na lang sa tawa. I got the wrong idea, damn it! Bakit naman kasi ipapasok pa ang word na ginamit niya. I mean, ang daming pwedeng salitang gamitin na hindi masyadong nakakagreen ng utak! Ah, seriously! I needed to get a hold of myself. I'm already a grown-up kaya wala lang 'to. Masyado akong nagpapadala sa mga naiisip ko. "Ma'am, okay lang ba kayo?" He leaned closer. Akma niyang hahawakan ang mukha ko pero mabilis akong umiwas. "Y-Yes! I mean, yes, of course. Okay lang ako..." Finally, I calmed down. Binuksan ko ang wallet ko at kinuha ang susi ng bahay roon para maipasok niya na agad 'yong bigas. Nauna akong pumasok sa bahay kaya nakahinga pa ako nang malalim bago siya makapasok. Hindi ito ang first time niya na makapunta rito sa bahay, tuwing birthday ko, lagi ko silang iniimbitahan dito para kumain. "Dito mo na lang ilagay." Itinuro ko iyong isang sulok. Wala akong narinig na anumang sagot sa kanya pero mabilis niyang ibinagsak doon sa sako ng bigas. Natapos din sa grocery! Well, kung hindi ko nakita si Rienn doon, tiyak na hindi pa ako makakabili ng bigas dahil hindi ko naman kaya 'yon mag-isa. Alangang hilahin ko, 'di ba? "Salama–" I couldn't finish my word because of the annoying sound that was coming in my stomach. I knew it. Gutom na ako. Dapat kakain talaga ako sa labas pero hindi ko na nagawa dahil nakakahiya kay Rienn kung paghihintayin ko pa siya. Tumawa na lang ako at nagkibit-balikat. "Sorry for that weird sound. And... yup, thank you." I gave a little smile. "Are you hungry?" He ignored my gratitude. I quickly shook my head as I waived my hand. "No, loko-loko lang talaga 'tong tiyan ko," I reasoned. "Have you eaten your supper?" He got me, huh? Na-detect niya yata ang pagsisinungaling ko. Kinamot ko ang batok ko at umiling ulit. "So, you lied to me?" He seemed sad. Really... did I make him sad? Again? Earlier, he was cold to me. Ngayon ko lang napansin na nawala na 'yon. "H-Hindi, ah! Hindi naman talaga kasi ako nagugutom..." I couldn't lie anymore, I guess? "I mean, hindi pa ako nakakapagluto mula kanina dahil wala na akong stock, so, kinailangan kong mamili muna ng groceries. Gabi na ngayon kaya baka bukas na lang ako kumain," pahina nang pahina ang boses ko. I just said that I'm already a grown-up! What's with that little voice? Anong katangahan 'tong ginagawa ko? Damn, Taime! Pull yourself together, damn it. "Here, ma'am." My lips parted as he handed me the paper bag. Kanina niya pa 'yan dala, no'ng una pa lang kaming nagkita. Naalala ko ring pinahawak niya sa'kin 'yon noong buhat-buhat niya 'yong sako ng bigas. "Ano 'yan?" My hands were trembling as I reached that paper bag. The strange feeling was here again. I couldn't act properly. I needed to get rid of it. "Pagkain," tama siya. Tupperware 'yon na may lamang kanin at ulam. "Sa'yo ba 'to?" Alright, nasa sarili ko na ulit ako. This is good. "Yeah... I guess," hindi siya sigurado? "You seemed unsure about this," I stated. Sinuri ko ang mukha niya at bumalik na rin siya sa sarili niya. Naive. Kung hindi lang siya masyadong nakikipag-interact sa mga kasama niya sa coffee shop, at sa akin, iisipin ko talagang introvert ang isang 'to. "It's yours now... so, hindi na sa'kin 'yan, 'di ba, ma'am?" Gusto kong ikunot ang noo at itaas ang kilay ko pero baka isipin niyang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya – but well, hindi ko naman talaga gusto! He was close at being sarcastic. It doesn't suit him. "Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko sa usapan. "Uhm... are you worried... by chance?" W-What? Worried? Ako sa kanya? I wanted to slap myself for questioning him! What a pain?! "E, ano... s-syempre, kasi 'di ba? You know, you're my number one barista. I-It's just normal..." That question was a curse! Nakabalik na ako sa sarili ko at ito na naman ako, nawawala! Kasalanan talaga 'to ng bwisit na si Jerome! Tama. Siya talaga ang nag-umpisa ng lahat ng 'to, e. Ibabawas ko talaga 'to sa sweldo niya nang makita niya! "I-I see..." He looked embarrassed. Well, the feeling is mutual! This was really embarrassing... and somehow, this made my heart to beat fast. "B-Bukas na lang!" Hindi ko na kaya ang lahat ng 'to! Wala akong naramdamang ganito kahit no'ng kami pa ni Fin. Oo, kinikilig ako sa kanya pero hindi ganito. Iba 'yon. "Sige, ma'am. Una na ako." Tumingin ako sa kanya muli at tumango. Mukhang ayos na siya. "Eatwell..." H-Ha? How would I reply? "Yeah, thank you..." I still have a lot of oxygen in my body so, calm down. I got this. "Matulog ka ng maaga, ma'am." Tinuro niya ang ilalim ng mata niya. "I wanted to look at you without those eyebags," he seriously said. Do I look bad with these? I wanted to cover my face! "Uhm, don't get the wrong idea! I still like you even if you have those eyebags..." Like? Anong like? Magsasalita sana ako nang kumaway siya sa'kin. "Una na ako, ma'am." "Ah, okay... ingat," Sa ilang sandali, nawala na siya sa paningin ko. Napakawalan ko ang mahabang hininga na kanina ko pa pinipigilan. The air was so intense that I couldn't breath properly. Hindi rin ako nagkaroon ng chance para tanungin kung anong ibig niyang sabihin sa like. But knowing him, he meant it as a friend. Or as a barista. Whatever. Sinabi niya 'yon dahil hindi niya ako hate kahit na mayro'n akong eyebags. Fuck these eyebags. Mas lalo lang pinakomplikado 'yong mga bagay. Paano ba naman ako makakatulog nito ng maaga? Syempre, makakatulog ako! Bakit naman hindi, e, alam ko naman... malinaw sa'kin 'yon. Just remember that he's still younger than me. Enough of daydreaming. Yeah, right. That's it. I needed to pull myself together. Just act like how I supposed to act. Anyway, the food was great. I was wondering if he was the one who made that? He got the skills. Really. He could be my... nevermind. Tatlong araw ang nakalipas mula no'ng binigyan ako ni Rienn ng pagkain. Nakakahiya man pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasusuli 'yong tupperware at paper bag. Iniisip ko pa lang na ibibigay ko 'yon at kakausapin ko siya rito sa office ko, ang awkward na. I hate myself for this. I've just realized that I should act normally! Right! That would be easy for me. Mas bata siya sa'kin at mas matanda pa rin ako sa kanya. Hindi naman kami magtatagal na mag-usap kaya walang masama roon. Isa pa, hindi na ako teen-ager na mayroong crush sa isang lalaki para magtago sa lungga niya. Wait... just what the hell was I thinking? Hindi naman ako in love o ano! Sadyang mayroong strange feeling lang tuwing malapit siya sa'kin. Nasolve ko na 'yon. Nararamdaman ko 'yon dahil nahihiya ako sa kanya. Ginamit ko siya bilang boyfriend ko kay Calla kaya natural lang na mahihiya ako. Tao rin ako, 'no. Huminga ako nang malalim bago tumayo sa swivel chair ko at buksan ang pinto. Nahila ko agad ang hininga ko nang sumalubong siya sa'kin. Anong ginagawa niya rito? "May problema ba, ma'am?" Nakakunot ang noo niya habang hawak-hawak ang tasa ng kape at platito ng sandwich. "Ah, wala." Umiling ako at umalis sa daan. "Pasok ka." "May kukuhanin ba kayo sa labas, ma'am?" I admit na medyo namiss ko iyong pagtawag niya sa akin ng ma'am. Hindi kasi kami talaga nakakapag-usap nitong nakaraang araw. Ihahatid niya lang 'yong kape at sandwich tapos aalis na siya. "Actually, I was looking for you." Umupo ulit ako sa swivel chair ko habang pinagmamasdan siya na ipatong ang dala-dala niya. "Uhm, why is that?" But his naive part was really the best. I also told Calla that my boyfriend was naive. And that's what I love the most. Ngayon ko lang din naisip na palapit na nang palapit ang engagement nila ni Fin. Problema ko pa rin kung sinong hihilain ko na maging boyfriend ko. Actually, I was thinking of Jerome but I guess, that was a bad thought. Walang parehas na trait sa kanilang dalawa. Baka sabihin ni Calla, nananaginip ako no'ng time na nilarawan ko sa kanya 'yong boyfriend ko. "I wanted to give this back to you." Kinuha ko sa ilalim ng table ko 'yong paper bag na may lamang tupperware. "Sorry, ngayon ko lang naibalik." Lumapit siya sa'kin at kinuha iyon. "Okay lang, ma'am." My heart beats a little faster when he licked his lower lip. "Thank you pala ulit doon sa pagbuhat ng sako at paghatid sa'kin sa bahay," my voice was filled of gratitude. "No worries, ma'am," It was weird to say, but I always get this strange feeling whenever he calls me ma'am. "Saka ano..." I trailed off. Kumunot din ang noo niya at mukhang hinihintay ang susunod na sasabihin ko. "Sorry doon sa nakaraan na sinabihan kitang iwanan mo muna ako rito. Uh, I'm not sure kung naaalala mo pa, pero sorry talaga ro'n," Medyo guilty ako kaya para makahinga nang maluwag, kailangan ko 'yong sabihin. "Uhm, wala lang 'yon..." Umiwas siya ng tingin. "'Di ba sinabi niyo sa'kin no'n na babayaran niyo ako dahil binuhat ko 'yong bigas niyo?" Tumango agad ako sa tanong niya. Hinihintay niya pala 'yon? Syempre naman! Kung ako rin, kukunin ko talaga ang bayad ko. Ang bigat-bigat kaya no'n. Kinuha ko agad ang wallet ko saka bumunot ng pera at ibinigay sa kanya 'yon pero tumanggi siya. Kulang pa ba? "Hindi pera 'yong bayad..." E, ano? "Samahan mo sana akong mamili rin ng groceries sa Sabado, ma'am." Finally, he looked at my eyes with a little smile on his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD